Pagpasok sa loob ng suite sumalubong sa kanya ang malakas na tugtugin mula sa loob. Pero naririnig pa rin niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib sa kaba. Pinag isipan na niya ito, at paulit-ulit na sinabi sa sarili na kaya niya ito. Kaya niya. "Hi, are you Amara?" Tanong ng may itsurang lalake sa kanya na may malapad na ngiti. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsuri ng lalaking kaharap. Ngumiti siya kahit kabado at medyo takot sa pinapasok na trabaho. Kailangan mag mukha siyang confident at sanay na sanay na sa ganitong gawain para hindi ma disappoint sa kanya ang customer niya. "Hi, yes I am Amara," pakilala niya sabay abot ng kamay para makipagkamay sa lalake. Tinanggap naman iyon ng lalake, nagulat pa siya ng halikan pa nito ang kamay niya. Ngumiti lang siya para itago ang kaba at

