Matapos niyang maiaayos ang mga gamit na pinamili ni Marcus sa kanya nagpahinga na muna siya. Naupo siya sa labas ng terrace at pinagmasdan ang magandang tanawin ng San Miguel. "Wala namang rason para mainis ako kay Marcus, dahil alam ko naman kung ano ang lugar ko buhay niya," bulong niya. Alam kasi niyang hindi niya naiwasang magpakita ng pagkainis kanina sa binata dahil kinailangan pa niyang magtago para lang hindi siya makita ni Melissa. Ano mang meron sa kanila ni Marcus, ay hindi na dapat pang malaman ng iba. Masyado kasing kumplikado ang kontrata nila. Kailangan siguro niyang tanggapin sa sarili na hindi siya maaaring ipakilala ni Marcus sa mundo, hanggang pribadong silid lang sila ni Marcus. "Mali ako," kagat labi niyang bulong nang marealized sa sarili ang pagkakamali. Mali n

