ANG NAKARAAN…march19,2000
“Karina! Sigurado ka ba aakyat kana ulit sa bundok? Diba nga, sabi ni tiyo Nilo ay mag aaral ka sa kolehiyo. Sa kabilang bayan?”
Sabi ni Ponang, o Paula sa totoo niya pangalan. Pinsan at matalik na kaibigan ni Karina. Pansamantala siyang nakikitira sa bahay nito sa may bayan habang pinag aaral siya ng magulang hanggan sa matapos nga niya ang grade Ten.
Ngunit ng mabalitaan niya na ang pera ginagastos sa kanya ng magulang ay galing sa five’six, ay nag desisyon na siya huminto sa pag aaral. Nalaman niya sa pangalawang kapatid na si Janina na hinahamak at hinihiya na naman ang kanyang magulang dahil sa pag kakautang. Na kung mag patubo ay daig pang nag punla ng palay sa taas ng tubo 20% kada linggo.
Sa sobrang baba ng bentahan ng palay sa panahon ngayon, ay mas nanaisin pa namin ipabayo na lang ang palay para marami kaming stock na bigas. Daig pa namin ang langgam tuwing mag tatag-ulan, kailangan maraming imbak na bigas dahil pahirapan ma munga ang mga halaman gulay tuwing tag ulan.
Napilitan na mag arawan si tatay sa ibang lupain para may pang gastos kami sa araw araw. Ngunit mapag samantala talaga ang mga tao may kaya sa buhay. Minsan lang bayaran si tatay, minsan kulang pa. Wala naman pag pipilian ang aking magulang dahil may tatlo pang babae maliliit ang sumunod sa akin. Idagdag pa ang bunso hindi pa lumalabas sa sinapupunan ni nanay.
Pitong buwan buntis si nanay ngayon. Bilang panganay gusto ni tatay na makapag tapos ako ng pag aaral. Kaya lang iba ang sitwasyun ngayon. Sobra hikahos kami sa buhay, hindi makatulong si nanay kay tatay at hindi sapat ang kamote mag hapon para sa mga kapatid ko nagugutom.
Kaya buo na ang pasya ko bumalik at umakyat sa tuktok ng bundok para tulungan ang pamilya ko.
“Hindi na nga ako mag aaral ponang! Para lang sa may kaya sa buhay ang kolehiyo! Mas kailangan ako ni itay at inay ngayon!” singhal ko kay ponang na nakasunod sa likod ko.
Sinasabayan niya ako mag lakad sa paanan ng bundok para pigilan sa pag akyat sa tuktok. Tatlong oras mahigit din ang lalakarin bago makaakyat sa taas ng bundok Baliraya.
“Kainis ka naman Karina eh! Akala ko pa naman sabay tayo papasok ngayon taon,” Angil ni Ponang sa kanya likuran.
Simula ng sabihin niya kay Ponang ang kanya plano pag hinto sa pag aaral ay palagi na ito nag sisintir sa kanya. Tulad niya mahirap lang din si Ponang at kapag mahirap ka, ay palagi kang hinahamon ng away ng mga salbahe tao. Sa paaralan naman ay palagi kami nabu bully. Dahil sa pagiging matalas ng dila ko ay hindi kami madalas apihin. Palagi kami nakikipag pilosopohan matira matibay basta hindi kami sasaktan pisikal.
“Wala ng mas nakakainis pa sa mga pinag kakautangan ng magulang ko! Ang kakapal ng mukha! Akala mo hindi sila babayaran! Maabutan ko lang talaga hinihiya nila ang magulang ko! Lintek lang ang walang ganti!” nanggigigil ko saad.
Hinahampas hampas ko ng maliit na sanga ang mga damo nakaharang sa aming dinadaanan. Hindi parin ako maka move on sa ibinalita sa akin ni Janina noong isang araw. Hiniya daw ni aling Cora si tatay sa binubuwisan lupa. May kailangan kasi bayaran sa eskwelahan bago ako mag tapos. Hindi naman umabot ng isang libo piso ang binayaran ko, pero dahil walang pera kahit singko duling si inay at itay ay kumuha sila ng five’six, nakaipon na ng pambayad si nanay kahit wala pa sa takdang araw ang bayaran. Sadyang tuso at ganid lang ang mga tao sa kanila bayan. Feeling rich kahit hindi naman tse!
“Hindi ka man lang ba muna mag papaalam kay marikit? Sigurado hahanapin ka nun sa akin,”
“Hindi pa ako mamamatay ponang! Babalik lang ako sa bundok. Ikaw na mag sabi kay marikit ng dahilan ko,”
“Sige ikaw bahala, hindi kana talaga papaawat eh, hanggan dito na lang sa tulay kita ihahatid. Mag ingat ka, kamusta muna lang ako kay tiya Dina,”
Bumaling ako paharap kay Ponang na ngayon ay busangot na busangot na at hindi mailawaran ang pag kakalukot ng mukha.
Mula sa arko ng bayan hanggan sa may kapatagan ng paanan ng bundok ay may roon tulay na hanging bridges. Isa iyon palatandaan paakyat sa matarik na bundok ng baliraya. Huminto kami ni ponang sa may dulo ng tulay ng sabihin niya hanggan dito na lang niya ako ihahatid.
“Salamat sa paghatid, mag iingat ka din palagi. Lumaban ka pag inaaway ka ha? Wag kang papa-api.”
Kumaway lang ako sa kanya at nag ba-bye na habang nakangiti. Busangot pa rin ang mukha ni ponang ng tumalikod ako. Deretso at walang lingon ako nag patuloy sa paglalakad paakyat ng bundok.
Kahit gusto ko mag stay sa bayan para mag aral, bumarkada, at kung anu ano pang dahilan, ay hindi ko magawa tumira doon ng matagal. Palagi ko naiisip ang mga kapatid at pamilya ko naghihirap habang ako ay nasa bayan at pilit nila ginagapang na makapagtapos ng pag aaral.
Three hours later…
“Ang tigas talaga ng ulo mo Karlota! Sinabi na sayo mag tiis ka lang, hanggan sa makapag tapos ka ng pag aaral mo! Umuwi uwi ka pa dito bata ka!”
Pagalit na sigaw ni itay sa may pintuan ng aming bahay. Kadarating lang nito galing sakahan at ng makita niya nag puputol ako ng mga sanga ng puno ng kahoy pang gatong ay bigla na lang ako nito sinigawan.
At speaking of Karlota? Palayaw ko pala yun. Tanging ang mahal ko itay lang ang tumatawag sa akin ng karlota.
“Tay naman, Karina po! Hindi karlota”
“Lang ya ka! Sasagot ka pa?! Bakit ba ayaw mo makinig samin ng inay mo? Ha?! Ayoko matulad kayo samin ng mga kapatid mo. Hindi na nakaalis sa lugar nato at dito na tumanda. Mahirap bang intindihin yun karlota ha?”
Masama ang loob ni itay na umupo sa bangko kawayan sa labas ng pintuan. Kahit hindi ko nakikita ng harapan ang kanya mukha alam ko nangingilid ang luha niya dahil sa pamumula ng mga mata.
Ganyan naman talaga si tatay pag galit eh, palagi nakasigaw. Wala pang isang oras mag sermon humuhupa na ang galit niyan. Tapos tutulo na lang ang luha nya. Nakokonsyensya talaga ako pero alam ko mas tama yun decisyon ko ih. Ayoko ng mag aral, ayoko ng ipilit na makapag tapos ng pag aaral.
“Wag na kayo magalit tay, kapag nanganak na si inay at lumaki na si bunso mag aaral din ako ng kolehiyo. Wag lang po ngayon kasi alam kung kailangan ninyo ako dito,”
Napaismid ako sa hamba ng pintuan namin playwood. Habang nakatanaw kay tatay na masama pa rin ang loob.
“Kailan pa iyon mangyayari karlota?! Ha?! Makapasko? Makaani ng pananim?! Abah! Nag kakaedad na kayo ng mga kapatid mo! Mag isip ka naman bata ka!”
Ayan na naman ang blood pressure ni tatay bumababa at tumataas. Gigil na gigil sa galit.
Sinamaan pa ko ng tingin. Hay’s tatay kalma lang.
“Nag iisip naman po ako itay,hayaan niyo! mag hahanap ako ng lalaking mayaman at magpapakasal ako sa kanya para maiahon ko kayo sa kahirapan,”
Taas noo ko sambit ng mabilis nadampot ni tatay sa kanya tabi ang walis tingting. At bago pa ako mahataw ng malakas ay mabilis ako tumakbo sa likod bahay.
“Walang ya ka talaga bata ka! Puro ka kalokohan karlota!! Pumanhik ka dito at hahatawin lang kita ng isa! At ng mag tanda kang bata ka!!”
Habol ako ni itay hanggan sa likod bahay. Mabilis ako naka akyat sa matarik na taninam ng talbos ng kamote baging. Bahagya sumilip pa ako sa pagitan ng mga sagingan. Nakita ko si itay sa baba habang hawak ang walis tingting na pang yabog sa akin.
Lumabas ako sa pagitan ng puno ng saging ng makita ko lumabas si inay at ang bunso ko kapatid na babae na si Winuna. Pinakakalma si itay.
“I’tay.. hindi po kalokohan yun sinabi ko sa inyo! Pangarap ko po iyon! Yun talaga ang pinapangarap ko sa buhay!” malakas na hiyaw ko kay itay. Napatawa pa ako ng itaas nito ang walis tingting sa ere. Hindi tuloy mag kandatuto sa pag awat si inay.
Mabilis ako tumakbo paakyat sa may bandang kakahuyan. Susunduin ko sa may burol ang mga alaga namin hayop. Apat na kambing at isang baka. Sa umaga ay isinusuga namin ito para kumain ng damo at sa hapon naman ay sinusundo pauwi sa kanilang kubo. Dahil pagod na si itay, mainit ang ulo at high blood pa sa akin. Ako na lang ang mag papastol ng mga hayop.
Habang na mamamaybay ako sa gilid ng talon ay napansin ko si Janina. Naghuhugas ng kamay at paa. Panigurado kakatapos lang nito mamundok ng mga pananim. Agad ako lumapit sa kanya sa baba ng talon.
“Janina ano balita sa palengke? Malakas ba bentahan ng gulay?”
Lumusong ako sa mababaw na parte ng talon at nag landi. Umabot hanggan tuhod ko ang tubig. Masarap sa pakiramdam ang malamig na tubig ng talon. Ang sarap sana lumangoy.
“Hindi nga ate eh, mas gusto pa rin nila yung mga gulay na galing sa ibang bayan,”
“Ganun ba? Magkano naman ang presyo nila sa palengke?” nangunot bigla ang noo ko ng sumimangot si Janina.
“Napakababa ate, wag mo ng itanong at baka magkaroon ng himagsikan. Kilala na kita, baka kung ano pang gawin mo!” mataray na wika niya at pinameywangan pa ko.
“Wag ka ng malungkot, bukas na bukas ako na maghahanap at hahakot ng mga gulay dito sa bundok. Ako narin ang mag lalako sa palengke, sa bahay kana ulit. Mag tulong kayo ni Rosana sa gawain bahay para hindi mapagod si inay,”
uMahon ako sa tubig bago hinarap si Janina kakatapos lang mag linis ng katawan. My isang plastik na talbos sa gilid ko, mukhang bistik na talbos na naman ang hapunan namin ngayon. Best dishes ni inay haha saklap talaga pag mahirap ka, sa dami namin kailangan ma utak ka sa pag iisip ng uulamin. Ok lang walang ulam basta may bigas na pang saing.
“Sige ate, ikaw bahala.. hindi kana ba talaga papasok sa kolehiyo?”
“Hindi na. Hindi naman ako bagay dun, dadami lang ang mga kaaway ko. Alam mo naman ang ate mo masyado famous,” natawa pa ako sa huli ko sinabe.
“Ate talaga puro kalokohan. Patay ka kay tatay, sigurado sa puno ng narra ka matutulog mamaya” may pagkadismaya iiling iling si Janina sakin.
Napangiti naman ako ng maalala ang pagkagalit sa akin ni itay. Kung may sakit lang ito sa puso kanina pa namin nadala sa ospital. Kaso wala kami pera kaya baka sa albularyo ang bagsak namin.
“Hindi ako matutulog sa labas ng bahay, Kanina pa ako napagalitan ni itay. Sigurado pag uwi ko mamaya wala na ang galit nun,” taas kilay na wika ko kay Janina.
“Eh ano? Nahataw ka ba ng kawayan?” tanong niya na ikinatawa ko ng malakas.
Napangiti na lang si Janina ng pulutin ang supot ng talbos sa tabi ko.
“Kahit kelan hindi pa ako nahahataw ni itay noh? Mabilis kaya ako tumakbo,” pagmamalaki ko pa.
Tatawa tawa napailing si Janina bago ako lampasan. Nakakailang hakbang palang ito ng humarap sa akin.
“Ate, ate.. dalaga kana. Hindi ka parin nagbabago, paano may magkakagusto sayo mayaman? Para pakasalan ka? Daig mo pa tindera sa palengke na may kaaway na customer. Para kang bata at walang preno ang bunganga, matigas na ang ulo at pasaway pa! Haaays”
Napatanga na lang ako sa haba ng sinabi ng kapatid ko. Mabilis na humakbang paakyat sa mataas na parte ng kakahuyan si Janina pauwi sa amin bahay.
Balewalang napataas na lang ako ng dalawa kilay.
“Problema nun?” bulong ko.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng maihatid ko ang mga hayop sa kanilang kubol. Mula dito ay tanaw na ang aming bahay, di naman kasi kalayuan ito sa my burol na malapit sa amin bahay.
“Oh’ yan ha? Nakauwi na tayo! Mag si tulog na kayo! Ambaho ng mga utot niyo! Pwe! Kala ko tao lang ang mabaho ang utot!” pag kausap ko sa mga hayop bago isara ang kawayan pintuan ng bahay nila.
Nakakailang hakbang pa lang ako pauwi ng makarinig ako ng mga sigawan mula sa amin bahay. Napahinto ako sa pag hakbang at bigla kinabahan.
Bakit sila nag sisigawan? Manganganak na ba si inay? Pito’ng buwan pa lang ang tiyan nun ah? Imposible naman atakihin si tatay sa puso. Idolo yun ng kalabaw niya sa palakasan ng katawan.
Natigil sa pag mumuni muni si Karina ng marinig ang malakas na sigaw ng kanyang itay at inay. Kumaripas siya ng takbo sa pag aakalang sinugod na naman ng kung sino’ng nag pa five’six ang kanya magulang.
Habol ni karina ang paghinga ng makita walang tao sa labas ng bahay nila. Agad siya pumasok sa loob ng bahay nila. Paiga na ang sabaw ng bistik na talbos sa malaki talyasi. Malakas ang gatong na nag mumula sa kahoy ngunit walang nag babantay.
Nakatiwang wang sa mesa ang dalawang baso ng kape umuusok pa, pero walang tao.
Umakyat ako sa tatlo baitang na kawayan hagdan at sinilip ang aming tulugan. Ngunit wala din ka tao tao.
Sa pag kakaalam ko ang magulang ko at kami apat na babae mag kakapatid ang nakatira dito, idagdag pa yun nasa tiyan ni inay na dalawang buwan na lang eh lalabas na din.
“Pero nasaan sila?”bulong ko at kakamot kamot ako sa ulo ng mag pasya lumabas ng bahay para hanapin ang aking mga kasama.
Hindi pa ako tuluyan nakakalabas ng pinto ng patakbo pumasok sa loob ang bunso ko kapatid na sinundan ni Rosana. Napamura pa ako ng maapakan ang aking paa.
Pinanlisikan ko ng mata ang dalawa ng maupo sa bangko katabi ng lamesa. Namumutla at hapong hapo ang mga ito.
“Ate! Di namin sinasadya. Wag kana magalit,” sabi ni Rosana at tinaasan ko lang ng kilay.
Nakatagilid ako sa may pinto at hinarap sila. Hindi pa ako nakakabwelo ng sunod sunod na mura ang lumabas sa bibig ko ng halos muntikan na ako sumubsob sa talyasi kumukulo.
Nahagip ng paningin ko si itay, inay at Janina na may pinag tutulungan buhatin. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanila ng makaakyat na sila sa taas.
“Grabe ka naman tay! Ang ganda ganda ko hindi mo ako napansin?! Pwede naman sabihin patabi! Hindi yung makabunggo wagas! Kamuntikan na ako mabistik ah?!” parinig na singhal ko sa kanila.
Ngunit wala talaga sa akin ang atensyon nila. Sinigaw pa ni itay ang mabantot na karlota ng tawagin ako.
“Karlota! Karlota! Pumanhik ka sa likod bahay at kumuha ng halaman gamot!”
Sigaw ni itay kaya agad ako sumampa sa kawayan hagdan. Siya naman labas ni inay at nag mamadali kumuha ng malinis na lampin sa sako at maligam gam na tubig. Mabilis nakabalik si inay kay itay, kasunod ang dalawa ko bunso kapatid na si winuna at rosana. Umupo sa gilid ng dingding na sawali ang dalawa.
Napatanga ako habang papalapit kay itay at inay, nang makita ng dalawa ko mata ang pinag tutulungan punasan at bihisan ng aking magulang. Napahinto ako sa tabi ni Janina na nakatayo. Tulad ng mga kapatid ko ay natulala din ako.
Isang matangkad na lalaki, may kahabaan ang medyo kulot nito buhok. Maraming galos at pasa sa katawan. Kahit gasera lang ang ilaw namin ay hindi parin maitatago ang maputi kulay ng balat nito.
“Sus’maryosep! Nilo, may malaki siya sugat sa ulo. Ano gagawin natin?!” natataranta sa takot na sambit ni inay.
“May pulso pa siya Dina, wag kang mag alala. Gagaling siya” determinado sagot ni itay.
nApaigtad pa ako ng mag angat ng masamang tingin sa akin si itay.
“Karlota! Sabi ko kumuha ka ng halaman gamot sa likod. Ano ba?!”
“Tay, sino ba yan? Saan siya ng galing? Bakit dito niyo siya inuwi sa bahay natin?” naguguluhan ko tanong.
“Mamaya na ang tanong anak! Kumilos kana dyan! At tulungan mo kami ng inay mo dito! Bilis!”
kAhit naguguluhan ako sa nangyayari ay agad ako tumakbo sa likod ng aming bahay. At lahat ng halaman gamot na pwede ko ng kunin ay kinuha ko na sa pagkataranta ko. Jusko po! Baka mamatay pa yung lalaking yun! sagutin pa namin. Maudlot pa ang mga pangarap ko dahil makukulong kami.
Mabilis ko hinugasan ang halaman gamot sa may tapayan na puno ng tubig at nilagay sa malinis na plangganita. Pumanhik ako sa loob at inabot agad iyon kay inay.