Chapter 2

4077 Words
Nagising si Caroline sa sinag ng araw na tumambad sa kanya mula sa bintana ng kanyang kwarto. Tiningnan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding alas 7 na ng umaga. Bumangon sya agad habang humihikab pa atsaka nagdasal. Pagkatapos magdasal ay inayos niya ang kanyang higaan at dumeritso ng cr para maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis lang sya ng white sleeve shirt at black high waist jeans na tamang tama sa kanyang gagawin ngayong araw ang maghanap ng work. One week na simula ng naka graduate siya nakapag start na rin sya na mag apply ng work pero until now wala pang tumatawag sa kanya. Hindi kasi sure na pag sinabi nilang tawagan ka nalang ay tatawagan ka talaga it's one way of saying na hindi ka tanggap sa company nila or hindi sila hiring. Ngayon ipagpatuloy niya ang paghahanap bago maubos ang pera niya, nagsaing nalang muna sya ng kanin at nag prito ng itlog at nagtimpla ng gatas para sa agahan niya para may lakas naman sya sa paghahanap ng work at para makatipid na din sya. Instead na kumain sa labas ay sa bahay nalang sya kumain. Pagkatapos kumain ay nag tootbrush lang sya at naglagay ng pulbo sa mukha at lipstick na sakto lang na bumagay sa mukha nyang maliit. Pinaresan lang din niya ang suot na damit ng black flat shoes. Maghapong nilibot ni Caroline ang halos buong company ng ka Maynilaan para makahanap ng work pero ni isa wala pang tumanggap sa kanya as usual sinasabihan lang sya na tatawagan nalang. Kumain muna sa sya sa Mcdo nagugutom na kasi talaga siya kaya naisip nya na kumain muna bago ipagpatuloy ang paghahanap ng work. Habang naghihintay ng order niya sa Mcdo sa loob ng isang sikat na mall ay tumutingin siya sa labas malapit kasi sya sa glass naka pwesto kung saan kita ang mga mahabang buildings sa labas. Kitang kita nya ang nakatatak na Davis Corporation sa tuktok ng isang building. Hindi pa niya ito napasok kaya after niya mag lunch ay naisipan niya na pasukin ito.Habang nakatitig doon sakto naman na dumating na ang kanyang order na chicken with fries and drinks. Here's your order ma'am thank you so much po naka ngiting sabi ng crew na lalaki sa kanya na ngumuti lang din sya pabalik. After niyang mag lunch nag retouch lang sya sandali sa restroom at dala dala ang kanyang mga gamit ay lumabas sya ng Mcdo at tinawid ang kabilang building. Nag hi sya sa guard sabay smile dito ng makarating sya ng building na tinitingnan lang niya kanina. Good afternoon po ma'am mag aapply po ba kayo? Yes sana kung merong vacant nakangiti niyang sagot. Tamang tama ma'am hiring po sila ngayon kaka resigned lang ng isa sa mga empleydo dito kaya kailangan nila ng kapalit. Pumasok nalang po kayo sa loob ma'am at pakibigay nalang ng resume niyo sa receptionist sabi ng guard sabay bukas ng glass door. Ngumiti sya at nag thank you sa guard sabay pasok. Sana matanggap siya ngayong araw kahit siguro Janitress tatanggapin nalang niya para kahit papaano may trabaho siya syempre habang naghahanap din ng magandang trabaho wala pa kasi siyang maraming experience sa Mcdo lang pero baka hindi enough yon sa ibang company kaya medyo mahirap talaga dito sa Pilipinas maghanap ng trabaho. Kaya nga naghahanap ng trabaho para magkaroon experience pero ang requirements experience hays! It's only the Philippines sabi niya sa sarili niya. Ngumiti naman sya sa magandang receptionist na sumalubong sa kanya. Hello ma'am I heard po na hiring po kayo, magpapasa sana ako ng resume nakangito ako dito sabay lapag ng resume sa desk nito. Yes we are ma'am umupo nalang po muna kayo dyan sabay turo sa upuan sa likod ko dalhin ko lang to sa HR department nakangiti pa nitong sabi at lumakad papuntang elevator. Sana matanggap na talaga ako ngayong araw sabi niya sa sarili niya habang nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa mukha niya napapikit pikit pa sya, 5 minutes lang syang naghintay bumalik naman agad ang receptionist na nakausap niya kanina nakangiti ito sa kanya. Ma'am Miley the HR manager wants to have an interview with you po tara ihatid kita dun sabay lakad nito papuntang elevator at pinindot ang 2nd floor. Nakangiti naman syang sumunod dito na medyo kinakabahan kasi pinagdadasal talaga niya na sana ito na ang company na tatanggap sa kanya. Dalawang araw na kaming hiring dito pero ikaw pa ang pinakaunang nag apply sana matanggap ka biglang sabi ng receptionist sa kanya. I'm Jane Flores pala sabay lahad ng kamay nito sa kanya. Nakangiti naman syang kinamayan ito I'm Caroline Fuentebella you can call me Carry. Well nice to meet you Carry. Nice to meet you too Jane. Pagka bukas ng elevator ay lumabas agad sila at tumambad sa kanila ang puro glass na opisina nakikita nila sa labas ang mga empleyado. Pumasok si Jane at tinawag yong Miley ang pangalan na yon daw ang mag iinterview sa kanya. Ma'am Miley andito na po yong applicant tawag nito sa babaeng nakatalikod na may kausap na isang empleyado. Ok, thank you Jane makakabalik ka na sa baba sabay harap sa kanila na nakangiti. Tumitingin lang sa kanila yong ibang empleyado pero back to work agad. Sige po ma'am alis na po ako, Carry galingan mo sabay thumbs up sa kanya at lumabas na ng opisina. Nag thank you lang sya dito at humarap sa mag iinterview sa kanya. Come with me sinyas nito sa kanya at sumunod naman agad sya na pumasok sa isang private office. So, this is not my office but if ever you are qualified and passed the interview this will be your office sabi nito na nakangiti pa rin. Naramdaman naman niya na mabait ang mga empleyado sa kompanyang to. Tumatango tango lang sya dito. Have a seat and let's start for the interview sabay upo at tinitingnan yong resume niya na nakalapag sa table. I am Miley Davis HR manager dito sa Davis Corporation pagpapakilala nito sa akin. Davis? Davis Corporation? Napaisip sya sa apelyedo nito na pangalan din ng company. You're fresh graduate, congratulations! work experience mo ay sa Mcdo? What is your job there miss Caroline? Tanong nito habang sinusuri parin ang kanyang resume medyo kinakabahan tuloy sya. Casher po ma'am but sometimes nilalagay po nila ako sa sales marketing department confident kung sagot dito. ok that's a good training were really in need of HR recruiting staff base sa experience mo ok ka naman makipag-usap sa tao right? Ah yes po ma'am araw-araw ko naman yan ginagawa kayang kaya po yan ma'am sagot nya. That's good, hindi na ako magtatanong ng marami sayo basta umaasa ako na hindi mo naman ipapahiya ang Davis Corporation. Atsaka ako ang mag tetrain sayo. You can start tomorrow which is tamang tama dahil darating buwas ang may ari from out of the country business trip. Ipakilala kita sa lahat sabi nito na tango lang ang tanging nasagot niya dahil hindi siya makapaniwala na natanggap na siya. Your starting montly income is 20,000 pero after 1 month of training ay additional 10,000 a total of 30,000. Ang company na mismo ang magbabayad ng mga benefits like Pag-ibig, PhilHealth and SSS basta pagbutihin mo lang work mo sabi pa nito. Dito sa table sabay turo sa may table kung saan ito nag iinterview sa kanya may mga folders dito na basahin mo bukas sa pagpasok mo background yan ng company kung ano yong mga products na nilalabas natin at kung sino ang CEO and when nag start ang business na ito. At guide mo din as a trainee, ok siguro wala na akong nakalimutan. Aralin mo nalang lahat yan. Ito na magiging office mo simula bukas sabi nito at lumabas na kami ng office. Coleen pakisamahan naman si Caroline sa stock room para kunin yong uniform niya sabi nito sa isang empleyado na kasing taas at magkasing katawan lang din sila. Yes ma'am sabay tayo nito at lumapit sa kanila. ok sige see you tomorrow sabi ni ma'am Miley at bumalik na ito sa siguro opisina nito pumasok kasi ito sa isang room na katabi lang din ng magiging office niya. Thank you so much ma'am pahabol niya dito. You're welcome! habang tuluyan ng makapasok sa office nito. Hi I'm Coleen ma'am Miley's assistant tara kunin na natin uniform mo excited nitong sabi sa kanya na akala mo masaya dahil natanggap siya. Ngumiti naman sya at sumunod dito. Ako pala si Caroline Fuentebella sabi ko dito habang naglalakad kami papuntang elevator. Nice to meet you Caroline and welcome to the best company in the world nakangiti pa nitong sabi. Talaga bang masaya sila dito? Ilang taon ka ng nagtatrabaho dito Coleen? 2 years na fresh graduate ako nun, noong nag apply ako dito at si Ma'am Miley din nag interview sa akin at natanggap ako. Ang ganda ng buhay ko dito girl sobrang mababait ang mga tao dito. Lalo na yong may-ari. Kaya excited na ako na meet mo sya bukas kasi sobrang bait talaga. Nasa loob na sila ng elevator at pinindot ang 1st floor kasi andoon daw yong stock room. Ka anu-ano po ba si ma'am Miley sa may-ari nitong company? curious kung tanong dito. Si Ma'am Miley? Bunsong kapatid sya ni sir Carl Davis na CEO mismo ng kompanyang to, dalawa lang sila na magkapatid. Pinamana na ang kompayang to kay sir Carl Davis ng kanilang mga magulang habang inaasikaso naman nito ang ibang business pa nila, si ma'am Miley ayaw mag take over sa mga business nila pinili lang nito na maging ordinaryong employee. Kwento ni Coleen sa kanya. Talaga? Kung sa iba yan mag-aagawan pa yan sa mamanahin sabi naman niya. Oo totoo yan pero kakaiba sila ang bait bait nila sobra, naku pag ma meet mo si sir Carl iwan ko nalang kung hindi ka ma in love sabi nito at sakto naman na bumukas na ang elevator at lumabas sila. At paano naman nasali sa usapan nila ang ma in love? Binata pa yon si sir Carl 25 years old pa lang yon nakangiti at kinikilig pa nitong sabi habang naglalakad at pinalo sya sa balikat Close agad? Sa isip niya. Ano naman paki nya kung binata pa yon ang pakay nya dito ay makapag trabaho hindi mag boyfriend atsaka she promised herself iiwasan na niya ang mga lalaki at hindi na magpaloko sa mga ito. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanya. Oh, andito na tayo Caroline----wait do I have to call you Caroline? Ang haba naman pwede iklian? Ano ba palayaw mo? Sunod sunod nitong tanong sa kanya. You can call me Carry, Coleen para hindi ka na mahirapan sa mahaba kung pangalan. Carry? as in karga? paninigurado pa nito. Oo sagot ko naman. Tumango nalang ito sabay pili ng mga sizes ng uniform. Ito kasya to sayo magka size lang naman tayo eh small sabi nito at binigay sa akin ang apat na pares na uniform na dark navy blue. Ikaw nalang mag provide ng white inner ito lang kasi ang binibigay ng company para sa mga empleyado sabi nito. Oo ok sige thank you sabi ko at lumabas na kami ng stock room. Oh ano see you tomorrow karga? natatawang sabi nito. I mean Carry. Napangiti nalang sya at nagpaalam na din dito. Kumaway ito sa kanya ng papasok ito ng elevator. At sya, dahan dahang naglakad dumaan muna siya sa receptionist at nakita niya ang receptionist dun nagdala sa kanya sa 2nd floor. Kumusta? Tanong nito sa kanya. Nag thumbs up sya dito at nag smile at dahan dahang lumapit dito. Wow! Congratulations! sabi nito. Thank you sa pag assist sa akin sabi ko dito. Oh sige mauna na ako ha, para makapag prepare ako sa first day ko bukas sabi ko dito. Sige ingat ka nakangiti lang na sagot dito at tuluyan na syang lumabas ng building. Nakita naman nya ang guard na nakausap niya kanina. Manong guard salamat po. Araw-araw na po kitang makikita dito nakangiti kung sabi dito. Wow ganon ba ibig sabihin tanggap ka na? nakangiting tanong nito. Sabay sabing Congratulations! Ngumiti nalang sya dito at nagpatuloy sa paglalakad, bumalik sya sa lugar kung saan sya pumasok kanina sa mall, doon nalang sya mamili ng pang inner nya bukas. Pumasok siya sa isang store na puno ng mga damit. Pumili agad sya ng white sleeveless para pang inner niya bumili sya ng limang piraso para may pagsalitsalitan sya. Pagkatapos ay pumunta naman sya sa kabilang store ng mga shoes bumili sya ng dalawang pares ng office shoes black and nude colors. Pagkatapos makabili ay nakaramdam sya ng gutom kaya pumasok sya sa Greenwich ito kasi agad ang nakita niya na kainan kaya dun nalang sya kakain.Nag order nalang sya ng pizza, chicken and lazagna and coke. After mag order ay umupo sya sa may table at nilagay lahat ng pinamili niya. Kinuha niya ang cellphone sa bag at tingnan kung may message ba sya, wala naman kaya binalik agad. Mag alas 5 na pala kaya, no wonder kung kumakalam na sikmura niya. Tumitingin lang sya sa paligid nya while waiting her order, maraming tao sa loob ng Greenwich pero kanya kanyang kain na tila walang pakialam sa paligid. Pinagpatuloy lang niya ang paglibot ng kanyang mga mata sa paligid ng nag stop ang kanyang mata sa isang table na may dalawang foreigner na kumakain ngumiti itong kumikindat sa kanya. Bigla naman kumunot ang kanyang noo niya at binalik agad ang tingin nya sa may table niya. Nahuli pa talaga syang nakatingin dito pero hindi naman niya intensyon yon sadyang malikot lang ang mga mata niya. Wala lang parang nahiya lang siya sa ginagawa niya. Atsaka hindi naman niya ito kilala. Dumating na ang kanyang order nag thank you nalang sya sa crew na nag serve sa kanya at kumain sya agad dahil gutom na gutom na talaga sya. Kasalukuyan syang sumusubo na may dalawang matatangkad na lalaki na dumaan sa may gilid at medyo nasagi pa sya nito ng kunti tumingin naman sya dito. At dito niya napansin na yon ang lalaki na tiningnan niya kanina. Tumingin ito sa kanya at kinindatan na naman sya ulit nito. Gaya ng ginawa nya kanina sinimangutan lang nya ito at nagpatuloy sa pagkain. Quater to 7 ay nakauwi na sya ng bahay inayos nalang niya ang mga pinamili sa kanyang cabinet. At ang mga shoes ay nilagay sa lagayan ng shoes. Sobrang maarte at organize syang tao kaya hindi niya hinahayaan na may mga gamit syang nagkalat sa loob ng kanyang apartment. Hindi na sya kumain, pinagpagan nalang niyan ang bed niya at ni ready sa pagtulog, nag walis na din sya para malinis. Nag half bath na sya after magwalis at nag toothbrush na din. Nagbihis nalang sya ng terno na pajama at humiga sa kama. Hindi pa alam ng kanyang mga kaibigan na mag trabaho na sya bukas. Bukas nalang after ng work niya. Nag scroll down lang sya sa f*******: ng makaramdam na ng antok. Nag alarm nalang sya ng 6:30am at pumikit. Nagising naman sya sa tunog na alarm kinabukasan, as usual daily routine niya na kahit nung nag-aaral pa lang sya ay ginagawa na niya, nag-aayos ng higaan at nagwawalis ng buong apartment, nagsasaing at nag prito naman ng hotdog at nagtimpla ng gatas para sa agahan niya. Naligo muna sya bago kumain. Sinuot na niya yong white inner na binili niya kahapon at ang uniform na binigay ni Coleen. Coleen is right saktong sakto ito sa kanya hindi sobrang fit sakto lang talaga. Kumain muna sya at nag toothbrush. Naglagay lang sya ng light make up at sinuot ang black shoes na binili din niya kahapon. Saktong 7:10am ay tapos na sya 8am-5pm ang kanyang pasok. 15-20 minutes ang travel pag naka jeep sya papunta dun sa Davis Corporation. Kaya nag taxi nalang muna sya para hindi makarating sa office na haggard. Pag gabi nalang sya mag jejeep para makatipid pa rin sya sa pamasahe. Pagka baba nya ng taxi agad nag good morning sa kanya yong guard na nakausap niya kahapon. Good morning din po bati niya dito at tuluyan ng pumasok ng building, nag good morning lang din sya dun sa receptionist na naka ngiti sa kanya at dumeritso na ng elevator pinindot nya ang ang papuntang second floor. Ng makarating sa second floor ay dumeritso agad syang pumasok kunti pa lang ang mga tao doon wala pa si Coleen hindi din niya alam kung andoon na si ma'am Miley. Pumasok nalang sya dun sa maging office niya at nilagay ang kanyag bag sa may swivel chair. Wala pa namang 8am ay naglinis muna sya ng table niya, buti nalang may nakita syang walis dun sa likod mismo ng mini library, yong office kasi niya ay may mini library. Sa gilid naman nito ay lagayan ng mga folders. May sarili din itong cr kaya hindi sya mahirapan na lumabas pa para mag cr. Kakatapos lang niya na maglinis ng may kumatok. Come in sabi ko habang inaayos yong gamit sa table ko. Good morning miss Caroline welcome to your first day of work nakangiting bati nito sa kanya. Thank you ma'am Miley good morning din po bati ko din dito sabay ngiti. Bagay sayo ang uniform mo ah, tamang-tama sa katawan mo, anyway I'll remind you na may meeting today at 8:30am for the annual report meeting kasama ang mga business partners natin. At andito din ang ating CEO tamang tama na ipakilala kita. Actually mga managers lang ang kasali sa meeting pero since bago ka at para makilala ka na rin ng mga business partners sabi pa nito. Sige po ma'am no worries nakangiti kung sagot dito at lumabas naman agad ito. Kasalukuyan akong nagbabasa ng background ng company, itinatag pala ito ng isang American na nag-asawa ng Filipina at ito ang ama ni Miley Davis at Carl Davis. Isa sa mga sikat ng company sa buong Asia ang Davis Corporation. Napaka yaman ng kompanyang ito. Sa isip niya 10 minutes nala mag 8:30am na kaya lumabas na sya at sakto naman lumabas na din si ma'am Miley sa office nito. Ok your in time let's go guys sabi nito sa kanilang dalawa ni Coleen syempre kasali din si Coleen sa meeting kasi siya ang assistant nito. Ng makapasok sila ng elevator pinindot ni Coleen ang 6th floor yon na ang pinakadulo ng building. Hindi naman sila inabot ng 2 minutes sa elevator nakarating din sila agad sa 6th floor. Carry, ito yong office ni sir Carl and ito naman ang conference room turo nito sa katabi lang na room. Tumatango lang siya kay Coleen at pumasok na sila sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Marami na din ang tao sa loob puno na ang mga upuan except sa tatlo na siguro para sa kanila. Were in time, good morning sabi ni ma'am Miley at umupo. Have a seat guys sabi nito sa aming dalawa ni Coleen. Ngumiti lang sya at umupo na din. Palinga-linga lang sya sa paligid nasa pinakaharap pala silang tatlo. Napalingon sya doon sa nakaupo sa harap may tinitingnan itong mga papers. Hindi na nya masyadong makita ng maayos ang mukha kasi nakayuko ito, pero sa tingin ko ito na ang CEO ng kompanya na kapatid ni Miley. Bakit parang iba yong pakiramdam niya, para kasing familiar ito sa kanya. Ok good morning everyone let's start the meeting sabi nito na ikinatitig niya. Anyway before the meeting we have a new employee from HR department Miley please introduce that beautiful woman beside you. Ano daw? beautiful woman? Ok so good morning everyone, this is Caroline Fuentebella a new HR recruting saff sabi ni ma'am Miley sa lahat. Medyo namula yata ako sa pagsabi nito na beautiful woman and wait sya yong Amerikanong kumindat sa akin sa Greenwich kagabi, hindi ako nagkakamali sya talaga yon. Sa buong meeting wala syang masyadong maintindihan kinakabahan kasi siya panay kasi ang kindat ng lalaki na to sa kanya. Nalaman niya na yong lalaking kinikindatan siya kagabi ay yon pala ang boss niya na si Carl Davis, tadhana nga naman sabi niya sa isip. Natapos ang meeting na parang wala sya sarili, pero hindi pwede yon kailangan niyang mag concentrate sa trabaho nya baka ma kick out sya ng wala sa oras. Pero wala naman syang ginawang masama medyo nagulat lang sya kasi ng makilala ang lalaki, parang may dala itong kaba, pinapakaba ang kanyang dibdib. Nakarating na sila ng opisina nila pumasok lang sya agad sa opisina niya at ginawa ang mga pinapagawa sa kanya ni Miley. Mag weekend na, Friday last day of work today, panibagong week na naman. Andito ako ngayon sa opisina pinagpatuloy yong mga papers na trinatrabaho nya, para next week bagong papers na naman ang tatrabahuin niya. Mag alas 3 na ng hapon ng tiningnan nya ang wristwatch niya, so far so good naman ang first week nya dito talagang mababait ang mga empleyado dito wala syang masabi, nakilala na din nya yong taga ibang department may mga lalaki nga na nagparamdam sa kanya pero hindi naman niya pinapansin. Yong boss niya hindi niya masyadong nakikita kasi andoon naman ang opisina nun sa toktok ng building nag-iisahan lang. Kaya bihira niya itong makita atsaka hindi rin naman niya ito hinahap, iniisip lang niya.Madalas naman niyang nakakasama sina Miley at Coleen sa lunch time. Nasa kalagitnaan sya ng pag-iisip pero syempre tuloy pa rin ang trabaho niya kahit kung saang planeta na lumilipad ang isip niya ng may kumatok. Come in malakas kung sabi para marinig ng kumatok kung sino man yon. Hello Carry, bungad ni Coleen sa kanya, makisuyo sana kung pwede ikaw ang magpa pirma nito kay sir sabay lapag ng maraming folders sa table niya, may ginagawa pa kasi ako na kailangan kung tapusin agad ok lang ba kung ikaw nalang aakyat sa 6th floor para ihatid ito kay sir Carl at papirmahan? Nag-aalangan sana siya pero nakikiusap ito eh. Kinakabahan din kasi siya na makaharap ang lalaki, pero ano naman ngayon. ok sige ako na bahala sabay ngiti ko dito. Ngumiti naman ito at nag thank you at lumabas ng office niya. Bumungtong hininga sya at kinuha ang mga folders at lumabas ng office niya. Pumasok agad siya ng elevator at pinindot ang 6th floor. Ng makarating ng 6th floor kumatok sya agad, para makabalik din agad sya sa 2nd floor. Come in! narinig niya ang lalaking boses.Malamang lalaki iyon, wala naman syang nakitang assistant or secretary nito. Agad naman syang pumasok at naabutan ito na busy sa kakapirma ng mga papeles. Sit down please sabi nito na hindi sya tinitingnan. Sit down? Ibig sabihin magtatagal ako dito sabi ko sa isip ko. Magsasalita na sana ako ng.... How's your week Miss Caroline english na tanong nito. Pero busy pa rin ito sa pag pirma sa mga papers nito so ibig sabihin kahit hindi ito nakatingin ay kilala na talaga sya nito. It's been good sir, my workmate are kind to me, so it's been easier for me to adjust sabi ko dito hindi naman ako nito tinitingnan kaya hindi ako ngumiti dito. That's good sabay baba ng mga papers at tumingin sa akin. Nakita ko ng malapitan ang mukha nito ang gwapo, ang maliit nitong mukha at ang tangos nitong ilong. Oh Gosh! Caroline stop sabi ko sa sarili ko at napayuko. I can assure you na mababait talaga ang mga empleyado dito sabi nito sa salitang tagalog marunong pala itong mag tagalog. Hindi ako tumingin dito kasi alam kung sa akin sya nakatingin kaya inilipat ko sa ibang direksyon ang mga mata ko. Thank you sir sagot ko dito. Wag ka ng mahiya sa akin, it doesn't mean na I'm your boss ay mahihiya ka na pareho pareho lang tayo na nagtatrabaho dito. So, feel free to approach me nakangiti nitong sabi sa akin. Napatitig naman ako dito, parang na mamagnet ako sa mga mata nito. Pero hindi dapat ako magpadala. Pilit lang akong ngumiti dito. Thank you po at sige po sir babalik na po ako sa office para tapusin yong trabaho ko sabi ko dito. Saan ka nakatira? Napatingin naman ako dito na akmang aalis na sana sa Quezon City sir sagot ko naman. Can I ask you out sometimes? Ha? ah eh utal utal kung sagot. Bakit naman? sabi ko sa sarili ko. Can I ask you out sometimes? ulit pa sa tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD