Chapter 3- Mysterious Girl

2096 Words
Today is Monday. Puyat ako from work but I've got to go to school dahil may recitation kami ngayon. Pagbaba ko ng jeep ay nakasalubong ko kaagad ang taong naging laman ng mind ko since Saturday night. She is walking towards the gate bitbit ang tatlong books sa arm niya, hugging it like her life depends on it. Naka-hairband lang siya and her long straight black hair sways freely as she walks. Wala siyang any make ups on today unlike last Saturday night na may lipstick siya and eyeshadow then her hair is pulled up sleekly in high ponytail. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad, I just watch her from afar. I know she didn't notice me at wala rin naman akong balak na lapitan siya. When she is quite far from me, far enough para masabing hindi ako sumusunod sa kanya ay nagsimula na akong maglakad papasok sa loob. Hindi muna ako tumuloy sa classroom, dumaan ako sa locker room namin ng mga varsity players para iwan ang bag ko. I only bring a notebook and pen at class, unless needed talagang magdala ng iba pa like books. Paglabas ko ng locker room, I saw my friends na papunta sa akin. Nasanay na kasi kami na dumaan sa locker room everyday before going to class kaya madalas dito ang meeting place namin apat. "Hey bro! Aga mo!" nag-high five kaming apat. "Have you forgotten? May recitation tayo ngayon kaya maaga ako." "f**k! Oo nga pala!" natampal ni Silver ang noo niya. Alam na ang ibig sabihin nun, he didn't review. "Yari ka! Strikto pa naman si Miss Tapia! Hahahahaha!" Mervin's laughter filled the whole corridor. "Eh bakit ikaw? Nag-aaral ka ba?" ganting tanong ni Silver. "Nagbasa ako, bro! Hahaha! Saka crush ako ni Miss Tapia, hindi ako tatawagin nun mamaya!" pag-bibida pa na sabi ni Mervin. "Crush daw! Baka ikaw ang may crush kay Miss Tapia! Hahahahaha!" pang-aasar ni Kurt kay Mervin. I laugh along with them. Wala ako sa mood na makipag-kulitan sa kanila ng matagal because aside sa recitation namin na inaral ko, my mind is travelling to the chick I saw again kanina sa may gate. Hindi ko alam kung anong meron siya but honestly speaking, there is something about her that caught my attention to know her further. May pagka-mysterious siya. Parang may tinatago siya behind her school uniform. Parang feeling ko ang totoong siya was the one that I have seen last Saturday night at the bar. That makes this whole thing more intriguing, ang pag-tahimik niya and aloof at school tapos ang pagiging carefree niya sa bar. Two very opposite personality na isang tao lang ang may gawa. But don't get me wrong, wala akong gusto sa kanya dahil si Selena lang ang gusto ko. Nangyari lang siguro that this new transferee captured my curiosity to the extent that she is running through my mind lately. Sabagay ay pwede naman na demure ang kilos niya at school but she also has a free-spirited spot inside of her. That's possible rin naman. "Ano, Ivan? Diyan ka lang!" napatingin ako absent-mindedly at Kurt. "Bro! Are you alright? Antok ka pa yata!" Mervin pat my back then they start walking away. Sumunod na ako sa kanila and we head to our first class kung saan kami may recitation. Pagpasok na pagpasok namin sa classroom, siya agad ang napansin ng mga mata ko. She is sitting at the far end of the classroom, last row at sa dulo pa. Walang ibang nakaupo sa kahilera niya, lahat ay nasa either first or second rows. Naunang nagpunta ang mga kaibigan ko sa mga vacant seats, I wasn't surprise that they walk papunta sa likuran dahil dun naman talaga kami pumupwesto madalas. Ayaw kasi namin na may students sa likuran namin. But what surprised me was that sa place where the mysterious girl was sitting ay dun sila nagpunta. Ang nakakatawa pa, the only seat left na para sa akin is beside the mysterious girl. Kaya wala akong choice but to sit beside her. I don't know what's with me pero naiilang ako kapag nalalapit ako sa kanya. Tahimik lang siya and scribbling something sa likod ng notebook niya. Pasimple akong sumulyap sa ginagawa niya, she is drawing something. By the way I see it, magaling ang kamay niya in drawing. She is talented in this aspect. Nalipat ang tingin ko when Mervin who is beside me ay siniko ako all of a sudden. With creased forehead ay tumingin ako sa kanya. "Huwag mong pakatitigan bro, baka matunaw." He murmur underneath his breath. "Tss. f**k you, bro." ganting bulong ko sa kanya. He chuckled loudly kaya napatingin ang lahat even si mysterious girl sa kanya. "Just tell me, bro, ako na ang kikilos para sayo." mas malakas na sabi pa ni Mervin. "Shut the f**k up, Mervin." mababa pero may diin na sagot ko pabalik. His laughter and the stares of our classmates were cut nang pumasok na si Miss Jackie aka Miss Tapia. No need to describe her dahil sa alias pa lang namin sa kanya ay more or less alam niyo na ang itsura ni Miss Jackie. The recitation was a struggle, nag-aaral na ako pero nahihirapan parin ako. The questions are a bit tricky. But that mysterious girl named Mystique Rose Javellana, answered all the questions thrown at her smoothly. So smoothly talaga na para bang sinabihan na siya ni Miss Jackie kung ano ang mga tanong niya ahead of time, na para bang may binabasa siya sa harapan niya because she answered every questions perfectly. In fairness, I am impressed. Kami hirap pero siya ay mani lang ang recitation. Pagkatapos ng class namin kay Miss Tapia ay nakahinga kami ng maluwag. Mystique Rose stood up and walk straight ahead palabas ng classroom. Hindi siguro namin siya classmate sa next subject kaya siguro umalis na siya. "Know what? That Javellana chick is witty. I give credit to her, ang galing niya!" Silver said out loud. "Kaya nga! I was in awe while she was answering yung mga questions ni Miss Tapia kanina!" humahangang dugtong rin ni Mervin. The following day ay nakita ko ulit siya, but this time ay naka-light make up siya at ponytail. She is outside while kami naman ng mga kaibigan ko ay nasa loob ng classroom, wala pa ang professor namin. "Saan ka, bro?" tanong ni Kurt when I instantly stand up and leave them behind. "Restroom lang." mabilis kong sagot at dali-dali akong lumabas ng classroom. Actually, hindi naman ako papunta sa restroom. My curiosity is killing me kaya hindi ako mapakali. I have to do something, yun lang ang tanging alam ko right now. I walk fast sa corridor. I saw her sa dulo then she turned right. I quicken my pace and run, pagdating ko sa dulo ay nakita ko siyang lumabas papunta sa field. Baka PE nila kaya dun siya papunta. Tinakbo ko ang distance namin, seeing her walking at the soccer field. Siguro dahil sa nakatingin ako sa kanya ay nakita ko kaagad ang mangyayari. The soccer ball is approaching her way. Hindi niya ito napansin pero kitang-kita ko na tatamaan siya nito. Mabilis akong tumakbo, not minding if I'll bump into someone. Bago pa tumama sa kanya ang bola ay naiharang ko na ang sarili ko sa kanya. Making the ball hit my back instead of her. I fell down. Pero dahil sa impact at nakaharang ang likod at dalawang arms ko sa kanya, sumama siya sa pagbagsak ko. We fell on the grass, nasa ibabaw ako while she is under me and her hands are in between our chest. It appeared tuloy na parang nakayakap ako sa kanya. "Are you hurt, Miss?" my voice is laced with unknown concern. Nakatitig lang siya sa mukha ko, her eyes aren't blinking. Now that I am just few inches away from her face, mas kita ko ang detailed features ng mukha niya. Her eyes are of a shade of deep brown, may pagka-singkit siya with long curly eyelashes. She have high cheekbones saka maayos and perfectly shaped ang mga eyebrows niya. Her nose is not that narrow pero it is proportion naman to her face as a whole. Then her lips are pinkish and plump plus moist. Biglang nanikip ang throat passage ko and suddenly I feel parched. Nanunuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong makahinga ng maayos. "Excuse me." napatingin ako pabalik sa mga mata niya. Nakaangat ang isang kilay niya. "W-What?" I confusedly ask. "Do you mind if umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat-bigat mo kasi, Mister." "Oh s**t!" I hastily unmount on top of her at dali-dali akong tumayo. I also extended my hand para alalayan siyang tumayo. "I can manage. I am not crippled." then she quickly stood up saka inayos ang skirt niya. "Let me help you, Miss." palapit na sana ako sa kanya but she moved back and raised her hand to stop me from approaching her. "No thanks. I'm fine. Kaya ko na." Then she turned her back to me and walked away. "Wala man lang thank you! I just saved your ass from that darn soccer ball!" malakas na sigaw ko that attracts attention from other students. She stopped from walking then slowly looked at me. She smirks that made something inside of me stirs. Kung ano yun ay hindi ko alam. Then she raise her hand. Akala ko kung ano ang gagawin niya but what shocked me was when she gestured a dirty finger saka mabilis na umalis. Natulala ako sa ginawa niya. What's with her? Twice ko na siyang niligtas sa accident but never pa siyang nagpapasalamat sa akin. Then instead of receiving a thank you from her ay eto pa ang mapapala ko? A dirty finger? I confusedly returned sa classroom namin and absent-mindedly sit as our professor is lecturing, tanging laman ng isipan ko was what had happened sa soccer field kanina lang. Buong umaga akong lutang, my friends are wondering if what's wrong with me. Pagsapit ng 2pm class namin, nasa pinto pa lang siya ay napansin ko na kaagad siya. She quietly walks in and sits again at the far end. Honestly, nahihiwagaan ako sa kanya. She's like a puzzle that I can't comprehend. Kung titignan, mukhang madali lang ma-solve but sa actual pala ay hindi. "Ang lalim yata ng iniisip mo, bro. Ano bang meron? Kanina ka pa ganyan ah?" napatingin ako kay Silver who is sitting in front of me sa table. We are at the cafeteria, sa tambayan rin namin at the center. Pasimple akong tumingin sa right ko, sitting there alone and just a few tables away from us is none other than Mystique Rose Javellana. Wala siyang katabi or kasama kahit isa which really made me wonder why. "Hey Ivan! You alright? Sino na naman ba ang iniisip mo? Si Selena na naman ba?" I glance at Mervin at nasagi ng mga mata ko ang usual na tambayan nila Selena together with her friends. Tumingin rin ang tatlo sa tinitignan ko. "Sabi na eh! Ang bagal mo kasi, bro! When will you approach her? Baka maunahan ka pa ni Alvin nyan!" Kurt said afterwards. "Ang torpe kasi ng manok natin. Matagal mo ng crush si Selena, bro, since what? Since 1st year tayo. Ano na? Kilos, bro. Baka magsisi ka kapag nakita mong may kasama na siyang iba." sabi pa ni Mervin. "It's not her that I am thinking." I see how their eyes bulge at napanganga pa sila Silver at Kurt. "That's odd bro, really odd of you. Dati rati, it's she who always fills your mind. Bukambibig mo siya palagi then now you'll tell us that it's not her? What the f**k, Ivan?" tinapik pa ni Silver ang shoulder ko. "Let's not talk about her for the meantime. I'll go ahead, mga bro." I stand up and grab my bag. "Huh? It's still early, bro! Where to?" tumayo rin si Mervin at tumingin sa akin. "Uwi na ako. Pinapauwi ako ni Mom sa bahay. There are some things that she and Dad want to discuss with me." inayos ko na ang body bag ko. "See you tomorrow." We did our famous handshake bago ko sila iniwan. Pero sa kalagitnaan ng lakad ko, napa-sulyap ako sa table where Mystique Rose was seated. I was shocked to see her also looking at me. Nang magtama ang mga mata namin ay automatic na tumaas ang eyebrow niya then take a bite at her sandwich. Nag-tuloy na ako sa paglalakad while my thoughts are still at her. ------'--,--'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD