My Lord 3

1329 Words
“Boss, puwede na siguro akong umuwi dahil nagawa ko na iyong utos.” Tahimik lamang itong nakatingin sa ʼkin. Nakahawak pa ang isang kamay sa baywang na tila ba kinakabisa ang kabuuhan ng mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya napaiwas ako ng tingin. “Mamaya ka na umuwi, mayroon pa akong ipagagawa sa ʼyo,” seryosong saad nito bago tumalikod. Dumiretso na ito sa banyo. Napapailing na lang ako habang sinusundan ito ng tingin. Minsan kasi, hindi ko maintindihan ang ugali ng abnoy na ʼyon. Magugulat na lang ako na nakatitig pala siya sa ʼkin. Minsan naman ay sweet ito, pero ang pinakamalupit talaga ay tuwing magsusungit ito. Ako ang napagbabalingan. Muli akong bumalik sa sofa kung saan ako natulog kanina. Parang ang sarap bumalik sa pagtulog, pabagsak akong nahiga roon. Gigisingin naman siguro ako ni Sir Duke kung may iuutos sa ʼkin. Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa labas ng bahay. Sumilay ang kaba at takot sa akin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Sarado ang mga bintana at tanging liwanag lang na nagmumula sa lampshade ang nagsisilbing ilaw. Teka, nandito rin ako sa kama ni Duke. Binuhat niya ba ako papunta rito? Bakit hindi niya man lang ako ginising? Muling umalingawngaw ang putok ng baril sa labas kaya mabilis akong napatalon mula sa kama. Tinungo ko ang pinto ng silid na kinalalagyan ko para lumabas. Gusto kong alamin kung ano ang nangyayari sa labas. Ngunit hindi ko mabuksan ang pinto. Bakit naka-lock? Hindi nagtagal ay narinig ko ang mahihinang yabag ng mga paa na sa tingin ko ay papalapit dito sa kinaroroonan ko. Bigla akong kinabahan. Baka may nakapasok na mga magnanakaw sa bahay ni Duke. Diyos ko! Huwag naman po sana. Rinig ko ang tunog ng binunuksan na pinto. Balak ko sanang magtago kaya lang ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko, tila nakadikit na ang mga iyon sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang masiguro na binubuksan nga nila ang pinto nitong silid. “Ano’ng nangyayari sa ʼyo?” Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Si Duke pala ang pumasok sa kuwarto. Salubong ang kilay nito at puno ng pagtataka mukha. “Kasi m-may narinig akong putok ng baril sa labas ng bahay,” kabadong turan ko. Tila hinahabol pa rin ng kabayo ang puso ko. “Bakit ka lalabas ng bahay kung narinig mong may mga putok ng baril?” Bakas ang inis sa tinig nito. Bigla akong naguluhan. Ano na naman kaya ang problema ng isang ʼto? Mukhang sinusumpong na naman. “Gusto ko lang naman alamin kung ano ang nangyayari sa labas,” nakasimangot na sagot ko. “At aalamain mo pa talaga? Papaano kung mayroon ngang kalaban at ikaw ang matamaan ng bala?” galit na turan nito. “Huwag mong sanayin ang sarili mo na basta ka na lang lalabas agad kapag may narinig kang ingay sa labas. Huwag kang mag-alala, dumaan sa training ang mga tauhan ko na naririnig mo,” saad nito dahilan para makahinga ako ng maluwag. “Opo, My Lord,” labas sa ilong na wika ko. “Umayos ka, babae!” pagbabanta nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay at paismid na linampasan ito. Ngunit nabigla ako nang hawakan niya ako sa beywang. “Saan ka pupunta?” tanong ni Duke pero nakikita ko sa mga mata nito ang babala. ‘Subukan mong lumabas sa kuwartong ito at malalagot ka sa ʼkin. Iyan ang nababasa ko sa kaniyang mata. Muli akong kinabahan. “P-Pupunta lang po ako sa labas. Nagugutom na po kasi ako.” Bigla niya akong iniharap sa kaniya saka pinaglapat ang mga katawan namin. Tila ba naestatwa ako sa mga oras na ito, nanuyo bigla ang lalamunan ko. Idagdag mo pa ang pagitan ng labi namin na konti na lang ay maglalapat na. Bakit hindi ako makagalaw? Kahit gusto ko siyang itulak, hindi ko magawa. Nawalan ng lakas ang mga kamay ko. Ano ba ang nangyayari sa ʼkin? “Wala akong sinabi na lumabas ka, Jenny. Lalabas ka lang ng kuwartong ito kapag sinabi ko. Naiintindihan mo ba ako?” Nakaramdam ako ng kakaibang takot kay Duke, tila ba ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Mukhang kailangan ko nang umalis dito. Nagulat na lamang ako nang sunggaban nito ng halik ang labi ko na bahagyang nakaawang. Nanlaki ang mga mata ko. Peste, ang first kiss ko! Pilit ko itong itinulak ngunit nahawakan niya agad ang pupulsuhan ko. Hindi ko siya kaya. Halos hindi ako makahinga sa paraan ng halik ni Duke. Isinandal din ako sa pader kaya mas lalong naipit ako ng katawan nito. “Masarap ka rin pa lang halikan, hindi na masama,” bulong niya sa may puno ng tainga ko. Ramdam ko ang paggapang ng dila nito mula sa aking mukha pababa sa aking leeg, pagkuwan ay bigla niya iyong kinagat. “B-Boss, hindi na po tama ang ginagawa m-mo,” kabadong usal ko. “Sino’ng may sabing mali ang ginagawa ko?” “Alalahanin mo, boss, tauhan mo lang ako. Hindi tamang basta mo na lang akong halikan. Hindi naman po ako kaladkaring babae na basta na lang papaya na magpahalik sa mga lalaki.” “Siguraduhin mo lang na walang ibang hahalik sa ʼyo maliban sa ʼkin.” Binitawan na ako nito saka mabilis na umalis sa harap ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Diyos ko! Mukhang kailangan ko na talagang umalis. Delikado ang jewel ko rito! “Jenny!” pagtawag ni Duke mula sa loob ng banyo. “Pakidala mo nga ʼyong tuwalya dito!” Anak ng tokwa. Huwag mong sasabihin na papupuntahin pa ako nito sa loob ng banyo? “Jenny!” muling hiyaw nito. Nagmamadaling kinuha ko ang tuwalya saka lumapit papuntang banyo. “Boss, ito na po ang tuwalya niyo.” Pilit kong pinapakalma ang sarili kahit na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. “Pumasok ka sa loob,” sagot nito mula sa loob na nagpalaki ng mga mata ko. “Po?!” “Bilisan mo nga, Jenny! Ang bagal mo!” galit na wika ni Duke. Sa kabila ng kaba na nararamdaman ko ay napipilitang pumasok ako sa loob. Marahan kong itinulak ang pinto at pikit-matang naglakad papasok. “I-Ito na po ang tuwalya,” usal ko. Itinuon ko ang paningin sa pader. “Bakit diyan ka nakatingin sa pader? Wala naman ako riyan,” inis na saad ni Duke. “A-Ah, n-ngayon lang po kasi ako makakakita ng lalaking n-nakahubad,” uutal-utal at nahihiyang sambit ko. “Eh, ʼdi maganda kung gano’n. lumapit ka nga sa ʼkin. Pakisabon nga ng likod ko, hindi ko maabot,” muling utos niya sa ʼkin. Wala sa sariling napalingon ako sa gawi nito at muntik nang lumuwa ang mata ko nang makitang tanging brief lang ang suot nito. Diyos ko po! Parang gutso kong tumakbo palabas ng cr! “Bilisan mo na, Jenny. Sabunin mo na ang likod ko, huwag nang tutunga-tunganga riyan.” Peste. Bahala na nga! Marahan akong lumapit para kunin ang sabon. Nakailang buntonghininga pa ako bago umpisahan ang pinagagawa nito sa ʼkin. Nanginginig man ay pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili. “Ugh!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang ungol ni Duke. “Itaas mo pa, Jenny, diinan mo pa,” utos sa ʼkin ng pasaway na lalaki na napipilitang sinunod ko na lang. “Ugh, f*ck!” malakas na turan nito. Dahil sa inis ay malakas koi tong pinalo sa likod “Ouch!” daing nito. “Ano ba ang problema mo?” Anak ng tokwa. Nagtanong pa talaga ang baliw. “Itanong mo sa sarili mo kung ano ang problema ko. Peste ka talaga, boss!” malakas na hiyaw ko rito sabay karipas ng takbo palabas ng banyo. “Jenny! Come back here!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD