"Tumingin ako sa lalaki habang tahimik lang siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Duke Walker ng mga sandaling ito. Lalo din akong kinabahan ng biglang umiling-iling ang lalaki. "Alvin Yu. Alam mo naman kung ano ang pipiliin ko. Bakit kailagan mo pang itanong sa'kin? Nakangising pahayag ni Duke Walker. Parang gusto ko na lang mamatay ng mga sanding ito. Umiwas ako ng tingin nang biglang bumaling sa'kin si Duke. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. "Wala naman akong magagawa na hindi ako ang piliin ng lalaki. Dahil alam na alam ko na kung ano ang mahalaga sa lalaki ang pagiging mafia Lord niya. Isang mababang uri lang na babae ang tingin niya sa'kin. "Ooohh! Ang swerte ko dahil magiging akin na itong babae mo," baliw na wika ng lalaking may hawak sa'kin. "Wal

