“Anong iniisip mo?” Tanong sa akin ni Heussaff, bigla, nabalik sa reyalidad ang isip ko. Ganun na ba talaga kalalim ang iniisip ko kaya hindi ko na naramdaman ang paglapit nito? Narinig ko ang papalapit nitong mga yabag at ilang sandali pa at pumulupot sa maliit kong bewang ang malaki niyang mga braso bago ibinaon ang mukha nito sa pagitan ng aking leeg. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa magandang tanawin na makikita mula dito sa balkonahe. “Honestly, gusto kong magalit sayo at kamuhian ka dahil hindi ko lubos na maisip kung paano mong nagawa kay Angeline ang bagay na ‘yun.” Ani ko sa malungkot na tinig, mula sa rails ay lumipat ang mga kamay ko sa braso nito na nasa bewang ko. Ramdam ko ang pagtama ng mabigat nitong hininga sa aking balat ng mamu

