Kulang na lang ay sumabog ang eardrums ko dahil sa rock music na dumadagundong dito sa loob ng bar. Sumasabay naman ang malakas na hiyawan ng mga tao habang sumasayaw sa gitna ng bulwagan. Halatang mga lasing na ang mga ito. Muli kong tinungga ang laman ng aking baso at pabagsak na ibinabâ ito sa ibabaw ng lamesa. Mabilis kong hinawi ang isang luha na nagtangkang pumatak sa aking pisngi. Ayoko na makita ng ibang tao ang kahinaan ko. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maibangon ko ang aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay isinilang na akong walang dignidad. Ano pa bang mukha ang ihaharap ko sa lahat sa oras na malaman ng buong mundo kung paano ako inabanduna ng aking ina. Nang mga oras na ito ay parang gusto kong magwala at magsisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Kung

