“Kulang na lang ay sumabog ako sa galit ng sapilitan akong hilahin ng tomboy na ‘to papasok sa loob ng cubicle. “Augghh! Dumadaing na ungol ko ng marahas niya akong isinandal sa pader. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ng suntukin niya ang sikmura ko. Namimilipit sa sakit na napayuko ako, gustuhin ko mang himasin ito ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay ko sa aking likuran. “I swear, makawala lang talaga ako dito ay may kalalagyan ka sa akin!” Ani ng munting tinig sa isipan ko. Hindi ako makapagsalita dahil tinalian ng babaeng ito ang aking bibig gamit ang kanyang panyo. Sa tingin ko ay ginawa niya ito upang mabilis na makatakas sa akin. Dahil pagtapos niya akong suntukin ay mabilis na itong lumabas ng toilet naiwan akong namimilipit sa sakit. Hindi ako makapaniwala na n

