Amethyst Point of view “Hmmmm...” naalimpungatan na lang ako na kapwa nagpapaligsahan sa malakas na pag-ungol. Akala ko panaginip lang ang lahat, ngunit nang tuluyan naming narating ang sukdulan ay saka ko lang napagtanto na totoo pala ang mga nangyayari sa aking katawan. Kung ano ang posisyon namin ni Heussaff ng makatulog ako ay ganun pa rin ang posisyon namin ng magising ako. Isang mapusok na halik ang naramdaman ko sa aking mga labi at kakat’wang walang pagtutol na naganap sa side ko. Bagkus ay kusa ko itong tinugon. Nang tuluyang mahulasan ang init ng aming mga katawan ay saka lang ako nangahas na magmulat ng mga mata. Napalunok ako ng wala sa oras ng magpanagpo ang aming mga mata. Ewan ko ba pero biglang nag-init ang mukha ko. Sa palagay ko ay namumula na ang magkabilang pisngi k

