Kasalukuyang palabas pa lang ng banyo si Singko. Habang tinutuyo ng tuwalya ang kanyang basang buhok ay napansin niya ang presensya ni Amethyst. Nakaupo ito sa sofa habang nakatulala sa kawalan. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang nakamasid sa kaibigan. Tahimik na lumapit siya sa closet at kumuha ng kanyang susuotin. Sa mismong likuran ni Amethyst, nagbihis ang binata. “Kaya ayokong umibig eh, nakakasira ng ulo. Tsk!” Ani nito bago pabagsak na naupo sa harap ng dalaga. Mapait na ngumiti si Amethyst bago lumingon sa kanyang kaibigan. “Can I die?” Wala sa sarili na tanong ng dalaga, “Nope, dahil wala ka pang pension.” Hindi mo maintindihan kung seryoso ba si Singko sa kanyang sinabi o nagbibiro lang ba ito. Dahil nanatiling seryoso ang expression ng kanyang

