“Hmmmm...” Napaungol ako dahil sa kirot na nararamdaman ko, hindi ko alam kung saan ba talaga ang masakit dahil pakiramdam ko ay para akong binugbog na pati yata ang balakang ko ay nabali. Nang tuluyang magising ang diwa ko ay saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata. Ngunit wala akong ibang makita dahil napakadilim ng buong paligid. Sinubukan kong kumilos subalit natigil ang tangka kong pagbangon ng maramdaman ko ang isang mabigat na braso na nakayakap sa aking dibdib. Sa higpit ng yakap nito ay halos hindi na makahinga ang dalawang papaya ko na nakaipit sa malaking braso na ‘to. “Hmmmm...” Narinig ko na umungol ang lalaki mula sa aking likuran at kumilos din ang isang kamay niya na nakahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Mariǐn kong nakagat ang ibabang labi ko ng hagurin ng malaki

