“Amethyst! Pakiusap, huwag mo akong iwan!” Nakasakay na ako sa aking motor ng mula sa likuran ko ay bigla akong niyakap ni Angeline habang mariin na nakabaon ang mukha nito sa aking likod. Umiiyak ito habang nagmamakaawa siya sa akin. “Angeline, you know how much I love you, but if you really love me then, hindi mo hahayaan na magmukha akong tanga. Ako naman ang makikiusap sayo, hayaan mo na akong makaalis dahil kung nasasaktan ka ay higit na mas masakit ito sa akin. But still, thank you for being a part of my life, but we should to accept the reality na hindi talaga tayo pwede because they need you.” Ani ko sa malungkot na tinig at mula sa side mirror ay nakita ko ang malungkot na mukha ng asawa ni Angeline. Sa tingin ko ay mabait naman itong tao dahil nakikita ko sa kanyang mga mata kung

