“Miss Nurse, nasaan ang pasyente dito?” Nagtataka kong tanong, sinuri kong mabuti ang numero na ibinigay sa akin ni Angeline at sigurado ako na ito ang kwarto ni Nanay Melissa ngunit ang nadatnan ko ay isang bakanteng higaan. “Kanina pa po nadischarge ang pasyente, Sir, I-I mean, Ma’am.” Nautal pa ang nurse sa kanyang pagsasalita ng tuluyan siyang makalapit sa akin at malaman na isa pala akong babae. Nang ngumiti ako sa kanya ay napansin ko na tila kinikilig ito habang ang mga mata nito ay nagniningning na nakatitig sa mukha ko. “Ganun ba, thank you, ha.” Ani ko at akmang tatalikuran na sana ito ng pigilan niya ako. “Ahm... pwede po bang magpapicture?” Kinikilig na tanong nito sa akin kaya ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi. “Pasensya na, mahiyain kasi ako.” Nahihiya kong sabi sabay kamot sa

