Nangangalumata na pumasok ako sa loob ng dining area. Alas diyes na ng umaga, at tanging ang lola Isay ko lang ang nadatnan ko dito sa kusina. Mukhang nagpapalambot ng karne ng baka ang lola ko dahil nalalanghap ko ang amoy ng niluluto nito. Kapag mga ganitong oras ay abalâ ang lahat ng katulong sa kanilang mga trabaho, habang ang lola Isay ko naman ay naghahanda ng mga lulutuin niya para sa pananghalian. Katuwang nito ang mga baguhang kusinera. “Oh, anong nangyari sayo? May sakit ka ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Lola, lumapit siya sa akin at sinalat ang leeg ko. “Hm, okay ka naman, pero, bakit ang tamlay mo yata ngayon at halos hindi na maipinta ang mukha mo?” Nagtataka na tanong sa akin ni Lola, habang sinisipat ng tingin ang mukha ko. “Good morning, La.” Bati ko kay lola saka pi

