Amethyst Point of view “Tumigil ang motor ko sa tapat ng isang higanteng iron gate. Nanatili akong sakay nito habang pasimple na lumingon sa kanang direksyon, sunod ay gumalaw pakaliwa ang mukha ko bago muling humarap sa nakasaradong gate. Kailangan kong gawin iyon upang mabasa ng censor ang mukha ko. Ilang sandali pa ay kusang bumukas ang higanteng gate. Muli kong pinaandar ang motor papasok sa loob ng bakuran ng malaking gusali ng International task force Intel Agency. Pagdating sa loob ay kusang namang umangat ang mabigat na metal na nagsisilbing harang sa isang lagusan patungo sa entrance ng underground na kung saan ay nakabase ang aming opisina. Ilang segundo lang ang lumipas ay kaagad kong ipinarada ang aking motor sa malawak na parking area dito sa underground. Pagkatanggal ko ng

