“Who are you?” Seryoso kong tanong habang nanatili sa mukha ng nakatatanda kong kapatid, si Leren. Sa tono ng tanong ko sa kanya ay para siyang isang estranghera sa aking paningin. “I’m his first love.” Napasinghal ako sa matipid na sagot nito, kasabay ang paglitaw ng sarkastikong ngiti mula sa labi ko. “Really? Tell me, he’s the real reason kung bakit bumalik ka right?” “Yes, bumalik ako para kunin ang dating pag-aari ko.” “Okay, let’s say na hindi makapal ang mukha mo. Then why? Para saktan ulit s’ya?” Ani ko sa sarkastikong tinig na may halong pang-uusig. Kung tutuusin ay wala naman akong alam tungkol sa nakaraan nila ng boyfriend ko. “Because Heussaff and I love each other.” Walang patumpik-tumpik na sagot niya sa akin. Nang mga sandaling ito ay tila ibang tao ako sa kanyang pan

