Pagbukas ng pinto ay lumalim ang gatla sa noo ni Heussaff, dahil sumalubong sa kanya ang madilim na silid. Halatang walang tao dito. “S**t, sinasabi ko na nga ba...” nanggagalaiti na wika ng isang tinig mula sa kanyang isipan. Iniisip niya na tinakasan na naman siya ni Amethyst, kaya ganun na lang ang galit niya. Nang akmang pipihit na sana siya paharap sa pintuan ay mula sa likuran ay biglang may yumakap sa kanyang katawan. “Bakit ang tagal mo? kanina pa kita hinihintay...” anya ng malambing na tinig ng kanyang nobya habang hinahaplos ng mga palad nito ang malapad niyang dibdib. Dagling naglaho ang galit na kanyang nararamdaman, lumitaw ang matamis na ngiti mula sa mga labi ng binata. “I’m sorry, Sweetheart, marami pa kasi kaming pinag-usapan ni daddy.” Nagtangka siyang pumihit

