“Oh, saan ka pupunta!?” Nagtataka na tanong ni Pisces sa akin ng makita nito na nagmamadali akong tumayo. Dinampot ko ang aking itim na sumbrero bago isinilid sa bulsa ang itim kong wallet. “Kailangan ko ng umalis, since na si Heussaff pala ang boss natin ay hindi malabo na mahanap niya ako dito sa bahay mo.” May pag-aatubili kong sagot bago nagmamadali na lumapit sa pintuan. Subalit, bigla ko rin itong naisara dahil mula sa di kalayuan ay natanaw ko ang paparating na mga sasakyan. Mas lalong lumakas ang hinala ko ng huminto sa mismong tapat ng gate ni Pisces ang apat sasakyan. “S**t! Sinasabi ko na nga ba!” Ang naibulalas ko ng mula sa magarang sasakyan ay bumaba ang magaling na lalaki. Nakasuot ito ng white long sleeve na nakatupi hanggang siko nito. At itim na slacks, habang ang mg

