Heussaff Point of view “Bagsak ang balikat na nilisan ko ang International task force Intel Agency dahil bigo ako na makita ang babaeng iyon. Mula sa pagsasaliksik ng aking mga tauhan ay nalaman nila na isa pala ito sa mga empleyado ko. Nagkaroon ako ng hinala na isa ito sa mga miyembro ng special task force na binuo ko upang protektahan ang aking mga nasasakupan. Nang ibigay sa akin ng assistant ko ang lahat ng dokumento tungkol sa pagkatao ng aking mga empleyado ay doon ko lang nalaman na ang babaeng hinahanap ko ay si Amethyst Davis. Natatawa na lang ako sa aking sarili dahil wala akong kaalam-alam na piangpaplanuhan na pala ako ng aking mga tauhan. Successful naman ang kanilang misyon ngunit sa akin natuôn ang kanilang atensyon. Palibhasa kasi ay masyadong pribado ang buong pagkatao

