“Hi?” Alanganin kong bati sa dalagang nakatayo sa aking harapan bago bumaba mula sa kabayo. “Hello, Ame, pinapasundo ka ng lola mo dahil ngayong araw darating ang apo ni Madam.” Nakangiti niyang wika ni Maylene ngunit takaw pansin ang magandang ngiti sa mga labi nito maging ang malagkit na titig niya sa mukha ko. “Ganun, ba? Nakakahiya naman sayo sinundo mo pa talaga ako dito.” Nahihiya kong sagot habang hinihila ang kabayo papasok sa loob ng kwadra nito. Ramdam ko ang presensya ng bagong kasambahay na si Mylene sa aking likuran kaya alam ko na sinundan ako nito hanggang sa loob ng kwadra. “Masarap bang mangabayo?” Maya-maya’y tanong niya sa akin, inilock ko muna ang pintuan ng kulungan bago humarap sa kanya at sinagot ang tanong nito. “Yup! Nakakarelax, if you want, bukas tuturuan kit

