“Tahimik akong nakaupo sa sulok ng bar habang patuloy na umiinom ng alak. Masama ang loob ko, dahil ni katiting na impormasyon tungkol sa babaeng iyon ay wala man lang nakuha ang mga tauhan ko. Sinubukan kong hanapin ang litrato nito sa social media ngunit wala rin akong napala. Masyadong pribado ang buhay ng babaeng iyon, dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tauhan ko na matunton ang kinaroroonan nito. Hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga na wari mo ay pasân ko na ang mundo. Muli kong tinungga ang alak mula sa maliit na basong hawak ko. Sakto na pagbabâ ko ng baso ay may biglang umupo sa tabi ko, nakaupo na ito bago pa niya hingin ang permiso ko. Natigilan ako ng marinig ko ang boses nito dahil kahit mukha siyang lalaki ang timb

