“I’m so frustrated, halos hindi na ako pumasok sa trabaho ng dahil sa kakahanap kay Amethyst. I admit, it’s all my fault, sa sobrang dami ng trabahong hinarap ko sa opisina ay hindi ko nabigyan ng pansin ang nobya ko. Nagkaroon ng malaking problema sa mga negosyo ko, dahil pinasok ni Mr. Nazli ang mga lugar na nasasakupan ko. Inunahan nito ang mga tauhan ko sa pakikipagkalakalan, at may mga ilang kliyente ko ang naagaw ng matandang turkish na ‘yun. Si Mr. Nazli ang isa sa pinaka mahigpit kong katunggali pagdating sa mga negosyo. Kung gahaman man akong matatawag ay di hamak na mas gahaman kaysa sa akin ang matandang Turkish na ‘yun. Sinamantala ni Mr. Nazli ang ilang araw na pagiging abalâ ko sa aking nobya, kaya malaya niyang napasok ang mga bansang hawak ko. Dumagdag pa sa problema

