"Seryoso ka? Ayaw mong ako ang tumugtog? Gago ka ba, Bryce? Contest yun!" Yan ang sigaw ni Naia sa akin. Pinakiusapan ko kasi siya na kung pwede ay si Camilla na lang ang tumugtog. Hindi ko alam kung bakit siya ang gusto kong makasama sa stage para sa laban na iyon. Sa malayo ko lang kasi siya nakikita noon at hanggang doon lang talaga. Ang alam ko ay siya ang nagturo kay Naia kung paano tipahin sa piano ang chords ng kanta namin para mamayang gabi. I have been infatuated to her ever since I saw her at the College of Engineering. Napaka-poker face niya, hindi ngumingiti at madalang makipag-usap. Kung ibang lalaki siguro ay iiwasan siya pero hindi ako. I liked her attitude towards study. Ang seryoso niya kahit kanino, sa mga kaibigan niya lang ata siya nakikipag-usap. Pity boyf

