**Unedited** “THAT'S Madeline,” nanlalaking-matang saad nya. Nasundan pa ang sigaw na iyon ng putok ng baril na ikinagulat ko at naging dahilan para gumewang nang kaunti ang sasakyan. It feels like it was just few meters away from us. Pakiramdam ko nga ay kami ang pinapuputukan ng kung sino man ang bumaril na ‘yon. “Sila ‘yon! They’re here!” malakas na sigaw muli ni Tanner na ngayon ay hindi na mapakali sa kinauupuan nya. Nang makarecover ay agad kong iniliko ang sasakyan patungo sa direksyon ng department store kung saan sa tingin ko nanggaling ang sigaw at ang putok ng baril. Pagkaliko ay tanaw ko na agad ang iilang kumpulan ng mga infected patungo sa kabilang side ng kanto. Hindi pa man ako tuluyang nakakalpit doon nang bigla na lang mapamura ang katabi ko. “Oh s**t. I knew it!”

