**Unedited** NAIWAN kami nina Rae, Madeline, at Inay Beng sa ibaba habang yung dalawa ay muling pumanik sa ibabaw ng kisame. Nagtutulong sila ngayon para sirain ang bubong at tanggalin ang maliit na bahagi ng yero, sapat na para magamit namin palabas sa likurang bahagi ng cafeteria. Matapos kasi namin mailatag ang plano ay agad na rin nilang sinimulan ang pagbaklas non. Mas magiging hassle kasi kung sa gabi pa nila gagawin. Walang nagsasalita sa aming apat. Magkakalayo rin ang pwesto namin. I think everyone understands that we need a space for us to rest even for a while, dahil maya-maya lang ay muli na naman kaming sasabak sa labas. Hindi ko na namalayan ang sandaling lumipas. Bumalik lang ako sa sarili nang marinig ang paglundag nung dalawa pababa, sign na tapos na nila ang ginagawa n

