At The River Park Bridge

2129 Words
Unti-unting nagbukas ng kaniyang mga mata si Val. He could feel na masakit pa rin ang kaniyang mga legs at nanghihina pa rin siya. He realized na nakaupo lang pala siya at bahagyang nakasandal ang ulo. “Are you okay?” tanong ni Rave sa kaniya na mukhang nag-aalala. “Y-yes,” mahina niyang sabi at dahan-dahang inayos ang pagkakaupo sabay hawak sa batok.  “You should have told me earlier na hindi mo naman pala kaya,” sarkastikong saad ni Cali na naka-cross pa rin ang mga arms habang nakasandal sa registration table. He looked at him and suddenly felt awkward. But he felt like he had to look at him straight in the eyes.  “Those eyes…,” bulong niya sa sarili.  “How could you behave like that, Cali?” It was supposed to be a whisper pero narinig niyang sabi ni Rave pero hindi siya nito pinansin.  “Your training schedule will start on Saturday at exactly three in the afternoon. Don’t be late if you don’t want to jog for another 20 rounds,” Cali said na hindi man lang kumukurap. Val didn’t say anything. Nakatingin lang din siya dito na blangko ang ekspresyon. But Cali seemed to be waiting for a reply. Hindi ito kumukurap na nakatitig sa kaniya.  “I understand.” Val finally replied sa mahinang boses at nakatungo ang ulo.  Parang ito lang ang hinihintay niya na marinig mula sa kaniya at tumalikod na ito sabay dampot sa kaniyang bag. Wala man lang itong pasabi na unmalis at tila hindi man lang apektado sa nangyari kay Val. “How could he talk to me like this na parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa akin?”  “Okay ka lang ba?” tanong ni Rave. “Yes. Okay lang ako.” Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang nagusot niyang damit na basa pa rin ng pawis. Tiningnan niya ang ibabaw ng mesa kung saan niya nilapag ang bag niya pero wala na ito roon. He scanned the benches pero hindi niya ito makita. After a few moments, Rave extended his arms na hawak ang bag niya. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan na hinahanap ang kaniyang gamit. “Here.” Nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Friendly ang ngiting binitawan nito na lihim naman niyang kinatuwa pagkatapos siyang sungitan ng kaibigan nito. “Thank you.” Kinuha niya ang bag at sinukbit. “Do you want me to walk you out?” Rave asked na halatang nag-aalala pa rin sa kaniya. “No. I’m okay.”  “Pagpasensiyahan mo na si Cali. He’s not usually like that,” casual na paliwanag nito. Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya rito. “I think, I have to go now,” paalam niya. “Ingat ka, Val.”  He just nodded and smiled.  The moment he stepped out of the gym he suddenly felt the heat of the sun na tumama sa kaniyang mukha. He did not expect things to have gone that way. He didn’t know that proving himself will cost him a lot including stepping out of his comfort zone. He could have chose to stay on his old ways—going in and out of the school where nobody bothered to talk to him because he was totally used to it. Hindi rin naman mahalaga sa kaniya ang sasabihin ng ibang tao. He wanted to do it because how he felt for himself was more important. Not until that inicident happened na kinaladkad siya palayo ni Cali mula sa sasakyang muntik nang bumundol sa kaniya.  “It doesn’t make any sense now, but I will keep going hanggang sa mapatunayan ko na hindi ako mahina,” bulong niya sa sarili habang mabagal ang mga hakbang na binabaybay niya ang pathway sa gilid ng football court. He didn’t know na mula sa glass wall ng cafeteria sa second floor ng main building ay may tahimik na nakamasid sa kaniya—si Cali. Simula nang lumabas ito sa gym ay dito na siya dumiretso. From there ay makikita ang halos buong frontal area ng university: malawak na football court, twin fountains, narrow pathways at ang main entrance. Maliwanag ang sikat ng araw sa labas kaya tanaw ni Cali kung gaano kabagal maglakad si Val na para bang napakalalim ng iniisip.  “He must have been a little dizzy sa nangyari kanina. How can a guy so fragile and weak would want to join the team? Hindi niya naman kailangang patunayan ang sarili niya kung hindi niya kaya.” Muli na naman siyang nakaramdam ng inis pero bigla itong napawi nang makita niya ang biglang pagtama ng football sa ulo nito. Napahinto ito sa paglalakad at hinimas-himas ang kaniyang ulo.  “This guy is really pathetic,” bulong ni Cali na may halong pagkadismaya. Nagulat siya nang mag-angat ito ng tingin at matagal na nakatitig sa dakong kinauupuan niya. “Wait. Can he see me from there?” may halong gulat at pagtataka na tanong niya sa sarili. Umayos siya nang pagkakaupo at binaling ang atensyon sa sandwich na hindi niya pa rin nagagalaw simula kanina. Gaya ng inaasahan niya, he saw Val in queue at the counter after a few moments. He kept looking at him hanggang sa mapansin niyang paminsan-minsan ay hinihimas nito ang bahagi ng kaniyang ulo na tinamaan ng bola kanina.  “That ball must’ve hit him really hard,” sabi niya sa sarili. Cali saw him ordered a milktea. Hindi pa rin nagbabago ang kilos nito. Mabagal ang mga hakbang na naglakad ito palayo sa counter para humanap ng mauupuan but every table was taken, except from the table that he occupied. Nag-iwas siya ng tingin. He pretended na hindi niya ito nakita simula pa kanina. Bahagya siyang yumuko at tinuon ang atensyon sa hawak niyang sandwich until dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan niya.  Val attempted to talk pero sandali niya munang pinigilan ang sarili. How can he possibly approach and share a table with this guy na walang ibang ginawa kung hindi sungitan siya. He remained standing habang pinanonood itong nakatingin sa hawak niyang sandwich na parang hindi man lang siya nito napapansin.  “M-may I share this…?” Val stuttered pero agad siyang pinutol ni Cali. “No.” Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya nang mariin. “W-why?” Mahina pero honest na tanong ni Val. “I don’t have to share a table. You can have it.” Bigla itong tumayo in a blank expression leaving him na nakatayo pa rin na hawak ang in-order na milktea. “Why does he always leave after saying what he wants to say?” tanong ni Val sa sarili nang bigla na lamang itong umalis. Sinundan niya ito palabas ng cafeteria. Naabutan niya itong naglalakad sa lobby papuntang elevator. He acted na hindi siya nakabuntot dito pero bigla itong huminto at humarap sa kaniya. Bigla naman siyang tumalikod at patay malisyang hinawakan ng dalawang kamay ang hawak na milktea. “Bakit mo ako sinusundan?” tanong nito. “Who said I was following you?” pagsisinungaling naman niya na hindi makatingin nang diretso sa kausap. “Constelo, you are following me,” may diin sa pagbanggit ng kaniyang surname na sabi nito.  Hindi naman agad siya nakasagot sa nakapamulsang si Cali. Ipinihit niya ang katawan paharap dito at nag-isip ng puwede niyang sabihin. “Hindi mo inubos ‘yong sandwich mo sa table. Aren’t you hungry? Do you want some…?”  “No.” Aalukin niya sana ito ng kaniyang milktea pero agad itong sumagot.  Val took a deep breath bago nagsalita. “Fine. Then, why do you hate me so much?” tanong niya na diretsong nakatitig sa kausap.  Hindi naman kaagad na nakapagsalita si Cali. “How can he be so straightforward?” tanong niya sa sarili. “Have I done something wrong?” patuloy na tanong ni Val. “Wala,” maikling sagot nito at mabilis na tumalikod. Naiwan naman siyang nakatayo at iniisip pa rin kung ano ba ang nagawa niya rito. Mabilis niya itong hinabol at bago pa man mag-close ang pinto ng elevator ay nai-extend na niya ang kaniyang kamay para muli itong bumukas. He smiled at him pero seryoso lamang itong nakatingin sa kaniya at nakapamulsa. Walang ibang sakay ang elevator at dahil nasa second floor lang naman sila ay mabilis silang nakababa sa first floor. Pagbukas ng pinto ay agad na humakbang palabas si Cali na hindi man lang siya nililingon.  Val had no intentions of following him anymore. Mabagal ang mga hakbang na lumabas na rin siya ng main building. Naisip niyang dumiretso na rin pauwi dahil wala na rin naman siyang klase at gusto niya na lang din magpahinga after all the embarrassing and unfortunate events na nangyari sa kaniya sa araw na ito. He took the pathway that narrowed down the main gate in a slow pace. Hindi niya naman kailangang magmadali dahil maaga pa naman maliban lang sa masakit niyang katawan at ulo. He felt like he consumed all his energy for the day in just a couple of hours sa gym. Hindi niya rin maiwasang isipin ang malambot na kama sa kuwarto niya. Marami pang laman ang binili niyang milktea pero wala siyang plano na ubusin ito, feeling niya ay nawalan siya ng gana dahil sa kasungitan ni Cali. “He said I’ve done nothing wrong, but he acts like I did,” himutok ni Val sa sarili.  Paglabas niya ng main gate ay nakita niyang may nakahinto nang mini bus at pasakay na ang mga nag-aabang na estudyante. Binilisan niya ang paglalakad para maabutan pa niya ito. Sakto namang nakasakay na ang huling estudyante sa pila ay nakahawak na rin siya sa railing ng pintuan ng bus at dali-daling sumakay. Humahangos pa siya dahil sa ginawa niyang pagmamadali but unfortunately, there were no more vacant seats and to his surprise, katabi niya si Cali na nakatayo habang nakakapit sa hand rails. Kagaya ng usual expression nito ay parang wala itong nakita. Diretso lamang ang tingin nito hanggang sa umandar na ang mini bus. But Val couldn’t help it. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit mainit ang dugo nito sa kaniya. “You said I’ve done nothing wrong, but you didn’t answer my first question kanina,” sabi ni Val. “Seriously? What do you want from me?” nagtataka at masungit na tanong ni Cali. “Why do you hate me so much? I don’t know the reason that’s why I kept asking you,” Val said in a low and sincere voice. Cali sighed at tumingin sa kaniya. “Was it the day na nakita mo akong nadapa at muntik nang masagasaan sa may …?” “Don’t ever mention it.” Cali stopped him and gave him a stern look. “If you tell me exactly the reason why you hate me, then I’ll stop bothering you,” saad ni Val. “So, tell me,” dagdag pa niya. “Everything. It annoys me everytime you act like we’re friends and it annoys me even more the way you act weak and vulnerable. You’re a total loser,” dire-diretsong sagot ni Cali.  Hindi naman bumibitaw ng tingin si Val. Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin at pinihit ang mukha niya palayo. He noticed na nasa Riverpark Bridge na pala and at the next corner ay bababa na siya. Matatanaw mula sa bintana ang kulay asul na kalangitan at ang reflection nito sa ilog. Everything seemed bright even the queue of trees at the river banks pero taliwas ito sa nararamdaman niya habang pinagmamasdan ito. He should have felt relieved for finally knowing the reason why Cali hated him pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig. This might be his first attempt to befriend someone and unfortunately, he failed. Hindi naman mapigilan ni Cali to hate himself for being so mean to Val. He could have said it in a way na hindi niya ito ma-o-offend. Habang umiwas ito ng tingin at lumayo sa kaniya nang bahagya ay hindi niya mapigilang pagmasdan ang ekspresyon ng mukha nito.  “You’re not usually like this, Cali. How can you be so mean?” himutok niya sa sarili. Ilang sandali pa ay bumaba na si Val. Bago pa man muling tumakbo ang mini bus ay nakita niyang nakatingin ito sa kaniya na malungkot ang mga mata habang hawak-hawak pa rin ang milktea na kanina lang ay gustong ialok sa kaniya. “Those eyes…,” bulong niya sa sarili. Muling tumakbo ang mini bus at mula sa salamin na bintana at sa sulok ng kaniyang mga mata ay alam niyang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Hindi niya maintindihan pero parang nadudurog din ang puso niya at nagsisisi siya sa mga nabitawan niyang salita. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD