TWO
Kasabay nang paghinto ng masayang tugtog ay ang paglakas ng hiyawan sa loob ng Big Dome kung saan ipinagdaraos ni Jenna ang kanyang ika-limang taon sa Showbiz. Kahit na ramdam niya ang pagkapagod ay nakangiti pa rin siyang kumakaway sa mga taong pumunta upang mapanood siya.
“Maraming salamat po sa walang sawa niyong pagsuporta sa akin simula nang magsimula ako hanggang ngayon. I owe you a lot, guys!” taos-pusong pasasalamat niya.
“We love you, Jenna!” sabay-sabay na sigaw ng mga fans niya.
“I love you too!” Buong galak na sigaw niya at nag-flying kiss pa sa mga ito. “See you later sa conference!”
Pagkatapos niyang magpaalam sa mga fans niya ay nagpunta na siya sa backstage kung saan naghihintay ang kanyang PA at Manager.
“Congrats on your success, sweety!” Masayang turan ng kanyang manager.
“Thank you, Mameh, alam mong hindi m,angyayari ito kung hindi dahil sa kasipagan mo.” Nakangiti niyang turan habang gumanti ng yakap dito.
“You deserve it,” anito at humiwakay sa kanya.
Inabutan naman siya ng tubig ng kanyang PA. “Thank you,” saad niya rito.
Hindi siya nakaramdam ng pagod dahil sa mainit na pagtanggap ng mga fans sa kanya, Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa mga ito dahil kung wala ang mga ito ay hindi magiging successful ang concert niyang iyon at lalong hindi siya makakaapak sa ganoon kalaking entablado.
Palaki ng palaki ang pangalan niya sa Showbiz at walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman niya dahil nakamit na niya ang matagal nang pangarap niya.
Pagkapasok nila sa kanyang dressing room ay mabilis niyang hinubad ang kanyang damit at dumiretso si banyo para maligo. Nanlalagkit siya sa sobrang pawis at kahit alam niyang masama ang maligo kapag hapong-hapo ang pakiramdam ng isang tao ay wala siyang choice dahil may Press Conference pa siyang a-attend-an at meet and greet sa mga fans niya.
Hindi siya nagtagal magbabad sa tubig, kailangan niya lang alisin ang malagkit na pakiramdam para maging fresh ulit sa harap ng media at ng mga fans niya. Kailangan niyang manatiling fresh at maganda, dahil iyon ang pinakauna niyang puhunan sa ganitong career. Isa iyon sa mga nagugustuhan ng tao sa isang celebrity—looks and characteristics.
Paglabas niya sa banyo ay nakangiting iniabot sa kanya ng kanyang PA ang susuutin niya. Isang simpleng kulay purple loose t-shirt na may cartoon character niya na bigay ng isa sa mga fans niya iyon at tinernuhan niya ng maikling shorts at tinernuhan niya ng kulay itom na high-helled boots na abot hanggang sa kanyang tuhod.
Inilugay niya ang kanyang mahabang kulay kahel na buhok at naglagay cute na headband na personalized din galing sa isa mga fans niya.
“Ang ganda mo talaga, Miss Jenna!” puno ng paghangang turan ng kanyang PA.
Matamis siyang ngumiti dito. “Salamat, kailangang maging maganda para sa mga fans ko.”
“Oo nga po pala, may nagpapabigay nito sa’yo.” Malawak ang ngiting nakaplastar sa bibig nito nang may iabot itong isang bungkos ng pulang rosas at isang maliit na box.
Nakakunot ang noo niya habang tinatanggap ang mga bulaklak at ang maliit na kulay itom na box.
“Kanino galing?” tanong niya.
“Sa secret admirer niyo po, kanino pa ba?” Natatawang wika nito at kinuha ang card na nakatago sa loob ng bulaklak at ibinigay sa kanya.
To my sweet and gorgeous, Jenna,
Today as I watched you dancing and singing to your heart’s desire, my heart flatters and I want to hold you in my arms. Great job, Honey!
Love lots,
D.
Binuksan niya ang maliit na kahon at marahas na naabuga ng hangin dahil isa naman iyong mamahaling alahas. Ilan na bang ganito ang natanggap niya mula sa misteryoso niyang admirer na ito?
“Hindi mo gusto ang alahas na iyan?” tanong nito sa kanya.
“Naa-appreciate ko ang mga bigay ng fans ko pero ang laging makatanggap ng ganitong regalo ay parang sobra naman yata. Halatang mamahalin ang mga ito at hindi biro ang ginastos ng kung sino man para lang dito. It was costumized and made only for me,” aniya at itinaas ang white gold na kuwentas na may nakaukit na pangalan niya at may maliit na diyamante sa huling letra ng pangalan niya.
“Gusto ka ng tao, Miss Jenna, natural lang ang ginagawa niyang pagbibigay sa’yo ng regalo. Aba, kapag ako ang niregaluhan ng ganyang kamahal na bagay ay talagang susuutin ko at ipagyayabang! Bihira ang magkaroon ng mayamang admirer!” anito.
Nakangiti siyang umiling. “Hindi pa rin tama na hindi siya magpakilala, at least magpasalamat man lang ako sa kanya ng personal.”
“Malay mo naman nasa harap mo lang siya at nakakasalamuha, ’di ba may mga ganoong senaryo? Iyong hindi mo alam na nasa paligid mo lang pala ang taong iyon tas magugulat ka na lang isang araw sa harap ng maraming tao magpapakilala siya sa’yo at tatanungin ka kung puwede ka niyang maging girlfriend?” anito at nakapangalumbabang tila nangangap.
Maya-maya ay nagtatalon ito sa sobrang kilig. “Oh my God, kinikilig ako!”
Tumawa siya. “Nasosobrahan ka na sa mga napapanood mong KDrama.”
“Huwag mong sabihing hindi ka kinikilig kapag nangyari iyon, Miss Jenna?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.
“Hindi pa ako handa na makipagrelasyon, Lilith. Masyado pa akong bata para isipin ang pakikipag-relasyon,” aniya at inilagay sa kanyang table ang kahon at ang mga rosas.
“Paano kapag dumating na ang taong para sa’yo?” tanong nito.
“Masyado kang nagpapadala diyan sa mga pinapanood mo.” Naiiling niyang turan dito at humarap na sa salamin para maglagay ng kaunting make-up.
Eksakto namang pumasok ang kanyang manager at agad na napansin ang bungkos ng bulaklak at ang maliit na kahon.
“Galing na naman sa secret admirer mo?” Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Tumango siya at naglagay ng konting foundation sa mukha.
Umiling ito. “Wala ba siyang balak magpakilala man lang sa’yo?”
“Hindi pa siguro niya feel magpakilala,” sagot niya.
Nagkibit ito ng balikat at lumapit sa kanya para tingnan ang regalo niyang natanggap at tulad niya ay napasinghap din ito sa nakita. “Ang ganda naman! Kung wala lang pangalan ay kukunin ko talaga ito sa’yo.”
Natatawa siyang umaling. “Galing iyan sa isa sa mga tagahanga ko kaya, I will keep it safe and secure.”
“Wala kang balak isuot? Alam mong mas matutuwa siya kapag nakita niyang suot mo iyan.” Nakangiting turan niya.
“It’s too fancy, siguro kapag nagpakita na siya sa akin at nagpakilala, saka ko na isusuot,” sagot niya.
“Whatever.” Kibit-balikat nitong sagot. “Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba munang kumain bago ka lumabas at makipagsapalaran sa mga media at fans mo?”
“Tuna sandwich will be fine,” sagot niya.
Bumaling ito sa kanyang PA at inutusang kumuha ng pagkain niya, agad naman itong lumabas ng kanyang dressing room. Hindi nakaligtas sa kanya ang palihim na pagsulyap nito sa kanyang PA.
“Tell me, ilang buwan na ba si Lilith bilang alalay mo?” Tanong nito ng silang dalawa na lang ang magkasama sa kuwarto.
“Less than a year, I think, why?” tanong niya rito habang naglalagay ng liptint sa labi niya.
“Hindi mo ba napapansin na mag-iisang taon ka na ring nakakatanggap ng mga mamahaling bagay mula sa secret admirer mo na iyan?” May pagdududang saad nito.
“Mameh, ayan ka na naman,” turan niya. Hindi niya ito masisisi kung pagdududahan nito ang mga taong malapit sa kanya.
Maraming beses nang nangyari sa kanya ang mga insidenteng nagkukunwari ang mga stalker niya na staff sa mga pinupuntahan niyang event at palihim na kinukuhanan siya ng mga litrato o ’di naman kaya ay mag-iiwan nang kung anu-anong malalaswang litrato niya kasama ang mga ito.
“You can’t blame me, Jen. Sa dami na nangyari sa’yo ay kailangan nating mag-ingat. Alam mong ayaw na ayaw kong nasasaktan ka at nababastos ng kahit na sino,” seryosong turan nito.
Parang may malambot na kamay ang humaplos sa puso niya sa pagmamalasakit ng kanyang Manager. Lumapit siya rito at mahigpit na niyakap, napaka-suwerte niya at nagkaroon siya ng mapagmahal at overprotective na Manager.
“Thank you, Mameh,” buong pusong niyang turan.
“Anything for my Darling,” saad nito at masuyong hinaplos ang kanyang mahabang buhok.
Unang beses na alukin siya nitong maging talent nito ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Magaan ang loob niya rito at halata sa maaliwalas nitong mukha ang pagiging mabait at mapag-aruga. Wala itong asawa’t anak kaya naman itinuring na siya nitong anak, at siya ay ulila na rin kaya naman hindi niya na rin itinuring na iba ang babae.
Narinig nilang may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon ay may dala ng pagkain si Lilith, nagdala na ito ng limang pirasong tuna sandwhich para may kainin din daw siya mamaya sa conference. Dahil sa mga pag-aalalang iyon ng babae ay hindi niya ito magawang pagdudahan gaya ng kanyang Manager. Literal naman kasing mabait ang dalaga at higit sa lahat ay hindi pa siya nito binibigyan ng sakit ng ulo hindi katulad sa mga nauna niyang PA.
Masaya nilang pinagsaluhan ang sandwhich na dinala nito at nang oras na para sa pagharap niya sa media at sa mga fans niya. Sabay-sabay silang umalis sa dressing room niya at lumabas ng set para umakyat sa second floor, doon kasi gaganapin ang event niya.
Huminga muna siya ng malalim bago umupo sa mahabang lamesa na nasa harap ng maraming reporter na gustong magtanong sa kanya at kuhanan siya ng pahayag tungkol sa pagiging successful ng concert niya at sa mga bagong release niyang album.
Katabi niya ang kanyang manager at ang ilang CEO at directors sa kompanyang may hawak sa kanya. Binigyan niya ng tigli-limang tanong ang mga naroong reporter at wala siyang hindi sinagot na mga tanong ng mga ito, kahit ang mga iba ay pasimple siyang pinatatamaan at tinitira pailalim. She’s prepared for this misbehavior of the media, hindi siya papasok sa ganitong career kung hindi napaghandaang mabuti lahat.
Inabot ng mahigit isang oras ang pagharap niya sa mga media at binigyan lang siya ng thirty minute break para harapin naman niya ang mga fans niyang matiyagang naghihintay sa kanya sa labas ng conference room.
Umingay ang paligid niya nang sabay-sabay na nagsipasok ang mga fans niya. Nakahanda na ang maraming security personnel para pangalagaan ang kanyang seguridad.
Naging smooth naman ang pakikipag-interact niya sa mga fans niya. Mapalalaki o babae ay talagang makikita na sobra-sobra ang paghanga sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya nang pakikipag-usap sa mga fans niya at pagbibigay ng autograph nang may isang lalaking sumingit at iniladlad ang dala nitong poster ng hubad na babae at pinalitan nito ang mukha ng babae ng mukha niya.
“Jenna, babe, baka naman pirmahan mo rion itong poster mo, para naman maipagyabang ko sa mga barkada ko,” anito.
Napasinghap ang ilang fans niya dahil sa nakitang iyon at bumalndra din sa mukha niya ang matinding takot lalo na nang maglabas ito ng patilim at sugatan ang palad nito.
Naalarma ang ilang fans niya at maging ang kanyang manager at PA niya, nagsilapitan na rin ang mga security personnel at mabilis na inilayo ang lalaki.
Akala niya makakahinga na siya ng maluwag dahil sap ag-alis nito sa harap niya ngunit isang nakakagimbal na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng Conference Room. Halos lahat ng naroon ay napasigaw ng malakas at naramdaman agad niya ang pagyakap sa kanya ng kanyang Manager. Iniharang din ni Lilith ang katawan nito sa harapan niya kung sakali mang maisipan nang kung sinumang magpaputok na barilin siya.
“Oh my God, what’s happening?!” Nanginginig ang boses na wika niya.
Nilapitan sila ng Head Security at sinabing makabubuti kung umalis na sila ngunit agad siyang tumutol.
“No! I will not leave my fans here! I secure niyo ang buong area at siguraduhin niyong walang masasaktan sa mga taong nandito!” Matigas niyang utos sa Head Security Personnel.
“Ma’am, it would be better kung ligtas po kayo at—”
“I said no!” Malakas niyang giit dito.
“It’s okay, sundin mon a lang ang sinasabi niya,” anang kanyang Manager.
Walang nagawa ang Head ng Security kundi ang sundin ang sinabi niya. Ipinasara nito ang pintuan at mahigpit ang bilin sa mga naiwang security na huwag magpapasok ng kahit na sino bago ito lumabas at habulin ang salarin na pumatay sa stalker niya. Napahawak siya sa kanyang noo at hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin sa mga ganitong sitwasyon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may namatay siyang stalker ngunit ito ang kauna-unahang nangyari na sa mismong harapan niya pinatay ang lalaki.