CHAPTER 7

1494 Words
“O, AKALA ko umalis ka na.” Kunwari ay walang kuwenta kay Janna kung nandoon ulit si Arion. Hindi talaga niya ipapahalata rito na bigla ay parang nahawi ang maiitim na ulap at pinaliguan na ulit ng matingkad na sikat ng araw ang paligid pagkakita niya rito. As if hindi niya ramdam kanina lang na wala na ulit siyang dahilan para gumising sa umaga. “I did. Or I tried to,” sagot ni Arion. “But I couldn’t do it. I couldn’t leave without finishing what we started. I got to have you, Janna.” Pilit kinalma ni Janna ang sarili. Ayaw niyang makita ng lalaki sa ekspresyon niya na gusto na niyang magtatalon sa tuwa. Ni hindi nga rin niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. She would be stupid to hope that their situation had changed. Malinaw ang rason na ibinigay ni Arion kung bakit nandoon ulit ito. I couldn’t leave without finishing what we started. Bitin lang ito. That makes two of us. Bitin din nga ako. “So, tuloy pa rin?” kaswal na tanong niya. Tumango ang lalaki. “Then lets get on with it. Maganda ang timing mo. Patapos na ako sa ginagawa ko. Sa luga na tinatawag nilang Eagle’s Bluff dinala ni Janna ang lalaki. Kagaya ng maraming lugar sa isla, ang ganda ng view doon. Sa ikailang beses din ay laking pasasalamat niya na uninhabited ang isla, na pwera sa members ng grupo nila, pati na rin sa mga nagiging bisita nila, ay walang ibang tao roon. Dahil doon ay nag-uumapaw ang secluded places doon at malaya niyang magagawa ang plano niya nang hindi nakaka-eskandalo sa ibang tao. Nasa itaas ng burol ang Eagle’s Bluff. Tanaw mula roon ang karagatan pati na ang isang islet na ilang kembot lang ang layo sa Isla del Cielo. Pero mukhang hindi interesado sa tanawin si Arion dahil sa sandaling huminto siya sa paglakad ay kinabig agad siya nito. He cupped her face with his hands and kissed her deeply. Para itong isang taong uhaw na uhaw sa halik. Agad na nilusong ng dila nito ang kaibutran ng bibig niya, humahagod, humihigop. Then slowly, his hands travelled down her body. Mula sa mukha niya ay pahagod iyong bumaba sa leeg niya, sa braso, sa balikat. Halos hindi humihinga si Janna, sabik na hinihintay ang paglapat ng mga palad nito sa dibdib niya na kanina pa naghihintay na masakop ng mainit na mga kamay na bawat bahagi ng balat niya na madantayan ay binabalot ng nakakapasong init. But Arion took his own sweet time. Pahaplos-haplos lang ang mga kamay nito sa bandang itaas ng dibdib niya, kung minsan ay dumadako sa pagitan ng mga iyon. Pero sinasadya nitong iwasan ang naninigas nang tuktok na naghuhumiyaw na sa paghawak nito. Hindi na makatiis si Janna. Siya na mismo ang gumalaw para mailapit ang nananabik na ubod sa naglalakwatsang kamay ni Arion. “Uh-uh, not yet.” Sa pagbulong nito ay sinadya nitong bugahan ng mainit na hininga ang tainga niya. Lalo ng nanayo ang mga balahibo sa katawan ni Janna. Tumindi pang lalo ang init na bumabalot sa kanya. “You said we’d do it in stages. Dapat installment para mas exciting. I think you nailed it right there. Dahil ngayon pa lang ay nai-imagine ko na kung ano ang pakiramdam kapag naging akin ka na ng tuluyan.” “May nagsabi na ba sa iyo na masyado kang madaldal?” patuya, pabirong usal ni Janna. Ginaya niya ang lalaki. Binugahan din niya ng mainit na hininga ang tainga nito. But she did him one step better. Sa pagbulong niya rito ay inilabas niya ang dila at bahagyang idinantay iyon sa leeg nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagkislot ni Arion. Mukhang may matinding epekto rito ang ginawa niya. “Ikaw pa lang. And you’ll pay for that.” Noon biglang sinapo ng mga kamay ni Arion ang dibdib niya. She almost screamed out with pleasure when his palm grazed the sensitive nubs. Hindi na siya nakapagpigil. Idiniin niya ang sarili sa mga kamay na nakahakab sa mabilog na laman, ikiniskis ang mga iyon na naging dahilan para maging pahingal ang paghinga niya. “You’re a sexy vixen,” usal ni Arion. Ang isang kamay nito ay lumipat sa baba niya, itinaas ang mukha niya, habang ang isa pang palad ay palipat-lipat sa magkabilang dibdib niya. “Oooohhhh...” Kusang kumawala ang ungol galing sa labi ni Janna. Napapapikit-pikit din siya sa malinamnam na sensasyong gumuguhit sa mga kalamnan niyang pinagpapala ng malikot na kamay ng lalaki. His mouth claimed hers. Hot and greedy, he sucked at her lips and then pushed his tongue inside her mouth twining it with her own tongue, sweeping back and forth and then moving it inside and out, creating a sliding friction that made the heat inside her burn even hotter. Maalab, marubdob ang halik na iyon. Halos hindi siya makahinga pero walang balak si Janna na bumitaw sa mapusok na mga labi nito. She feels hot all over. A penetrating heat that radiates from the area between her thighs and spreading throughout her whole body as he kissed her and squeezed her breast. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya. Hindi pa napapasok ng lalaki ang katawan niya pero iyong naabot niya noong mga pagkakataong nakarating na sila sa rurok ng mg naka-partner niya ay napakalayo sa init at matinding pangangailangan na pumupuno sa kanya ngayon. She wants more of what he is giving her. She wants him to squeeze her harder, kiss her deeper. She wants his hand all over her body... “I saw your video,” paanas na bulong ni Arion. “Maybe we should do something like it.” Doon siya natigilan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ang nag-iinit niyang katawan sa sinabi nito. Dahil sa sinabi nito ay naalala na naman niya ang masagwang kabanata sa buhay niya. Naramdaman yata ng lalaki ang paninigas niya. Tumigil ito sa paghalik sa kanya, bahagyang lumayo para tignan siya. “What is it?” usisa nito. Umiling si Janna. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon. “What?” giit nito. “You seem to have enjoyed making it.” “H-hindi ko ginustong gumawa ng s*x video. Iniiwasan ko nga iyong mangyari, sa tutoo lang. I may be into s*x pero ayoko rin namang magkaroon pa ng permanenteng record ng mga pinaggagagawa ko. It can be used as a weapon against me...” Napailing siya saka mapaklang tumawa. “What the heck am I talking about? Ginawa na nga pala iyong weapon sa akin.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Kahit yata si Arion ay nawala na sa s*x ang pansin. “Lasing ako nang kunan iyong video. By a guy I didn’t even want to have s*x with.” Nakaramdam na naman siya ng galit kay Josh pero agad na rin iyong binale wala ni Janna. Hindi na siya dapat magsayang ng oras na isipin pa ang lalaking iyon. “Did he rape you?” Napansin niya na parang nagtagis ang mga bagang ni Arion. “N-not really. I mean, I don’t know. Masyado na akong lasing para malaman ang nangyayari. Pero...gusto niyang ulitin namin iyon. Pinagbantaan niya ako. Kinunan daw niya ang lovemaking namin at kapag hindi ako pumayag na sumama ulit sa kanya ay ikakalat niya iyon sa internet. He said I was so wild and...” Tumigil na siya sa pagsasalita nang maramdaman niya na may nagbabara sa lalamunan niya. Nakakainis lang na apektado pa rin siya kapag naaalala niya ang pangyayari. Nagulat na naman siya sa ginawa ni Arion. Bigla kasi siyang kinabig nito pero imbes na ituloy ang mainit na eksena nila na naudlot kanina ay niyakap lang siya nito. “I feel like a jerk,” usal nito. “Bakit?” pagtataka niya. “Wala kang kasalanan...” “Kagaya ng sinabi ko sa iyo, I saw that video and I never forgot you. Ilang beses...ilang beses din na iyong mga eksena roon ang iniisip ko kapag...kapag kailangan kong palabasin ang init ng katawan ko. Hindi ko alam na hindi sinasadya ang participation mo roon, na wala ka sa sarili mo noong kinukunan iyon. I thought you were having a lot of fun while doing the video. Para tuloy pati ako ay nakisali sa ginawang pag-take advantage sa iyo.” Hindi alam ni Janna kung paano magre-react sa inamin ni Arion. So she had been in his fantasies, huh. Part of her was thrilled by the idea. Pero ang isang bahagi ng pagkatao niya ay nangilo pa rin sa ideyang iyong video pa ang pinagmulan ng pantasya nito. “I’m sorry.” Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “I have no excuse for my actions. I just got aroused by how you looked, how you reacted.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD