Dahan-dahang ibinaba ni Lhiarra ang putol na ulo ng lalaki sa ibabaw ng center table sa sala ng suite 2103. Inga't na ingat siya sa takot na mabitawan niya iyon.
Pagkalapag niya ay hinubad niya ang suot niyang pulang gloves na ipinahiram ng guest niya. Tinitigan niya ang ulo, gwapo ito.
_May totoong tao kaya siyang model dito?_
Hindi niya maiwasang hindi ma-curious dahil parang mukha ng totoong tao iyon, pati mga mata nito ay tila buhay na buhay.
_Grabe! Ang galing niya!_ puri niya dito habang sinisipat niyang mabuti ang mga mata ng ulong iyon.
"He's handsome, right?" Bahagya siyang napakislot nang biglang magsalita ang kapapasok lang niyang alaga este guest.
Umayos siya nang tayo at maingat na dumistansya sa head sculpture. Mahirap na. Kapag iyon nabasag niya ay baka ilang taon niya iyong babayaran.
"Yes, ma'am. Ang galing niyo! Para pong totoong ulo. Buhay na buhay po kasi yung mata niya" tugon niyang may totoong paghanga.
Ngumisi ito saka sumeryuso ang mukha nito bago sinabing,
"Actually, I used a real one for those. My ex's eyes."
_A-ano daw!_
Hindi siya nakapagsalita agad. Parang bumagal ang pagproseso sa utak niya ng sinabi nito. Hindi niya namalayang bumakas pala sa mukha niya ang gulat at hilakbot.
Tapos, bigla itong humagalpak ng tawa.
"Hahhahahha! Oh my God! You really believed that! Did you think I actually dug that jerk's eyes out! hahahaha..You're... You're so.... funny!" Napahawak na ito sa tiyan nito sa katatawa.
Napatawa na rin siya sa sarili niya. Ano nga bang akala niya, na dinukot talaga nito ang totoong mata ng tao! Ngayon niya lang narealize na may gullible side din pala siya.
"Ahem. Anyway... I bought realistic eyes like those they use on mannequins. Pero pinasadya ko siya, kaya mukha talaga siyang totoo. And I actually used my ex's face, so that's really how he looks. Kapag naiisip ko siya, I smash those heads. This one is the last one." pagkuwa'y nakangisi nitong sabi, at lumapit ito sa sculpted head at hinaplos haplos iyon.
Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya. Bigla siyang nakaramdam ng eerie feeling, 'yon bang parang nanonood siya ng crime movie tungkol sa isang psychopathic killer.
May pagka psycho pa yata itong guest niyang ito.
"What do you think? How should I destroy this last one?" tanong pa nito sa kanya.
Ngingiti sana siya ngunit naging ngiwi ang gumuhit sa labi niya.
"uhm.. 'Di ba dapat... itago mo na kasi last na siya?" alanganin niyang sagot.
Napaisip ito. "Dapat ba?"
"eh kasi ma'am... sayang naman yung effort at pagod niyo sa paggawa niyan kung sisirain niyo lang lahat. Or why not nalang ipa-exhibit niyo... tapos ang title ay... the great cheater" bigla nalang pumasok ang ideyang iyon sa kanyang isip na para bang siya 'yung gumawa niyon at ex niya yung model niya.
Napa-clap ito ng isang beses sabay tayo at humarap sa kanya. Lumiwanag ang magandang mukha nito.
"Why didn't I think of that! That's actually perfect! I will make him famous with my art! Yeah. I really should." maluwang na ang ngisi nitong sabi. Inabot nito ang bag nito at may dinukot doon.
"Here... Take it. It's for you." nakangiti nitong sabi sabay abot sa kanya ng isang card, prepaid card.
Gulat siyang napatitig dito. "Ma'am?"
"It's yours.. May laman yan." sabi pa nito..
"Eh... baka pwedeng...cash nalang ma'am. Hindi po ako pwedeng tumanggap ng card" nakangiwi niyang sabi.
Sa lahat ng naging guests niya, ito lang ang nag-abot sa kanya ng card bilang tip! At ito lang din ang mala may-saltik na naging guest niya. Akalain mo, kaya pala siya tinext kagabi ay para magpatulong sa pagbubuhat ng sculpture nito na balak lang din pala nitong basagin!
"Hindi ito tip! At wala akong cash. Take it. It's my thank you gift. You deserve this. And you just gave me a great idea" pamimilit nito.
Dahan dahang umangat ang kanyang kanang kamay paabot doon.
"Ma'am... Hindi naman po sobrang laki ng laman nito ha?" baka kasi sobra sobra ang laman niyon, kahit sabi nitong hindi iyon tip ay bawal pa rin kung malaking halaga. Saka kahit mukhang pera siya ay hindi naman siya mapagsamantala.
Umiling ito, "No. Ano ka ba. Barya lang yan. Pang isang damit lang 'yan. Sa'yo lang yan, okay?" sabi naman nitong natatawa pa sa kanya.
"Thank you ma'am!" maluwang ang ngiti niyang sabi. Ito iyong sinasabi niyang kahit alilahin siya basta marunong mamigay ng tip, go lang siya. Pero itong guest niyang ito hindi lang tip ang binigay, may pa-thank you gift pa.
_Pero okay lang kaya talaga na tanggapin ko 'to?_ Pag-aalangan pa niya sa kanyang isip.
Lahat kasi ng natanggap niyang tip na exceed sa threshold ay ni re-report niya, kasali sa rule nila yun. Tulad nga ng sabi niya, mukha lang siyang pera pero hindi mapagsamantala.
"Wag mo nang i-report sa head mo. Hindi naman iyan tip. Just dispose it properly once nagamit mo na ang laman." dagdag nito na tila ba nabasa ang nasa isip niya.
"By the way, I'll be checking out tomorrow. I think I stayed here long enough" dugtong nitong ikinatingin niya rito.
Nakaramdam naman siya ng lungkot. Kahit papaano ay isa ito sa mga naging guest niya na medyo napalapit sa kanya. Kahit kasi iniuutos nito lahat sa kanya ay ramdam niyang sa isang linggong naroon ito ay parang itinuring siya nitong kaibigan. Ini open pa nito sa kanya ang hinanakit nito sa buhay. Na kaya ito nag check-in doon ay dahil iniiwasan nito ang ex nito na kapitbahay pa nito mismo. Hindi nito matiis na nakakasalubong ang ex nito at minsan ay kasama pa nito ang babaeng ipinalit dito. Somehow, nakarelate siya rito sa part na iyon, sa part ng ex na taksil.
"Okay na ba kayo, ma'am? Kaya niyo na po bang bumalik?" tanong niya sa tonong may sinseridad.
Tumango ito. "I think I can. And you've been a lot of help, really". Ngumiti ito sa kanya.
Ngumiti rin siya pabalik. Mabuti naman. Masaya siya para dito. Hindi ito dapat maging talunan. Dapat ay ipakita nito sa ex nito na hindi ito kawalan.
***
Marahan niyang isinara ang locker niya at ini-lock iyon. Isinukbit niya ang kanyang bag sa balikat nang mapansin niya si Mercede na papasok sa locker room. Hindi niya ito nakita nang buong araw, mukhang ngayon lang dumating. Actually, kahapon din.
"Pauwi ka na?" tanong nito sa kanya.
"Oo. ikaw? Kararating mo lang?" tanong niya rito.
"Night shift ako ngayon."
"Ha? bakit parang biglaan naman yata. Pati ba kahapon. Hindi kita nakita kahapon a?" pagtataka niya.
"ah... ano... nakipagpalitan sa'kin si Karen." tugon nitong umilap ang mga mata.
"Ah okay" hindi na niya ito inusisa pa.
***