Amara POV Naging busy ako sa office work—sobrang busy na hindi ko namalayan ang oras. Puro encode, print, file, pirma, tapos balik naman sa dokumento. Paulit-ulit. Nakakapagod pero at least… mas mabuti nang abala ako kaysa mag-isip ng lahat ng nangyari. Kung hindi pa nag-intercom si Damon, hindi ko malalaman na mag-a-alas dose na pala. “Amara. Come to my office. Now.” Diretsong utos niya. Walang hello, walang please. Para bang empleyado lang siyang pinanganak para sundin siya. Napaismid ako habang papunta sa office niya. Hindi ko alam kung gutom lang ako o talagang nakakairita ang boses niya sa intercom—pero ramdam ko ang pag-angat ng kilay ko habang naglalakad. Ano na naman kaya ang kailangan ng Presidente ng buong universe? At bakit kailangan pa akong papuntahan niya sa gitna ng

