Pagbalik ni Damon kasama si Wilma, parang may nag-click na mute button sa buong opisina. Yung tipong kanina halos mabingi ako sa chismisan — pero ngayon? Tahimik. As in TAHIMIK. Para kaming nasa library ng isang haunted mansion. May ilang empleyadong kunwari abala sa pagta-type kahit wala namang laman yung screen nila. Yung iba, mabilis na nagsusuot ng reading glasses para lang magmukhang busy. Si Carl sa IT, napakabilis nag-minimize ng Mobile Legends sa monitor. Si Wilma, nakayuko, hawak ang folder na parang napaso. Para siyang batang napagalitan ng principal. Literal na hindi makatingin sa kahit sino. Lalo na kay Damon. Samantalang si Damon? Walking disaster in a suit. Seryoso ang expression, naka-furrow ang kilay, at may dominantong presensya na kahit hindi siya nagsasalita, al

