Chapter 55 Amara's Freedom

1282 Words

​Amara’s POV ​Sa loob ng sasakyan, tanging tunog lang ng makina ang naririnig. Walang umiimik sa aming dalawa. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na mabilis na lumilipas. Ramdam ko ang pagod, hindi lang pisikal, kundi pati na rin ang pagod sa utak dahil sa pakikipag-tagisan ng laro kay Damon. ​Pagdating namin sa bahay, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Agad akong bumaba at dumeretso sa kwarto ko. Pagod na pagod ako. Parang hinigop ni Damon ang lahat ng enerhiya ko sa huling asaran namin sa CR. ​Hindi na ako nag-abalang magbihis o magtanggal ng natitirang make-up. Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama. Bukas na lang... bukas na lang ako babawi, bulong ng isip ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok. ​Damon’s POV

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD