Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata. Wala agad akong naaninaw na bagay hanggang sa unti unti ko silang nakikita ng klaro. "Hon?" Paugong na sambit ni Benedict na nasa gilid ng kama ko. Nag iwas ako ng tingin at pilit na lumunok. "Wait lang. Tatawag ako ng doktor for you." Aniya at dali daling lumabas ng silid. Pumikit ako at pinagpahinga ang sistema. Sa sandaling kumalabog ang pinto ay napamulat ako at napatingin sa gawi ng pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto saka iniluwal nito sila Benedict, doktor, mama at papa saka si ate. They were all worried except sa doktor na kalmado lang ang mukha. "We're glad you're awake now." Pormal na bungad sa akin ng doktor. Walang halong emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mukha. "Dok..." paugong kong sambit at triny na umupo. Agad nama

