Episode 34

2135 Words

"Magpahinga ka na muna anak." Suhestiyon ni mama. "Yes, ma." Nanghihina kong sabi. Hinagkan ko muna si Nate sa noo bago ko siya ibinigay kay mama. "Baka maya maya nandito na si Benedict." Aniya. Tumango lang ako saka inayos ang sarili sa higaan. It will never be easy to be a mother. Pero kung mahal mo talaga ang anak mo, lahat ng imposibleng gawin ay kaya. Kahit na pagpuyatan mo, kahit mapagod ka, okay lang kasi anak mo naman 'yon. It's always worthy. I was about to close my eyes nang may bumukas ng pinto. Sa sandali pa ay iniluwa nito si Benedict. "Hon!" Masigla niyang bati. Bakas sa mukha niya ang kagalakan. "Hon." Sambit ko. Kusa namang lumawak ang aking labi. Naglakad siya papunta sa akin. Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang kamay ko at yumuko saka hinagkan ang noo ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD