Bago pa man dumilim ay nagpaalam na akong umuwi kay Thomas. Hindi na ako nagpahatid pa kahit na nagagalit na siya sa akin. Muwehehe. Ang cute niyang mainis. At ito ako ngayon, nasa bahay. Magisa lang ako dahil umuwi na ang mga katulong at si Mang Perci naman ay nagpahinga na. May sarili namang pahingahan ang mga katulong or drivers namin. At sinadya talaga 'yun para sa kanila. Bumuntong hininga ako. Wala akong maisip na gawin. Siguro... magfe-f*******: nalamang ako. Matagal tagal na din na araw 'yung huli kong bukas. I opened the Wi-Fi. At nang nakakabit na ang phone ko dito ay inopen ko agad ang app na may malaking "f" na kulay puti at blue ang background. Bumungad sa akin ang post ni JC. Nakatagged si Kyla. John Christopher Ignacio For you I will wait because it's worth it. I know y

