Inusisa ni Marcus ang pagtawag ni Samantha. Ngunit hindi agad makaapuhap ng isasagot ang dalaga kaya’t nasabi na lamang nitong nasa Naga na rin lang siya eh naisipan niyang ayain ito para magkape. Natahimik ang lalaki bago tumikhim. “My wife just sent me a message na gagabihin daw ng uwi kaya’t hindi matutuloy ang dinner sana namin sa labas. So, if you are around the city, let’s meet at Costa Coffee. Aalis na ako ngayon.” “SO how’s life? I heard you and Juan are giving it a second chance,” komento Marcus bago hinigop ang brewed coffee. Gumuhit ang lungkot sa anyo ni Samantha. She cancelled her engagement with Juan more than a year ago. Marami ang nagulat at nalungkot, ngunit hindi na niya kayang pagkatiwalaan pa ang lalaki matapos niya makompirmang may iba itong babae Sini

