Hindi na nakabalik ng farm si Marcus kinagabihan dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ina na manatili muna sa kanilang tahanan sa Naga matapos ng nakaraang pinagdaanan nito sa kamay ng mga makakaliwang grupo. Isa pa ay nagpahanda ng espesyal nadinner si Donya Blanca para rito. Ilang araw din kasi itong hindi natahimik habang nawawala ang binata. Mula sa lanai ay tahimik na pinagmamasdan ni Marcus ang anak na si Antonio habang nilalaro ng abuelong si Franco. Sinundo niya ito sa bahay ng mga Benitez para makasama ng buo niyang pamilya. Habang bihag siya ng mga rebelde, isa ito sa mga naging lakas at inspirasyon niya para makagawa ng paraan na makatakas. He can’t die because this little boy needs a father. Isa pa’y nais niyang matunghayan ang paglaki nito hanggang magkaroon ito ng sariling

