HALOS hindi makahuma si Katherine sa biglang pagsulpot ni Marcus. Ngunit dahil sa epekto na rin ng alak na nagawa niyang humarap dito nang pipikit-pikit na ang mga mata. “S-sir, pasensiya na…” ‘di na niya naituloy ang sasabihin nang biglang mangasim ang lalamunan niya at ilabas ang nasa sikmura. “Hindi ba Miss Dela Cerna?” Ang tinig na iyon ni Marcus ang nagpabalik kay Katherine sa realidad. Only to find that his eyes are cohered on her. “Ha? I-I-mean, you’re saying something?” nauutal na tanong niya. Sandaling bumaba ang mga mata nito sa kanyang mga labi bago muling nagsalita. “Sinasabi ko lang na mukhang ‘di mo kaya ang brandy. And that you might prefe

