Wala pa ring patid ang pag-iyak ni Katherine hanggang makabalik siya sa kotse. Una niyang hinagilap ang mobile phone mula sa bag na nakalapag sa passenger seat. Her hands were shaking ngunit nagawa pa rin niyang ma-dial mula sa recent call history ang number ni Olivia. Nang sagutin ng madrasta ang linya ay tila mas bumuhos pa ang lahat ng nararamdaman. Napapikit na lamang siya at tanging malakas na paghikbi niya ang narinig ni Olivia. “K-Katherine, a-ano’ng nangyari?” matindi ang pag-aalalang tanong ng babae. She struggled to catch for air before she was able to speak. “P-paanong h-hindi natin nalaman.. n-na si Marcus ang nagligtas sa akin nang gabing iyon?” humihikbing anas niya saka muling napahagulgol. Ni hindi na niya namalayan ang matagal ang hindi pagsagot ng kausap kasabay n

