“He came last week. He was so desperate to know your whereabouts,” pagbibigay-alam ng amain ni Katherine. Napayuko siya. “Jag är ledsen, Pappa,” paghingi niya ng paumanhin sa wikang Swedish. Kasalukuyan itong nagkakape nang puntahan niya sa verandah. Matapos ang isang buwang pagtatago mula kay Marcus ay umuwi sila ng anak sa kanilang tahanan saa Cagayan. Mula nang matuklasan ang namamagitan kina Samantha at Marcus, labag man sa loob niyang ilayo ang bata, ninais muna niyang dumistansiya rito. Habang pauwi sila ng Naga mula sa farm nang umagang iyon ay saktong nakatanggap siya ng tawag mula sa mambabatas ng Tuguegarao para kumustahhin siya. Dahil naging mabuti naman ito sa kanya at dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon nila ni Marcus ay tinanggap niya ang imbitasyon nitong dumalo sila s

