Isang araw pumunta si Marie sa likod ng classroom nila Dan para lang silipin kung anong pinag gagagawa ni Dan pag wala sya.
Laking gulat ni Marie ng makita nyang napapaligiran si Dan ng mga babae at may isang bababeng kaklase si Dan na sa paningin nya ay kalandian nito ni Dan. Nagalit si Marie at agad na bumalik sa classroom nila. Sinusuyo ni Dan si Marie at nag matigas si Marie. Sinasabihan si Marie ng mga kaibigan na kausapin si Dan pero naiiba naman ang sinasabi ni Jenna kay Marie,
"Hayaan mo na yung Dan na yon. Makipag break ka na don. Kalalakeng tao kaarte arte daig pa bababe kung mag inarte. May irereto ako sayo si Joel. Section3. Matalino mabait may pera hindi maitim at hindi maarte." Paulit ulit si Jenna pero hindi pinapansin ni Marie.
Nag disisyon si marie na harapin si Dan. Papunta si Marie sa classroom nila Dan at nakita agad nila si Dan. Nakita naman ni Dan si Marie na paparating at sasalubungin sana ni Dan si Marie ng biglang inunahan ni Jenna si Marie sa pag salubong kay Dan. "Break na daw kayo sabi ni Mae!" sinabi ni Jenna kay Dan. Agad tumalikod si Dan at pumasok sa classroom nila. Tinatawag ni Marie si Dan pero hindi na pinapansin ni Dan si Marie. Hinabol ni Marie si Dan hanggang classroom ni Dan pero hindi na talaga sya nito pinansin.
Hinabol naman ni Marie si Jenns, "Anong sinabi mo don kay Dan?" tanong ni Marie kay Jenna. "Wala!" maiksing tugon ni Jenna. Pero hindi naniniwala si Marie. Pulit ulit na tinanong ni Marie si Jenna hanggang maka rating sila sa classroom nila at sinabi na ni Jenna. "Sinabi ko sabi mo break na kayo kasi ang arte nya." sabi ni Jenna. Laki namang taka ni Marie kasi wala naman syang sinabing ganoon at alam ni Jenna kung bakit sila pupunta doon kay Dan. Para kausapin talaga si Dan at subukang ayusin ang relasyon nila. Dahil malapit na ang JS prom na pinapaplanuhan nilang dalawa na silang dalawa lang ang mag sasayaw buong magdag.
Hindi maintindihan ni Marie ang mararamdaman nya that time. Gusto nyang magalit kay Jenna at awayin ito pero hindi nya magawa dahil alam nyang hindi papatalo ng katwiran si Jenna.
Nilapitan ni Jayson si Marie. "Nandadamay pa talaga yan sa pinag dadaanan nya. Ayaw nya na sya lang ang broken hearted. At ikaw pa talaga ang napili. Ipadrop out mo na yan kay Mrs. Ruel" sabi ni Jayson kay Marie na habang ang mulha nito at napipikon na gustong magpatawa. Hindi naman pinansin ni Marie kasi ang tanging iniisip lang nya ay matapos na ang klase nila at maka uwi na sya para itext si Dan at abangan sa ihawan ito para magkausap sila.
Pag uwi ni Marie ng kanilang bahay:
Wala na syang ginswa kundi antaying dumilim para sa pag bubukas ng ihawan ng tita ni Dan. Nung dumilim lumabas sya agad, pero wala doon si Dan. Tinext nya si Dan "Mahal, wag ka maniwala sa sinabi sayo ni Jenna. Hindi totoo yon. Wala akong sinabing ganon. Sya lang ang may sabi non." habang humahagugol ng iyak si Marie pero pilit nyang pinipigil na walang marinig na boses sa kanyang pag hagulgol.
Nag reply naman si Dan agad "Wala sinsbi na ng kaibigan mo na break na talayo kaya break na tayo.". Pag basa ni Marie ng reply ni Dan na yang ay bigla naman lalong lunala ang hagulgol nya na di na nya mapigil na parang naririnig na ng lola, tita at pinsan nya. "Nag mamakaawa ako sayo mahal wag ka maniwala kay Jenna. Wala akong sinabing ganon. mahal na mahal kita. Ayaw kong mag break tayo." reply pa ni Marie sa kanya. "Wala na sinabi mo na. Hindi naman yon sasabihin ng kaibigan mo kung hindi mo talaga yon sinabi. Kaya wala na break na tayo."
sa sinabi ni Dan na yon ay nakaramdam si Marie ng pagkawala ng pag asa na maayos pa sila. Gusto nyang humagulgol ng malakas, pero, hindi pwede kaya pumunta sya sa bahay ng kanyang kumare at kumpare na si Roby at Maryanne. Duon sya humagulgol ng todo.
"Anong nang yari sayo?" tanong ng mag asawa. "Si Dan kasi eh." sambit ni Marie habang umiiyak.
"Anong ginawa sayo ng gagong Dan nayon?!" tanong naman ni Roby na parang nag aalala na.
Iyak lang ang maisagot ni Marie kay Roby.
"Ano nga ginawa sayo ng pu****nang yon? sabihin mo na at pupuntahan namin ni Pareng Ren. Babanatan talaga namin ni Pareng Ren yon gagong yon." Kumpare din ni Roby ang Tito Ren ni Marie. "Nakipag break na si Dan." sagot ni Marie na tila nag alala din na mapahamak si Dan.
"P****a naman. Ano ba yan Mae akala ko naman anong nang ginawa ng gagong yon sayo talagang uupakan namin ni pareng Ren yun eh. Yun lang naman pala. Hayaan mo na yon kapanget panget naman nung uling na yun eh. tsaka ang kapal ng mukha nya para sya pa talaga ang nakipag hiwalay sayo. n***o sya!" iyak nalang ang isinagot niya kay Roby.
"Bakit may ngyari na ba sa inyo?" tanong ni Roby. "Wala!" agad namang sagot ni Marie.
"Eh wala naman pala eh bakit ganyang ang iyak mo? Mahal mo? Pano mong minahal yon? Anong nagustuhan mo don eh kapanget panget non?" Puro iyak balang ang nagawa ni Marie.
"Mae, andyan si Aian. Hinahanap ka na." sambit ni Maryann. Si Aian ay ang batang pinsan ni Marie na anak ng Tito Ren nya.
Nag kinabukasan pumasok si Marie sa paaralan na maga ang mga mata at binalita sa mga kaibigang hiwalay na talaga sila ni Dan.
"Good, irereto ko sayo si Joel. Mabait yon, may pera at hindi maarte. Hayaan mo na yung negrong Dejesus na yon" agad na sambit ni Jenna.
"Sus, puro ka ganyan. Dyan ka magalaing. Reto reto. Hayaan mo sya, wag kang nangengeelam sa buhay realsyon ng iba." biglang sabat ni Jayson kay Marie hanggang nag talo na ng tuluyan si Jayson at Jenna.
Pinakilala na ni Jenna si Joel kay Marie. Pero talagang mahal ni Marie si Dan. Sa sobrang sakit na nararamdaman nya ay madalas syang lumiliban sa mga klase at tumatambay sa library kasma ang ilang kaibigang para lang umiyak ng umikyak.
Nababalitaan naman ng loalang si Mrs. Ruel ang ginagawa ni Marie.
"Anong pinag gagagawa mo sa buhay mo?" Tanong ni Mrs. Ruel kay Marie nung minsang nagkaharap sila ng solo. Nag takha naman si Marie. "Madalas ka daw hindi nag papapasok sa mga klase mo sabi ng mga guro mo. Matalino ka pa naman din daw." pahabol pa nito kay Marie. Hindi umiimil si Marie sa tuwing pinag sasalutaan sya ng mga kamag anak niya. Dahil pag sya ay nangatwiran bastos ang maging tingin sa kanya ng mga ito.
Simula nung umuwi si Marie ng probinsya ay natigil ang paninigarilyo nya pero dahil sa nang yaring pag hihiwalay nila ni Dan ay bumalik sya sa paninigarilyo at lumala ang kanyang pag iinom na ultimo sa loob ng paaralan ay nag dadala sya ng alak para lang uminom. Bumibili sya ng isang maliit na bote ng gin or brandy at hahaluan nya ng soda para hindi mahalatang alak at ipapasok nya sa paaralan. Halos araw araw ay ganuon ang naging gawin ni Marie.
Bigla nag paramdam si Dan kay Marie at kinukuha ang pera nito. "Ibigay mo ang pera nya at isampal mo sa mukha nya" utos ni Jenna sa kanya. At dahil sa sakit na nararamdaman nya agad nya pinuntahan si Dan at isinampala ang pera sa mukha ni Dan. Nagulat si Dan at hinayaan ang mga lumilapad na pera at pumasok nalang ito sa classroom nila.
Kinabukasan habang nag eexam sila Marie ay may pumunta sa classroom nila at ipinapatawag daw sya ng teacher nila Dan. Mga kaibigan ni Dan. Nag tanong ang Lola ni Marie na si Mrs. Ruel kung bakit ngunit walang sumasagot.
Pumunta si Marie sa classroom nila Dan at nagulat sya ng makita ni Marie ang Mama ni Dan.
"Bakit mo ginawa kay Dan yon? Pagkatapos kitang ipagtanggol kay Arianne nung inaway ka ni Arianne tapos ganyang lang gagawin mo sa anak ko?!" Sambit ng nanay ni Dan.
"Kung nag away kayo kailangan ba na ipahiya mo pa sya sa harap ng nga kaklase nya? Kailangan ba sampalin mo sya ng pera sa harapan ng marami?" pahabol pa nito. Nanginglid ang luha ni Marie at hiyang hiya sya dahil sinabihan sya ng ganon ng ina ni Dan sa harap ng mga kaklase ni Dan.
"Sorry po!" sambit ni Marie.
"Apo ka pa naman ng teacher tapos ganyan ka." sabi naman ng teacher ni Dan.
"Sorry po." muling sambit ni Marie. "Wag na sanang mauulit yon!" sabi ng ina ni Dan.
"Hindi na po." sagot naman ni Marie.
Pag balik sa classrom ni Marie. "Anong ginawa mo bakit ka pinatawag ng teacher ng 3rd year? Ang layo-layo non dito sa classroom mo nakaratinh ka doon?" tanong ng lola ni Marie. Agad namang nag kwento si Jenna.
"Bakit ka pumatol sa Dejesus? Alam mo ba na lalaitin at mamaliitin ka lang ng angkan non? Oh ayan ngayon." sabi ng lola ni Marie.
"Ay nakuh ang dami daming gwapo dito sa classroom nyo. Duon ka pag nag hanap. Kung gusto mong lumayo, ang dami naman jan sa ibang section. Tapos yun pa talaga." buglang sambit ng isang guro na andon ng mga oras na yon, isa ringbtyahin ni Marie. "Pano kapit bahay ni doon sa zone3. Ayan!" sagot ng ni Mrs. Ruel.
"Ano kaya nasisira ang pag aaral mo dahil sa lalakeng yon?!" galit na sabi ni Mrs. Ruel kay Marie nung nag abot ito ng test paper na napaharap kay Marie.
Hindi na nakaiimik pa si Marie. Naiisip nalang nya na kakalat na yon sa buong angkan nila.
"Maam wag ka mag alala may irereto ako sa apo nyo na mabait at matalino." birong sambit ni Jenna kay Mrs. Ruel.
"Oh dyan kayo magagaling na magkaka barkada. Puro kayo pag boboyfriend." sagot ni Mrs. Ruel kay Jenna.
"Luh! Bakit ako nadamay? Wala akong boyfriend Maam!" sagot ni Jenna.
"Wala ka nag boyfriend kasi nag break na Jayson!" sagot naman ni Mrs. Ruel kay Jenna.
Lumipas ang araw at binigyan na ni Marie ng chance si Joel dahil sa pagka pagod nya sa kakaiyak. Nag swimming silang mag kakaibigan kasama si Joel. Habang nasa gilid nga pool si Marie at Joel. Kinausap naman ni Mj si Joel "Wag mong sasaktan yang pinsan ko katulad ng ginawa ni Dejesus sa kanya" sabi ni Mj kay Joel. "Wag ka mag alala hindi ko sasaktan ang pinsan mo." sagot naman ni Joel.
Malapit na ang JS prom pero iniisip padin ni Marie ang mga plano sana nila ni Dan para sa JS Prom. Nalulungkot si Marie na dadating ang araw na yon hindi parin sila nagkaka ayos ni Dan at mukhang wala ng silang pag asang maayos pa.
Pero isang araw ay sinagot ni Marie si Joel para ipakita kay Dan na meron na syang bagong boyfriend. Hindi na din pumunta pa ulit si Marie at mga kaibigan sa canteen na kaharap ng classroom nila Dan kung saan sila tumatambay. Para na din maka moveon na sya.
Pero sa gabi pag umuwi si Marie sa kanila ay hinahanap hanap nya ang boses na dumadaan sa harap ng bahay nila na kinakanta at awit na " The world could die and everything may lie still you shain't cry cause time may pass but longer than til last I'll be by your side."
Simulap kasi naging si Dan at si Marie ay palantadaan ni Marie na pag dumaan si Dan sa tapat ng bahay nila na kinanta yon ay ibig sabihin ay uuwi na ito at hindi na lalabs pa ulit, at matutulog na. (Na kinabukasan ay mag rereklamo ang matandang kapit bahay na dumaan si Dan na ang ingay ingay sa gabi dahil kumakanta kanta pa.) Yung din ang senyales ni Dan kay Marie.
Pero nung nag hiwalay sila ay patuloy na nag aabang si Marie na may dumaan na kakantahin yoong mga lyrics na yon. Pero wala ng syang naririnig na ganon. Ni yapak o tunog ng motor ni Dan ay hindi na nya naririnig pang dumaan.
Sinasadya naman ni Dan na dumaan don ng hating gabi na alam nyang tulog na si Marie.
Napagod na si Marie sa kakapuyat ng kakantay sa pag daan ni Dan. At unti unti na syang nasanay at nakalimutan na ito.
Bakas naman sa mukha ni Joel na alam nyang mahal pa ni Marie si Dan pero gumagawa ito ng paaran para mahalin sya ni Marie.
Pero si Marie ay talagang hindi sya magawang mahalin. Dahil nabubryong sya kasama si Joel dahil hindi ito palaimik. Hindi katulad ni Dan na masayang kasama. Sobrang kulit at napapatawa sya sa kakulitan at kalokohan nito.
Isang araw nalasalubong ni Marie ang Lola Betty nya sa kanilang street. Agad na nag mano si Marie. "Bakit hindi ka nalang tumira sa Lola Letty mo. Liligawan ka lang ng liligawan ng mga taga zone3 tapos masisisra lang buhay mo." sambit ng Lola Betty ni Marie. Si Lola Betty ay pinsang buo din ng Nanay Anang ni Marie na kapatid naman ng teacher na si Mrs. Letty Ruel.
Hindi naman naka imik pa si Marie at naisip nyang alam na ng kanyang Lola Betty ang nang yari.
Umuwi si Marie sa bukid sa kanyang Inang Susy at Tatang Tasyo. Habang nag hahapunan,
"Matalino ka pa naman daw sabi ng Lola Letty mo pero nakikipag boyfriend ka lang daw sa Dejesus. Umuwi ka nalang kaya dito kada byernes ng hapon at uuwi ka lang don ng lunes ng umaga. Kami ng bahala sa mga pangngailangan mo." Laking gulat ni Marie dahil kung nalaman ng Lola Betty, ng Inang at Tatang nya ang nang yari malamang alam na ng buong angkan nila at siguradong hindi lang yon ang mga maririnig nya.
At gaya ng lagi nyang ginagawa hindi na sya umimik pa.
"Sige po sasabihin ko po kay Nanay." sambit ni Marie sa kanyang Tatang Tasyo. Habang lalo namang bumigat ang nararamdaman nya, dahil sa bukod sa mahal nya pa talaga si Dan eh nakikitang nyang malabo talaga ang relasyon nila dahil marami ang tutol sa relasyon nila.
At marami pa ngang narinig si Marie sa mga kamag anak nya -"mabuti at nag hiwalay na kayo ng Dejesus na yon." -"Papatol ka don, walang mang yayari sa buhay mo." at kung ano-ano pa nga ang mga narinig nya sa mga kamag anak nya tungkol sa pakikipag relasyon nya kay Dan.
At dumating na ang araw kinakatakot nyang dumating na hindi pa sila nag kakaayos ni Dan. The JS Prom;
On the day of the JS Prom. Tuwang tuwa si Marie na nakitang muli si Dan dahil simula nag hiwalay sila ay hindi na nya nakita pang muli si Dan.
Hindi maintindihan ni Marie ang nararamdaman nyang tuwa pero naiinis sya kasi kahit pa nakita na sya ni Dan ay parang wala itong paki elam sa kanya na parang hindi sya kilala. At ang masakit pa ay nakita nya na may dala si Dan na boquet. Naisip agad ni marie na para ito kay Elise. Si Elise ay ang babaeng may gusto kay Dan na may dahilan bakit nalaman ng mama ni Dan ang pag sampal ni Marie ng pera sa mukha ni Dan.
Nasaktan si Marie ng sobra sa nakita nyang bulaklak na hawak ni Dan kaya yung plano nyang maging maganda ng gabi na yon ay mas lalo nya talagang pinag igihan.
Isang mahabang Streachble Halter backless Navy Blue dress ang inarkila ni Marie. Kung saan lumutang ang napaka kinis at napakaputing kutis ni Marie. At lumabas ang totoong hubog ng katawan ni Marie. Nag pa hair and makeup talaga sya sa salon para masiguro na magiging maganda sya sa gabi na yon. At ipinasoot ng asawa ng tito Ren nya ang mga gold na alahas nito kaya naman lalo sya kuminag sa mga oras na yon.
JS Prom sa school: Sa kotilyon dance ay inaasahan ni Marie na makakaharap nya si Dan para yakapin at kausapin ito, pero nagulat sya na si Jowel na kaibigan ni Dan ang naka harap nya at hindi si Dan. "Nasan si dan?" Tanong ni Marie dito. "Ewan ko!" sagot nito kay Marie. Sa inis ni Marie ay napag buntungan nya si Jowel ng galit at nasampal nya ito.
Matapos non ay sira na ang gabi ni Marie at nakasimangot nalang sya.
Ilang oras na ay wala paring lumalapit kay Marie dahil bakas sa mukha ni Marie ang pagka inis at kilala syang maldita kaya marami din takot na lumapit sa kanya.
ilang sandali pa ay nilapitan na sya ni Jayson ang ex boyfriend ni Jenna, "Tara Mae sayaw tayo!" yaya ni Jayson sa kanya. Parang ayaw sana ni Marie na makipag sayaw dahil gusto nya lang mag antay dahil baka bigla syang lapitan ni Dan.
"Tara pag selosin natin si Dan at si Jenna!" aya pa ulit ni Jayson kay Marie.
Yes gusto ni Jayson pag selosin si Jenna kasi hindi na talaga sila nagka ayos pa at may bago ng boyfriend si Jenna. Si Andrei, si Andrei ay crush na crush ni Marie na nag sabi sa kanyang mas lalake pa daw sya kumilos kesa dito kaya pano sya nito papatulan.