Halos dalawang buwan ng nag tatravel si Marie at Rafael kasama ang mga anak at kapatid ni Rafael na si Blessy.
"Mommy, hindi pa kayo sasama ni Daddy Raf pauwi ng pilipinas?" tanong ng bunsong anak ni Marie na si Macky.
"Yes Macky, marami pa kasi kaming aasikasuhin ni Daddy Raf sa mga negosyo nila Mamita at Papa Ramon eh. Pag natapos lahat ay susunod nadin kami duon." sambit ni Marie.
"Sana next vacation ganto ulit. Ang saya kasi mag travel eh." Wika ni Marou.
"Walang problema. Every vacation nyo sa school mag tatravel tayo. Okay?" wila ni Rafael
"Yehey!" masayang wika ng mga anak ni Marie.
"Sana ako din. Kaso kailangan ko ng mag trabaho sa kumpanya." wika ni Blessy.
"Pwede ka namang mag enjoy muna Blessy. Wag ka mag madali mag trabaho. Bata ka pa naman." wika ni Rafael sa kapatid.
"Unless kaya mong gawin ying ginawa ko na pag sabayin ang pag eenjoy sa buhay habang nag tatrabaho sa kumpanya." pahabol pa ni Rafael.
"Oo kaya nakarami ka ng babae." sambit ni Marie sabay ng pag tawa.
"Well, at least nanawa na ako at sa future nalang natin ang focus ko ngayon." malambing na sambit ni Rafael.
"Mag pakasal na kaya kayo kuya tapos bugyan nyo na ng kapatid si Marou at Macky." wika ni Blessy.
Napalunok naman si Marie na tila mabubulunan sa pinapangas na hita ng manok.
"Dadating tayo dyan Bless, pag hada ng handa na si ate Mae mo." sambit ni Brix na nakatingin kay Marie.
Naka uwi na ng pilipinas ang mga anak ni Marie at kapatid ni Rafael.
"Hi sissy I missed you!" wika si Lalaine nung nag kita sila sa Korea ng mag kita sila dahil sina ni Barron si Lalaine para sa isang ipinapatayo ng Delos-Fabos sa Villareal Builders.
"I miss you too sissy!" sambit ni Marie.
"So kamusta naman? Buti hindi kayo nahihirapan sa mga trabaho nyo sa pilipinas habang nag tatravel kayo at nag tatrabaho din?" wika ni Lalaine.
"Well hindi naman ganon kahirap sissy dahil sa technology. Pero si Rafael uuwi don next kasi may importante syang aasikasuhin doon." sambit ni Marie.
"Hindi ka sasama?" tanong ni Lalaine.
"Yes, because we have inportant meeting. Since wala si Rafael non, I have to be there." sambit ni Marie.
"I see, anyway, may ichichika ako sayo." wika ni Lalaine.
"Oh here we go again. So ano yon? Is it about Kath and Brix again?" sambit ni Marie.
"Wala na si Kath sa eksena. It's about kuya Brix." sambit ni Laline.
"So, how about him?" tanong ni Marie.
"Remember, few month before you leave para sa mga travel nyo na ito eh hindi ka na ginulo ni kuya Brix and the night na nag inom tayo sa bahay, parang wala ng pakielam si kuya Brix sa or sa inyo ni Rafael?!"
"Ow what about that?" sambit ni Marie.
"Kinausap pala ni Daddy and Mommy si kuya Brix na wag ka ng guluhin pa dahil baka magalit si Rafael and parents nya sa ginagawa ni kuya Brix at ialis ang mga projects sa Villareal Builders.
Eh diba nga yung Delos-Fabis ang pinaka bumubuhay sa Builders?
So sinunod ni kuya Brix yon, pero, lagi parin daw yun sya umiiyak na gusti ka nyang mabawi talaga kay Rafael, at pag nabigyan daq sya ng chance hinding hindi ka na nya papakawalan pa." wika ni Lalaine.
"My God Lalaine, ano ba ng yayari kay Brix? Ang tagal ng panahon mag aanim na tao na. Marami syang pwede makilalang magaganda, sexy at bata." naiinis na wila ni Marie.
"Aba malay ko sissy!" sambit ni Lalaine.
"Sa bagay, ganyan naman yang mga lalake na yan eh, nababaliw sila sa babae hanggat hindi nila natitikman, and then pag natikman na nila, babalewalain na nila. Damn!" galit na wika ni Marie.
"Ehdi mag patilim ka, baka sakaling ayawan ka na nya." pilyang wika ni Lalaine.
"Funny!" sambit ni Lalaine.
"Well alam ko namang hindi mo magagawa kay Rafael yon at wala na rin tayong magagawa pa sa nararamdaman ni kuya Brix. Pero wag ka mag alala cause I heared one week na si kuya Brix nakikipag date kay Mia." wika ni Lalaine.
"Sounds great! And her name is such a nice name huh." nangingiting sambit ni Marie.
"Yeah, it's sounds like Mae." sambit ni Lalaine habang natatawa.
"And sissy Mia is from US, nag papatayo ng malaking building para mag sa Callcenter company nya sa Villareal Builders. And take note sissy, single sya at sobrang ganda at sexy. Mas bata sa inyo ni kiya Brix ng tatlong taon."
"Well, that's good to hear, sana nga yun na yung maging dahilan para tigilan na nya ako noh. Ako ang unang unang tao na magiging masaya para sa kanya." sambit ni Marie.
Makalipas ang tatlong buwan simula nag kita si Marie at Lalaine sa Korea.
"So ano nang balita dito mga siss?" malakas na salita ni Marie pag bukas nya ng pintuan ng kanilang opisana sa main branch ng kanilang resto-bar.
Nagulat si Lalaine at Gizelle at nag sigawan sila. Mabilis silang lumapit agad sila kay Marie para yakapin ito.
"So, buti naman dumating ka na sissy, namimiss ko na yung pag papasalon at pag sashopping natin together." wika ni Gizelle.
"Talaga ba sissy? Parang hindi naman yan totoo kahit enjoy na enjoy ka nga na kasama mag shopping at mag pasalon si Mia eh." pang aasar na wika ni Lalaine kay Gizelle.
"Syempre alangan naman hindi ko pakisamahan yon eh girlfriend ni Brix yon. Pero si Mae padin yung bestfriend ko." sambit ni Gizelle.
"Oh tama na yan. Ito pasalubong ko para sa mga paborito kong chismosa." wika ni Marie.
At agad na binuklan ng dalawa ng mga pasalubong ni Marie sa kanila.
Sa pag balik ni Marie sa opisina:
"Hi Maam, kamusta ang trabaho outside the country?" tanong ng sekretaya nyang si Rea.
"All good. Eh dito kamusta?" tanong ni Marie.
"Ayos naman din lahat Maam." sagot ni Rea.
"Good! So, may meeting ako today?" tanong ni Marie.
"Yes Maam with Villareal Builders po." sambit ng sekretarya.
"Oh why? Wala ba si Lance?" tanong ni Marie na may pag tatakha dahil simula pa bago siya umalis ay hindi na sya pinapaharap ni Brix sa meeting with Villareal Builders para hindi sila magkaharap ni Brix.
"Wala Maam eh, nanganak kasi yung asawa ni Sir Lance." sambit ni Rea.
"Ah talaga. Wow daddy nanaman si Lance. Anyway, wag mo na ako tawaging Maam, Mae nalang. Sige pupunta na ako sa conferenceroom." wika ni Marie.
Pag pasok ni Marie sa conferenceroom ay nakita nya ang maamo at maaliqalas na mukha ni Brix.
"Hi!" masayang bati ni Brix.
"Hello, you look good!" masayang sambit naman ni Marie.
"Why? Hindi ba ako gwapo dati?" pilyong tanong ni Brix.
"Ha ha, oo dati ka ng gwapo what I mean is, you look happy." komportableng sambit ni Marie.
"Oh really? Maybe because I'm inlove." mayabang na sambit ni Brix na kaswal na kaswal ang pakikitungonkay Marie hindi tulad noong nag kausap sila.
"Oh cool! So, who's the lucky girl?" wika ni Marie na tila ba walang nang yari sa mga nag daang panahon.
"Mia, her name is Mia, she's nice. You should meet her. Mag kakasundo kayo non." sambit ni Brix.
"Sure, if theres a chance why not." wika ni Marie.
"So, let's start with the meeting." wika ni Marie.
Nang matapos ang meeting nila ay agad na nag paalam si Brix kay Marie.
"Thank you so much for this meeting, I have to go, Mia is waiting for me. Ichecheck namin yung Building na tinatayo ng Villareal builders for her business." wika ni Brix.
"Sure, you can go." sambit ni Marie na masayang nakikita ang saya sa mata ni Brix.
"So hows the meeting with Brix?" pang uusisa ni Gizelle.
"Well, okay naman. Mukhang inlove at masaya sya. I am so happy seeing him like that." sambit ni Marie
"He should because Mia is very nice Lady." sambit ni Bernard.
"Close nga agad ni Mom and Dad eh." sambit naman ni Barron.
"Anyway, where Rafael?" tanong ni Bernard.
"His on his way na." sambit ni Marie.
"Oh dude, I missed this." wika ni Rafael ng dumating sa isang branch resto-bar nila kung nasan sila Marie.
"Yes dude. Parang busy ka masyado ah." sambit ni Bernard.
"Oo alam mo naman matagal kaming nawala ni Marie. At kahit umuuuwi uwi ako dito eh napaka raming kong hindi naasikaso. Kaya ito ngayon pating patong ang dapat gawin." paliwanag ni Rafael.
"Mommy Berna!" masayang wika ni Marie ng dumating siya sa bahay ni Bernadette.
"Hi iha. I miss you so much!" masyang sambit ni Bernadette sabay yakap ng mahigpit kay Marie.
"Namiss din kita sobra." sambit ni Marie.
"Hay nakuh, ang Mommy Berna mo, nakuh nag tatampo na yan. Kasi ilang hakbang lang papunta dito galing sa bahay ni Bernadette eh hindi ka man lang makasaglit dito." wika ni Juan.
"Ahhhh, Mom, maraming trabaho. Kaya nga andito na ako ngayon eh." wika bi Marie at nag lambing kay Bernadette.
"Anyway, this is Mia." pag papakilala ni Bernadette kay Marie.
"Oh hi!" bati ni Marie sabay beso.
"Hello, I hear a lot about you." sambit ni Mia.
Agad namang ngumiti si Mia.
"Naichismis na ba nila ako sayo?" naka ngising wika ni Marie.
"Yes, but don't worry lahat naman ng sinasabi nila about eh magaganda." sambit ni Mia na naka ngiti din kay Marie.
Bumababa naman si Brix sa hagdan ng makitang magkausap ni Marie at Mia.
"So magkakilala na kayo?" nakangiting wika ni Brix.
"Yeah, and she's pretty!" sambit ni Marie sabay beso kay Brix pag baba nito.
Umupo sila sa sofa kasama ang buong Villareal at nag kwentuhan.
"By the way where's Rafael." wila bi Brix na nag tatakha na ilang oras ng naroon si Marie ay hindi dumadating.
"Wala nasa palawan eh. May inasikaso doon." sambit ni Marie.
"I see!" wika ni Brix na nag tatakha parin dahil alam nyang hindi ugali ni Rafael ang mag trabaho sa araw ng sabado at linggo kahit gaano pa ito kaimportante.
"Napakarami naman na kasi ng negosyo nilang dapat asikasuhin ni Rafael. Mabuti nga't sya na ang nag aasikaso ng lahat kahit pa hindi na parte ng trabaho nya." wika ni Juan.
"Hayaan mo na iha. Para sa inyo rin iyon." wika naman ni Bernadette.
"You know what we should go out together, let's go out shopping sometime." wika ni Gizelle kay Marie at Mia.
"Sound cool!" tugon ni Mia.
At madalas na ngang nag kakasama nila Marie si Mia sa mga lakad nila.
"Mukhang close na kayo ni Mia, babe ah." wika ni Rafael.
"Oo babe, Mia is so nice. She's kind, she's sweet, she's perfect. Dapat makilala mo sya kaso lagi ka kasing busy eh." sambit ni Marie.
"Madalas din kayo nag kikita ni Brix?" tanong ni Rafael.
"Yeah, we're good. I mean, parang normal na magkaibigan lang. Ang saya nga eh." sambit ni Marie.
"Alam ba ni Mia yung nakaraan nyo ni Brix?" tanong pang muli ni Rafael.
"Yes, she knows all it. Pero wala lang sa kanya, actually natutuwa nga sya na close padin ako sa mga Villareal at natutuwa sya na okay na kami ni Brix, para masaya daw." sambit ni Marie.
"Wait nag seselos ka ba?" tanong ni Marie sabay tingin sa mukha ni Rafae habang naka kulong sya sa braso nito habang naka upo sila sa isang malaking sofa sa salas ng bahay nila Rafael.
"No, nag tatanong lang ako kasi baka katulad din ni Kath yang si Mia." sambit ni Rafael.
"No babe, malayo." maiksing sambit ni Marie.
"Okay, good!" sambit ni Rafael sabay yakap nito at halik sa ulo ni Marie.
Sumama minsan si Rafael sa lakad ni Marie, sa isang bar sa Quezon City.
"Hi Rafael, buti naman nakasama ka ngayon." bati ni Gizelle.
"Sorry guy lagi talagang busy." sambit ni Rafael.
"Wow nakumpleto din ang tropa. Matagal tagal na din ah." masayang wika ng kaibigang si Jacob sabay akbay sa mga kaibigang si Brix at Rafael.
"Masaya na tayo ulit. Ayos!" masayang sambit din ni Barron.
At lumipas ang panahon na nag kakasama sama na sina Bernard, Gizelle, Barron, Lalaine, Jacob at asawa nitong si Iza, Brix, Mia, Rafael at Marie.
----Si Iza ay nag punta sa isang mall sa BGC taguig ay nagulat sya ng makita si Rafael. Pero ang mas ikinagulat nya at may kasama si Rafael na medyo batang magandang babae. Sa una ay hindi nya lang pinansin kasi baka kameeting lang iyon ni Rafael sa mga negosyo ng Delos-Fabos, pero ng makita nyang hinawakan nito ang babae sa bewang at hinalikan sa labi ay nagulat talaga sya. Nang maka uwi ito,
"Ang tagal mo babe." wika ni Iza pag pasok ng asawang si Jacob sa pintuan ng kanilang bahay.
"Huh? Ganitong oras naman talaga ang dating ko ah." nagtatakhang tanong ni Jacob sa asawa na ngayon lang sya inantay ng ganoon ng asawa.
"Why? May nang yari ba? Nasan mga bata?"
"Nasa taas sila nag lalaro ng PS4 nila." sambit ni Iza.
"Oh, eh bakit ka nag kakaganyan?" nag aalalang tanong ni Jacob.
"Si Rafael, nakita ko sya sa SM Aura, may kasamang babae parang mga 25years old palangbyung babae." sambit ni Iza.
"Ano ka ba, baka kameeting lang yon ni Rafael. Hindi magagawa ni Rafael kay Marie kung ano man yan iniisip mo." sambit ni Jacob.
"Kameeting hinawakan sa bewang at hinalikan sa labi?" sambit ni Iza.
Nagulat si Jacob at napatingin sa asawa.
"Huwag mong sasabihin kay Marie yan or kahit na kanino kay Gizelle at Lalain, babe. Sigurado magagalit ang mag kakapatid na Villareal kay Rafael. Tsaka pag nalaman ni Marie yan baka anong gawin non sa sarili nya. Remember kay Brix noon kahit hindi naging sila eh parang papakamatay na si Marie. Lalo pa kaya ngayon na matagal na sila ni Rafael, magkasama na din sila sa bahay."
"Sige Babe." sambit ni Iza.------
---"Hi hon!" isang pamilyar na boses ng lalake sa pandinig ni Brix habang nasa meeting sya sa isang restaurant na tila umupo sa kanyang likuran.
Unti-unti syang lumingon sa likod nya at nakitang si Rafael ang lalaking umupo sa upuang sa kanyang likuran na may malaking Base na pagitan sa inuupuan nya.
Nakita ni Brix ang babaeng naka upo roon sa lamesang yon at sigurado syang hindi si Marie yon.
Pumunta si Brix sa restroom na pwede nyang matanaw ang dalawa na nakaupo sa likuran nya mula sa tinatayuan sa may pintuan ng restroom at kinunan ng larawan ang mga ito.
Gustong sugurin nito si Rafael. Nagagalit sya sa nakikita.
Bumalik sya sa lamesa nila ng mga kameeting nya at tinapos na ang meeting. Pero bago pa matapos ang meeting ay naka alis na sina Rafael at kasama nitong babae.
Nang sumunod na araw ay tinawagan ni Brix si Jacob apara ayaing mag basketball sa court sa subdibisyon nila pag labas nila sa kanilang mga trabaho.
"Oh anong meron?" tanong ni Jacob ng marating ang court na andoon na si Brix.
"Wala laro lang, tara na." sambit ni Brix.
Dinampot ni Brix ang bola at pinasa kay Jacob.
"Ano ngang meron?" pangngulit ni Jacob.
"About Mae." sambit ni Brix.
"What? Mae or Mia?" tanong ni Jacob na tila sinisigurado na tama ang narinig nya.
"Marie." sambit ni Brix
"Oh, what about her?" tanong ni Jacob na medyo kumabog ang dibdib
"Don't tell mahal mo padin si Mae? Akala ko ba mahal mo na si Mia? Masayang nga kayong dalawa eh."
"I saw Rafael yesterday with other girl." wika ni Brix.
"Are you sure si Rafael ang nakit mo?" tanong ni Jacob na walang kahit anong pag ka gulat na emosyon.
"Yes, I have proof. Pinicturan ko sila." sambit ni Brix at lumapit sa upuan at dinampot ang cellphone.
Ipinakita nya ang picture kay Jacob na talaga namanh sweet na sweet sa mga larawan ang kaibigang si Rafael at kasama nitong babae.
"Two weeks ago nakita ni Iza si Rafael sa SM Aura na may kasamang batang babae na parang 25years ol daw. I'm not sure kung yan yon." wika ni Jacob.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ni Brix.
"Dude, hindi naman ako sigurado eh. Buti kung may ganyan din na pinakita si Iza sakin." sambit ni Jacob.
"So anong plano mo? sasabihin mo kay Marie?"
"I don't know. I don't know pano ko sasabihin kay Marie." malungkot na sambit ni Brix.----
"Wala nanaman si Rafael ah, napapadalas na ang pag kabusy sa trabaho non ah." wika ni Gizelle.
"Marami parin bang inaasikaso si Rafael? hindi parin nya natatapos mga naiwan nyong trabaho nung nag travel kayo?" mga tanong ni Bernard
"Ewan ko ba don iniwan ko sa opisina kanina marami pa daw syang gagawin." sambit ni Marie.
Napapalunok lang naman at walang imik si Jacob, Iza at Brix.
"Sinabi ko naman kung saan tayo eh, susunid nalang yon." wika pa ni Marie.
Nang natapos na ang inuman nila ay hindi na dumating si Rafael.
"Brix, mag east ave ako, tapos VLuna tsaka ako mag kakalayaan." pag papaalam ni Marie ng dadaanan nya pauwi.
"Sige susundan ka nalang namin." sambit ni Brix at pinag bukasan ng pinto si Mia.
"Ang cute nyo talaga ni Marie, para kayong bestfriends." wika ni Mia na mahigit isang taon ng girlfriend ni Brix.
"Oo nga eh, hindi ko akalain na magiging ganto kami ngayon. And that's because you came in to my life." sambit ni Brix habang nag mamanehi at nakasunid lang kay Marie.
Biglang huminto si Marie at napabusina na naman sa gulat si Brix.
Nakita ni Marie ang sasakyan ni Rafael na naka park sa isang apartment na nadaanan nila sa VLuna.
Nag tataka si Marie kung anong ginagawa ng sasakayan ni Rafael roon.
Bumaba sya ng sasakyan para siguruhin sasakyan ni Rafael ang naroon.
Bumaba rin naman sina Brix at Mia ng sasakyan ni Brix.
"Mae, let's go." aya ni Brix.
"Sasakyan ni Rafael to, anong ginagawa nito rito." wika ni Marie.
"Let's go, gabi na baka ipinahiram lang ni Rafael sa mga empletado nyo. Alam mo kung gaano ka generous si Rafael." sambit ni Brix.
"Yeah baka nasa bahay na yon. Let's go." wika ni Marie.
Pagdating nya ng bahay nila Rafael ay wala roon si Rafael at sa dami ng sasakyan ni Rafael ay yung sasakyan lang na yon ang wala roon.
Hindi na nya inisip pang tawagan si Rafael.