Lumipas ang panahon na hindi na muli pang nag kita si Marie at Vin kasi hindi talaga nag punta pa si Marie sa mga lalad ng barkada nila.
Nag kakasalubing madalas si Jace at Marie pero hindi nawala ang pag kakaibigan nila. Pag nakikita ni Jace si Marie na maraming dala ay tinutulungan nya ito at nag kakaroon sila ng konting kamustahan at kwentuhan. Well di naman mapag kakaila na naging malapit talaga ang dalawa nung naging si Vin at Marie.
Muling nauwi ng probinsya si Marie. Nag tataka sya na parang walang sumusulpot sa kanila na Dan. "Wala na. Hindi mo na sya makikita. Nasa abroad na." Sambit ng pinsan ni Marie na si Mj. "Ah ehdi mabuti." sagot naman ni Marie.
Pag lipas ng panahon nag 30 years old na si Marie at naisip nya na nag kakaedad na sya. At hindi na sya pwede pang mag promogirl. Nahinto na din sya sa pag tatalent sa tv at kailangan na nyang ayusin ang buhay at career nya. Hindi sya nakatapos ng kolehiyo dahil sa problema pinansyal dahil sa pag iwan sa kanila ng kanyang ama dahil sa babae. Kaya pinasok nya ang pagiging callcenter agent. At nang mga panahon nag sisinula sya sa kanyang career ay sinubok sya ng panahon nagkaroon nanaman ang pamilya nya ng isang malaking pag subok. Pumanaw ang pinaka mahalagang lalake sa buhay ni Marie.
Ang kanyang ama. Labis nyang ikalungkot ang nang yari.
At biglang syang nag karoon ng komunikasyon sa ilang mga lalakeng nalapit sa buhay nya na naging libangan naman nya upang mapawi ang mga lungkot na nararamdaman nya.
Biglang nag karoon muli ng komunikasyon si Marie kay Vin. Malinaw kay mari na pakikipag kaibigan lang kung bakit hinayaan nyang muli silang magkaroon ng kominikasyon ni Vin. Dahil para sa kanya ay hindi lang naman sila nagkaroon ng relasyon ni Vin. Pra sa kanya ay naging matalik nya rin itong kaibigan. Masaya si Marie na nagkaroon muli siya ng pag kakataon na magkausap ni Vin lalo ng mga panahong iyon. Dahil si Vin ang naging sandalan nya nung panahon na magkarelasyon pa sila na dumadaan sa problemang pamilya si Marie.
Nag tatawagan sila, nag kakatext at nag kakachat. "Pwede ba maging tayo ulit?" chat ni Vin kay Marie. "Baliw ka ba?! Hindi pwede." reply ni Marie kay Vin.
"Mahal parin naman kita." reply ni Vin kay Marie. "Kahit mahal mo pa ako hindi na pwede ang gusto mo. Kung ipipilit mo yan, hindi na kita rereplyan pa." muli namang reply ni Marie.
Masaya si Marie habang nakaka usap si Vin pero meron sa puso nyang sinisigaw na mali na nakikipag usap pa sya kay Vin.
Si Vin naman ay maayos ang pakikipag komunikasyon sa kanya. Hindi ito nag tetext ng anumang alam ni Vin na ikakainis ni Marie. Puro lang kwentuhan at kamustahan ang usapan nila kaya dumalas dalas ang usapan nila.
Naninibago si Marie sa mabait na pakikitungo ni Vin sa kanya.
"Anong nakain mo bakit parang ang bait mo yata sakin ngayon?" minsang tanong ni Marie kay Vin.
"Mabait naman talaga ako sayo." sagot naman ni Vin.
"Hello! I know you, right? Hindi ka ganyan sakin." sagot ni Marie.
"Matigas lang ulo mo kaya akal mo hindi ako mabait sayo." sagot din ni Vin. "Kung marunong ka lang sumunod sakin hindi naman kita aawayin noon noh" dugtong pa nito.
Hanggang tadhan na ang nag tigil sa kanilang dalawa. Dahil sa sobrang walang panahon si Marie na sumagot sa kahit anong tawag, text o chat ng mga panahong na iyon dahil sa pag aasikaso sa nang yari sa ama nya.
Nagkaroon din si Marie ng komonikasyon sa mga naiwang kaibigan sa probinya dahil sa socialmedia. Nag kakwentuhan si Marie at ang mga kaibigang nito.
"Alam mo ba na selos na selos si Jenna sayo dati." wika ni Jayson kay Marie.
Ramdam na yon ni Marie noon pa pero binabalewala nya lang yon kasi malapit lang talaga sila ni Jayson noon panahon na mag kakalase pa sila.
"Ay oo nga. Oo alam ko yon!" sambit naman ni Rolly na malapit kay Jenna at Jayson.
"Sabi ko na nga ba eh. At sabi ko na nga kaya nya sinira realsyon namin ni Dan dahil sa selos nya eh." sagot ni Marie kay Jayson.
"Baliw talaga yon. Ano akala nya may realsyon tayo? Lagi tayo mag kakasama kung hindi kayo magkasama kami ang magkasama. Bakit ganon ang iniisip nya. At alam nya naman kung gano ko kamahal si Dan eh." wika pa ni Marie kay Jayson.
Pero dahil tapos na yon ay binalewala na ni Marie ang nalaman.
Nag karoon din si Marie ng komunikasyon sa kauna unahang kinahumalingan ni Marie si Jv. Si Jv ay dumadaan noon sa problemang pamilya. Sa asawa nya. "Musta?" halos dalawang buwan bago nabasa ni Marie ang messafe ni Jv. Pero bagonnya pa ito nabasa ay nagkaroon na sya ng komunikasyon sa bestfriend ni Jv na si Wil. Muling nag paparamdam ng panliligaw si Wil kay Marie ngunit binalewala ito ni Marie dahil kilala na nyang babaero si Wil.
"Ok lang ikaw musta? nakaalala ka yata? Pasensya na kakabasa ko lang ng chat mo." reply ni Marie sa message ni Jv ng mabasa nya ito.
"Hindi mo na talaga ako pinapansin porket mas maganda ka na ngayon." reply ni Jv sa kanya.
"Sira busy lang kasi kaya hindi ako nakakareply sa mga nag chachat sakin. Natabunan na din chat mo eh. Tsaka nasan banda ang ganda?" reply naman din ni Marie. Hanggang nakwento na ni Jv ang kanyang pinag dadaanan sa asawa nya.
Naging saksi si Marie sa pagkalungkot ni Jv sa mga nag yayari sa buhay nito. Naging iyakan sya nito. Sabihan ng mga pinag dadaanan. "Maka move-on lang ako kay Jill, gusto ko ikaw nalang mahalin ko dahil lagi kang andyan para sakin." wika ni Jv kay Marie. "Loko ginagawa ko to kasi pinag daanan ko din yan. Ang hirap na dumadaan ka sa ganyan na wala kang nasasabihan ng problema mo." sagot ni Marie kay Jv.
Tumagal ang kanilang komunikasyon na nahuhulog na muli ang loob ni Marie kay Jv pero alam nya sa sarili nya na nagiging libangan lang sya nito dahil sa pinag dadaanan nito. "Maraming salamat talaga ah. Kung wala ka malang nababaliw na ako.Salamat kasi gindinka napapagod na pakinggan at damayan ako." wika ni Jv sa kanya. "Wala yon." kilig na sambit ni Marie. Nung mga panhin na yon ay sobra sobrang saya ang nararamdaman ni Marie dahil sa wakas ay kinailangan ndin sya ni Jv at ang sarap sa pakiramdam nya na nakakarinig sya ng mga ganun mula kay Jv. "Gusto ko ng maka move-on kay Jill para pwede na kitang mahalin." sabi ni Jv kay Marie. Gustong gusto namang umasa ni Marie pero alam nyang mali kung aasa nanaman sya muli rito dahil nasaktan na sya nito.
habang tumatagal ay ginugusto na ni Marie ang umasa sa mga sinasabi ni Jv. Pero bigla nalang hindi na ito nag paramdam sa kanyan. Hinayaan nalang ni Marie dahil ganuon naman din yung nung highschool sila bigalang mag hindi mag paparamdam tapos bigla din namang mag paparamdam ulit. Nagulat nalang sya ng makita nya ang post ni Jv sa isang socialmedia na may kasama ng babae. -"naka moveon na pala sya kay Jill." nakangiting sabi ni Marie sa sarili, pero may kirot sa puso nya na iniisip nyang hindi manlang ito nag sabi sa kanya, maiintindihan naman nya. Hanggang nag paramdam ngang muli si Jv kay Marie, pero binalewala na ito ni Marie.
Nang minsan naman na si Marie ay nangangalkal sa social media ay nakita nya si Dan. She followed Dan at nagulat sya na bigla itong nag message sa kanya agad-agad.
"Musta?".- "Ok lang. Ikaw musta?"
Tumagal ang kominikasyon ni Dan at Marie na nagkaroon sila ng linaw at sagot sa mga bagay na matagal na nilang gustong linawin na mga tanong sa sarili nila.
"Kung hindi lang tutol ang mga kamaganak mo sa akin sana tayo ang nagkatuluyan. Sana kung ano nararanasa ng asawa konngayon ay ikaw sana ang nakakaranas non." sambit ni Dan kay Marie habang sila ay magkausap thru socialmedia app. Si Marie ay naka ramdam ng kilig pero lungkot sa kanyang puso. "Kaya ako nag sikap ng ganito para ipakita sa mga kamag anak mo mali sila ng iniisip sa akin na kata kong magbago." rugtong pa ni Dan kay Marie. Si Marie ay naluluha sa mga naririnig nya. Sa tuwing si Marie at Dan ay magkausap nakikita ni Marie ang saya at ngiti sa mukha ni Dan.
Nagtagal pa ang kanilang komunikasyon. Madalas ay nakakatulog na sila parehas pero tuloy parin videocall nilang dalawa. Nang tumagal pa ang kanilang komunikasyon ay marami pa silang nalaman sa isat isa patungkol sa mga pinagdaanan nila sa kanilang relasyon non. Naipaalam ni Marie na wala talagang alam si Marie sa sinabi ng kaibigang si Jenna kay Dan. Nalaman din ni Dan na sobra ang hirap at sakit na pinag daanan ni Marie nung nag hiwalay silang dalawa.
Nung minsan na nanunuod naman si Dan ng balita sa TV habang sila ay magkausap "Dapat sa mga r****t na yan pinapatay eh." kumento ni Dan sa balita. "Wow pakabait naman pala nyan." Sambit ni Marie. "Syempre ah! m******s lang ako pero hindi ako rapist." sambit ni Dan sabay malakas na tawa. Natawa lang din si marie.
"Bakit totoo naman ah. Bakit nung tayo ba minanyak ba kita?! Hindi naman diba? Nirespeto kita,ginalang kita!". Bigkas ni Dan kay Marie.
"Oo nga!" sagot ni Marie kay Dan.
"Nung tayo pag magkasama tayo at mag kayakap anong nararamdaman mo?" bigla nalang natanong ni Marie kay Dan.
"Libog!" mabilis na sagot ni Dan sabay malakas na tawa. "Luh?!" sagot ni Marie. "Hindi noh. Nirespeto nga kita ginalang kita eh. May kahit ano ba akong ginawa sayo habang yakap kita? Syempre sarap sa pakiramdam na kayakap kita. Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko yung tanong mahal ko." mga wika ni Dan kay Marie na tila ba isang napaka gandang awitin sa pandinig ni Marie.
"Bakit ikaw anong nararamdaman mo pag magkayakap tayo noon? Libog?" tanong din ni Dan kay Marie. " Hahaha baliw! Syempre pag kayakap kita ang sarap sa pakiramdam. Kasi mahal kita. Feeling ko safe ako tsaka hindi ko na naiisip non yung pagalit na maritinig ko kais ginabi na ako ng uwi." sagot ni Marie kay Dan.
Alam ni Marie na inip lang ang nararamdaman ni Dan kung bakit ito nakikipag usap sa kanya dahil na sa malayo si Dan sa pamilya nya at si Marie lang ang gising ng mga oras na gising sya at nag tatrabaho.
Sa tagal ng kominikasyon ni Marie at Dan na umabot na ng ilang buwan hindi nananawa si Marie kausap si Dan. At natutuwa pa nga sya na nalalaman ni Dan yung mga gusto nya ipaalam noon rito. At nalalaman nya din yung mga gusto ipaalam ni Dan sa kanya. "Hindi ko kinukuha sayo yung pera ko sayo noon. Mahal kita at di ko ugali yon." nabanggit ni Dan habang magkausap sila ni Marie. Naalala ni Marie ang mga pang yayari.
Sa tuwing magkausap si Marie at Dan ay kita ni Marie ang magagandang ngiti ni Dan na alam nyang kilig ang nararamdaman nito. Si Dan rin naman ay laging sinisita si Marie dahil sa mga ngiti rin nitong may kilig.
Hanggang di tumagal ay dumalang na ang kominikasyon nila at hanggang tuluyan na ngang natigil. Hinayaan na ni Marie tutal marami naman ang tutol sa pag kakaroon nila muli ng komunikasyon. Tulad nalang ng ina ni Marie na.
"Ganyan ka naman lagi eh, si Vin ayaw na ayaw mo. Galit na galit ka pero alam mo ba na ganun lang sya mag salita sakin kasi sobrang tigas ng ulo ko at pasaway ko sa kanya. At alam mo ba na nag hiwalay kami na Virgin ako." nakangiting mga sambit ni Marie sa ina pero sa loob ay may halong inis.
-si Marie ay sadyang matigas ang ulo, dala ng oag rerebelde sa buhay pamikya nila pero kahit ganuon ay alam nya ang limitasyon nya sa sarili niya. May mga bagay sya sinusubukan pag nasasaktan sya pero hindi bibig sabihin nito ay lahat na ng bagay ay kaya nyang gawin lalo kung ikaka sira na nag buhay nya.
At tuluyan ng nawalan ng komunikasyon si Marie kay Dan. Nakikita naman ni Marie na maayos ang relasyon ni Dan sa pamilya. Ipinag darasal nalang ni Marie si Dan.
Si Marie ay naging libangan na ang pakikipag komunikasyon sa mga nakaraan nya. Pero dahil sa pagka busy sa trabaho ay naputol na ang kahit anong komunikasyon nya sa kahit na sino sa kanyang nakaraan. At natuto sya na nindi dapat sa ganoong paran nya nililiban ang sarili nya. Mas maraming paraan para malibang sya.
Nag focus nadin si Marie sa mga bagay na dapat nyang pag laanan ng panahon.
Namumuhay na si Marie ngayon ng masaya sa mga taong naka paligid sa kanya. At nalikibang sya iba't ibang activities na gunagawa nya.
Sa ngayon ay ayos naman na si Marie at natutunan nyang maging masaya na wala ang kahit na sino para lang sya aya mapasaya at malibang sa mga problemang pinagdadaanan nya.
Nalaman din nya na kahit anong pilit mo sa isang bagay, tao o nararamdaman mo kung hindi para sayo ay hindi para sayo. Lalo kung hindi ito tama.