RALD JAMES GONZALVO Sinubaybayan ko lahat ng lakad nina JM at ng babaeng yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng JM na yun at dinala niya pa talaga sa kanyang Penthouse--! I cursed and gritted my teeth when I saw someone spying them, too. Nakatakip ang mukha kaya hindi ko makilala. Pero sigurado akong kasabwat ng babaeng yun. Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko, tinambangan si JM, binugbog, halos muntik ng mamatay! Pero tila hindi naman nadala kasi no'ng gumaling na, ayon... boang pa rin. “I love her--” “Sucks--lintik na pag-ibig 'yan!” inis na bulyaw namin sa kanya. We were inside his office in DCC Corp here in New York City. “Baka nakakalimutan mong muntik ka ng mamatay dahil sa babaeng yun!” “Ni hindi ka nga madalaw no'ng naghihingalo ka na sa Hospital. Dapat pala

