Kumalas sila sa pagkakayakap at tumayo si Veichleo kasabay ng paghawak niya sa sugat ni Eliza "Prosorinì anadíplosi (Temporal Rewind)" at naglaho ang mga sugat niya sa isang iglap lang. At hindi lang 'yon dahil naging malaya narin kaming gumalaw at nagpatuloy sa paglalaho ang mga katawan nila Rius. Naglakad si Veichleo papunta sa harap ng mga Wizard na malapit ng maglaho. Pero kaagad siyang pinigilan ni Eliza "V-Vei! A-alam kong binabalak mo! Alam kong binabalak mo silang buhayin--wala ng pag-asa Vei. Matagal ng patay ang mga katawan nila. Kapag binuhay mo ang napakaraming Wizard na 'to, b-baka maulit lang ang lahat" Biglang hinawakan ni Veichleo ang kamay ni Eliza "Magiging okay lang ang lahat. Magtiwala ka sa'kin, Eli. Hindi ko hahayaan na maulit ang mga pagkakamali ko nuon" nakangitin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


