Isa lang siyang simpleng babae pero isa siya sa mga taong tinitingala ng napakaraming tao lalo na ng mga kabataan na katulad ko.
Isa siya sa 10 Legendary Wizard o ang mga 10 Ranking Wizard dahil sa lakas na taglay niya. Pero bigla siyang naglaho isang araw .. isang linggo bago nagsimula ang Death Game.
--
Lio's Pov
Isang araw na inaakala kong tahimik at payapa kong buhay ay biglang nasira.
Ang pangyayaring hindi ko inaasahan, nangyayari na sa aking harapan.
Sa hindi namin malaman na dahilan lahat ng Wizard at ang mga hindi wizard o ang mga normal na tao lamang ay sapilitang napunta sa isang iglap lang sa kakaibang lugar na kakaiba ang kalangitan. Kalangitan na tila lalamunin kami ng buhay.
"'Paano ako na punta dito?' 'Bakit ako nandito?' Mga tanong na paniguradong tumatakbo ngayon sa mga isipan niyo" lahat kami ay may takot na tumingala dahil sa isang boses. May isang taong nakalutang sa langit, nakahood na black na nasa taas ng isang building na may kampana. Boses ng isang babae ang tinig niya kaya nakakasiguro ako na babae siya at dahil narin siguro sa hugis ng kanyang katawan. At hindi lang 'yon ang napansin ko sa kanya, ang aura na 'to .. ang mahika na nararamdaman ko na nagmumula sa kanya ngayon .. at ang boses niya, pamilyar sa'kin lahat ito.
Lahat nagtinginan sa kanya ng may pagtataka ngunit may kahalong takot at pangamba, hindi ko sila masisisi dahil lubos kong naiintindihan ang nararamdaman nila ngayon, dahil sa mga oras na 'to, walang pinagkaiba ang nararamdaman ko sa nararamdaman nila... "S-siya ba ang nagdala sa'tin dito? Sino siya? A-anong kailangan niya sa'tin?" Tanong ng mga tao sa paligid na halos magpasimula na ng ingay.
Ang iba, nagtatangkang tumakbo palayo ... pero saan ang daan?
Napapalibutan kami ng mga nagtataasang mga pader na imposibleng maakyat at masira ng pwersahan.
Tumunog ang kampana reason para matahimik ang mga tao sa paligid, hanggang sa ang tanging naririnig na lamang namin ay ang napakalakas na tunog ng kampana at halos gusto ring sumabay sa pagkabog ang dibdib ko.
Unang pangungusap palang gusto ng tumaas ng mga balahibo ko at gusto ng umatras ng mga paa ko .. nakaramdam na ako ng mas matinding takot mula rito "Ako si Eliza, o kilala bilang isang Dark Wizard. Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit kayo nandito. Napapansin niyo naman siguro ang paligid sa mundo na kinatatayuan niyo ngayon. Mundong binalot ng krimen at mas matindi pa sa impyerno. Mundong kinatatayuan ng mga taong mas matindi pa sa mga Demonyo kung pumatay. Pumatay na mistulang hayop lang ang pinapatay nila. Pero ang tanong bakit nga ba nagkaroon ng Mahika ang isang tao? Bakit nabuhay ang Wizard sa mundo? Para pumatay? Para gumawa ng krimen? Binigay sa'tin ang Mahika para sa maraming dahilan pero isa lang ang malinaw sa'kin ... nabuo ang Mahika para wasakin ang kasamaan"
Lahat ng mga tao seryosong nakatingin sa kanya habang seryosong nakikinig.
"Ang mundong kinatatayuan niyo ngayon, ay ang bagong mundo ng EnCharmzia. Ang mundo ng Mahika. Ang mundo kung saan nabubuhay ang napakaraming nilalang. May Dungeon akong nilikha na may 100 Floor na kailangang maclear ng kahit ng isang tao, na itatalagang Hero of The World of EnCharmzia para mawasak ang Sphere na bumabalot ngayon dito na pumipigil sa inyo para makabalik kayo sa totoong mundo ng EnCharmzia .... Ang mga former RW o ang mga Ranking Wizard, dahil sa pinamalas niyong kagalingan sa Rank Session ay hindi ko kayo pipigilan na gamitin ang mga RW Void niyo na nagsesenyales na kasama kayo sa Ranking. At sa mga other players, do your best. Hindi ito simpleng laro, nakataya dito ang buhay niyo. I'll grant wishes sa taong makakatalo sa'kin. At bago ko tapusin ang anunsyo ko, nais ko kayong balaan, magiging parte ako ng larong 'to kaya naman.... huwag niyong uubusin ang pasensyang natitira sa' kin" bakas sa mga labi niya ang isang napakalaking ngiti na lalong ikinatakot ng mga tao.
"Bakit mo ba 'to ginagawa sa amin?!" lahat napatingin sa isang lalaking naglakas loob na tanungin siya.
Ngunit nabalik rin kaagad sa Dark Wizard ang mga tingin namin dahil sa napakalakas na Mahikang inilabas niya at direct itong tumama sa lalaking kaninang nagtanong sa kanya, pero bago pa man ito tumama sa lalaki ay mayroong humarang na mistualng barrier na halos hindi na mapansin dahil sa sobrang nipis nito. Ang barrier na 'to ang naging dahilan para makaligtas siya at napaupo na lamang siya sa takot.
"Ito ang mundong pinili ng napakaraming tao .. mundong kailangan na buhayin muli ng isang Hero at ang Hero na 'yon ay ang sisira sa kadiliman ng mundo" at sa isang tunog ng kampana ay naglaho nalang siya.
Halos lahat ay hindi makapaniwala na ang Dark Wizard pa mismo ang may gusto ng payapang mundo. Kapayapaan na mistulang pinagkait niya sa mundong ito at sa mga taong nakapaloob dito.
Huminga ako ng malalim, dahil ayaw kumalma ng dibdib ko.
Nilingon ko ang kakaibang mundong kinatatayuan ko. Sa paligid ko, makikita ang mga taong puno ng takot at mga taong halos ibuhos na ang lahat ng luha.
May ilan namang Ranking Wizard na nilabas ang mga RW Void na may ngiti sa mga labi. Sila ang mga taong makapangyarihan ngayon. Triple ang lakas nila sa isang mortal.
Kung sasama ako sa kanila, paniguradong makakaligtas ako.
Pero asahan ko na na hindi mababagong nasa hukay parin ang isang paa ko.
Ano ang plano mo ngayon, Lio? Kailangang may gawin ka kung hindi, mananatili ang dilim sa mundo na kinatatayuan mo ngayon.
Sa pangalawang pagkakataon, nagbuntong hininga ako, Hindi maaaring tumanganga nalang ako at hintayin na ibang tao na matapos ang laban na 'to. Hindi ko hahayaan na ibang tao ang pumigil sa'yo.
Kinapa ko ang dagger na nakasabit lang sa beywang ko at sinubukan kong sugatan ang mga palad ko pero nabigo ako. May isang barrier ang humarang sa dagger bago pa ito masugatan ang palad ko. Binalik ko ang dagger sa beywang ko at sinubukan kong ibukas sara ang mga palad ko.
Muli akong napatingin sa napakaraming tao at bumalik ang tingin ko sa mataas na building kung nasaan kanina ang gumawa ng mundong Encharmzia na 'to.
Ano nga bang naghihintay sa'kin sa mundong 'to?
Tadhana ba talaga ang pagkapunta ko dito?
Kailangan ko ba talagang lumaban muli?
Kailangan ko ba talagang balikan ang nakaraan na matagal ko ng tinalikuran at kinalimutan?
To be continue...