CHAPTER 2

2199 Words
1 year ago. Throwback,,,,, Please,,ma," pakinggan mo muna ako. Wala po akong kasalanan.,, Nagmamakaawang wika ni Arlene. Ngunit walang salitang sinampal siya ng ina, halos matabingi ang mukha nito sa lakas. Ito ang unang beses na dumapo ang kamay ng ina sa kanyang pisngi. Magulo ang itsura ni Arlene dahil kakauwe lang niya galing sa bar. Hindi na siya magtataka kung bakit agad nalaman ng kanyang ina ang pagkawala nito dahil halos 24 hours siyang nawala sa bahay nila. At ang pagpasok niya sa bar siguradong sinabi ni Eliera dahil ito lamang ang tanging nakakaalam. Simula ngayon hindi ka pweding lumabas sa pamamahay na ito. Tingnan mo ang itsura mo para kang bayarang babae na inabutan ng umaga sa daan. Nakakahiya ka.,,,"! Kundi lang sinabi ni eliera na pumunta ka sa bar hindi ko malalaman.,"! Pero ano nga ba ang aasahan ko sayo,,mabuti pa si eliera matino ang pag iisip.,,, Pero ma,,,,_ Pumasok ka sa loob ng kuwarto ngayon,,,,,! Sigaw ng kanyang ina. Umiiyak na nagtungo sa kanyang kuwarto si Arlene habang si elira nakita niya sa may pintuan ng kuwarto nito, inaasahan niyang ipagtatanggol siya ng pinsan sa ina nito. Hindi ko kagustuhan pumasok ng bar, bagkos nagmagandang loob lang ako. Magulo ang isip ko. Lalong lalo na ng magising ako sa ibang kuwarto, na may kasamang lalaki at pareho kaming hubo't hubad. Hindi ko magagawa iyon ngunit papaano nangyari sa akin, natatandaan ko lang pumasok ako sa bar upang sunduin si eliera, binigyan ako ng juice pagkatapos non wala ng akong ibang maalala. Lalong bumuhos ang luha ni Arlene sa magkabilang pisngi. Wala siyang maisip na sagot sa lahat ng katanungan kung bakit nangyari yon sa kanya? Bumukas ang pinto ng ang aking kuwarto at inuluwa non si eliera. Anong ginagawa mo dito,,,,? Umiiyak na Tanong ko. Lumapit sa kanya ang pinsan. Nag alala ako sayo dahil hinanap kita sa bar kagabi,,,pero hindi kita nakita kaya nauna na akong umuwe sayo.,,,, Hindi ko napigilan sabihin kay tita ang totoo dahil masyado siyang nag alala sayo. Pasensya na. Hinging paumanhin nito. Hindi ko alam ang gagawin,,,si mama galit na galit sa akin. Oo alam ko. Huwag kang mag alala sa una lang galit si tita pero lilipasin din ang galit niya sayo,,,tumahan kana.,,,,pag aalo ng pinsan niya sa kanya at yinakap siya. ____ Mag iisang buwan narin, Simula ng pumasok sa bar si Arlene pinagbawalan siyang lumabas ng bahay, palaging pinapagalitan ng kanyang mama,,maski sa palengke hindi siya pwedeng pumunta, sa madaling salita bantay sarado ang bawat galaw niya. Hanggang ngayon Palaisipan parin kay Arlene ang lahat, wala siyang makuhang tamang sagot sa lahat, tinanong niya muli si eliera ngunit katulad nong una wala din itong alam. Nitong mga nakaraang tila may pagbabagong nagaganap sa akin, katulad ng tinatamad akong kumilos dahil mabigat ang pakiramdam ko, walang ganang kumilos, naisipan kong pumunta ng hospital upang magpacheck up ngunit natatakot ako sa magiging resulta, baka may Malala na pala akong sakit. katulad nalang ngayon nasa loob ako ng banyo upang sumuka hinang hina ako habang nakaluhod sa kubeta. Isang linggo narin, tuwing umaga nag susuka ako. May gusto akong kainin, pero hindi ko alam kung ano yon basta nasa isip ko lang." Dyos ko anong nangyayari sa akin.,?sumuka pa ako ulit kahit wala naman lumalabas sa bibig ko. Sinasabi ko na nga ba,,,,,isa kang pakawalang babae,,,,! ngayon buntis ka,,,,,,?sinong ama ng dinadala mo,,,,haa!? Umuusok sa galit na wika ng kanyang mama pagkatapos hinablot nito ang buhok ni Arlene palabas sa banyo. Ma,,tama na po,,hindi ko alam ang sinasabi mo,,,,,pagmamakaawa ni Arlene sa kanyang ina ng hilain nito ang kanyang buhok. Magsisinungaling kapa,,,,! Binitiwan siya ng ina sabay sampal sa pisngi,. Ma tama na po.,,nasasaktan ako.,,"umiiyak na wika ni Arlene. Ngunit hindi siya pinapakingggan ng ina. Itinulak siya ng ina kaya halos mapasubsub ang kanyang mukha sa sahig. Lumayas ka sa pamamahay na ito,,nakakahiya ka.,,,,,! Duro ng kanyang ina. Ano na naman ang nangyayri dito.,,,,,? Sulpot ng ama ni Arlene. Itong magaling mong anak, nagpabuntis.,,,,,! Ano,,,,? Hindi,,,_ hindi ako makahinga,, Papa,,,,,? Sigaw ni Arlene at mabilis na lumapit sa kanyang ama. Lumayas ka ngayon din ,,,!kung ayaw mong kaladkarin kita palabas sa bahay na ito."! Ma,,si papa,,," Lumays ka sabi.,,,,,tinulak siya ng kanyang ina. Tulong tulong,,,,,! Nagsilapitan ang dalawang pinsan niyang lalaki at pinagtulungan buhatin ang kanyang papa. Pagbalik ko dito dapat wala kana sa pamamahay na ito,,,,,,! Huling wika ng kanyang ina bago umaalis. Napahgolgol ng iyak si Arlene habang nakatanaw sa kanyang ama na sinakay sa sasakyan. bakit ganon,,,,? Wala naman siyang kasalanan sa lahat, at totoo ba ang sinabi ng kanyang ina na buntis siya,,? ____ Kasalukuyan,, Naging mahirap sa akin ang nakaraan, naron ang malaking pagsisisi na hangang ngayon dala dala ko parin sa aking dibdib. Sa lumipas na taon mag isa kong binuhay ang aking anak na si Anna, kaya pala iba ang aking nararamdaman ng mga panahon iyong dahil may laman na pala ang aking tyan. At Sa lahat ng masalimoot na aking pinagdaanan sa nakaraan, isang bagay lang ang hindi ko pinagsisihan yon ay ang maisilang ko ang aking anak dahil binigyan niya ako ng pag asa sa buhay, dahil sa kanya nagiging matatag ako. Sa ngayon nakatira kami sa isang apartment habang nagtatrabaho ako sa isang kilalang company bilang admin office, at sapat na yon upang mabuhay kaming mag ina kasama ang nag aalaga ng anak ko. Palagi ko rin kinokontak ang aking pamilya upang humingi ng tawad ngunit sa kasamaang palad, mapapatawad lang nila ako kapag maihaharap ko sa kanila ang ama ng aking anak, na malabong mangyayari yon, dahil kilala sa lipunan ang ama ng aking anak, ayaw ko ng magulong buhay baka pagpepeyestahan lang kami ng publiko, knowing Austin Montero hindi pumapatol sa mahirap, lalo na kung katulad ko lang naman, dahil hindi ko parin makalimutan ang sinabi niya, walang sinoman ang pweding makaalam ng nangyari sa amin, dahil isa lamang itong pagkakamali na sinang ayonan ko rin. Ibig sabihin hindi tanggap ang anak ko. At nasa isip ko rin na kahit kailan wala akong balak ipakikilala si Anna sa kanya. Dahil kaya kong buhay mag isa ang anak ko, sapat na sa akin na kami lang dalawa sa buhay. At Kakapunod ko lang sa balita bumalik na sa pinas si Austin kasama ang fiancée nito, base sa balita dito magpapakasal ang dalawa. Lena tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka,,at si anna. Wika ni Arlene sa nag aalaga sa kanyang anak. Opo ate, huwag kang mag alala ako ang bahala kay baby anna. Salamat lena. , Humalik si Arlene sa kanyang anak bago umaalis. Isang taon palang ang kanyang anak at may kalikutan na ito, sanay na ito na wala siya sa paningin ng anak. Dahil sa day off lang siya may oras, madalas tulog na ito pagdating niya sa trabaho, kasabay non naging sakitin ang kanyang anak, naging customer sila ng hospital, sa loob ng isang buwan dalawa o tatlong beses niyang tinatakbo sa hospital ang anak, napakahirap sa kanya bilang ina dahil Napakabata pa ng kanyang anak, may dala dala na itong sakit. Ang asthma. Alas osto na ng makarating ako sa pinagttrabahuan ko dahil narin sa traffic. Pinark ko ang second hand kong sasakyan sa may parking area pagkatpos pumasok na ako sa main entrance upang mag time in. This is my routine, trabaho at bahay lang. Sometimes,I feel tired ngunit hindi ako pwedeng magpahinga dahil kinabukasan ng aking anak ang nakasalalay dito. Pagkatpos kong magtime in dumeretso na ako sa aking table upang simulan ang aking trabaho. Taga encode at taga hatid ng files sa iba't ibang department. Good morning Arlene.,,,bati ng katabi niyang si lorna. Good morning din sayo.,,nakangiting sagot ko. Naku sayang hindi ka sumama sa amin kagabi,. Ang tinutukoy ng isa ang pag aya nito sa kanya kagabi papunta sa bar. Palagi siyang niyaya ng mga ito lumabas pero paulit ulit siyang tumatanggi,,,,sarado na ang utak niya pagdating sa bagay na yan. Ng dahil sa bar na yan nasira ang kanyang buhay. Tama na ang isang pagkakamali na minsan ng nangyari sa buhay niya. Pasensya na lorna, busy ako. Tanging wika ko, naupo na ako upang simulan ang trabaho. lagi mong sinasabi yan wala kana man anak at boyfriend dahil hindi kita nakikitang may sumsusundo. Hirit pa ng isa. I, told you busy ako sa ibang trabaho, kailangan ko ng doble kayod para sa mga kapatid ko. Pagsisinungaling ko, walang nakakaalam ng totoong pagkatao ko dito sa company. Oo na,,pero minsan mag enjoy karin baka mapag iwanan ka ng panahon. Hindi nalang sumagot si Arlene hahaba lang ang usapan nila, basta hinding hindi siya sasama sa mga ito. ____ Pumasok na si Austin sa trabaho, kahit kakagaling palang niya ng biyahe kahapon, hindi rin siya nagpapigil sa kanyang magulang,,,walang kaso sa kanya ang pahinga dahil magdamag siyang tulog sa eruplano kasama ang kanyang kasintahan si victoria. Bumalik siya ng pinas kasama ang kasintahan upang dito ganapin ang kasal sa darating na linggo. Hindi na nila papatagalin pa dahil doon naman din ang punta nila. He's really happy to think na malapit na niyang maging asawa ang kasintahan. Nakilala niya ito sa america sa isang event, isa itong model at hindi nagtagal nagkapalagayan sila ng loob at nakilala ng lubusan ang bawat isa kaya doon nagsimula ang lahat. He was really changed ng makilala niya ang kasintahan from playboy to a serious guy. Yeah, matatawag niyang babaero ang sarili dahil sa iba ibang babae'ng denidate nito noong bagong dating siya ng America, bago niya nakilala ang kasintahan. Tuwang tuwa ang kanyang magulang ng ibalitang magpapakasal na siya. ___ Ms Arlene pakidala nalang sa taas sa ceo office ang files ng sale's of marketing. Utos ng kanilang supervisor. Okay po maam. Kakatapos lang e print ni Arlene mabuti na lang mabilis niyang natapos. Inipon niya ang lahat ng files at tumayo sa kanyang upuan. Sa mahigit isang taon niyang pagttrabaho sa kompanyang ito wala siyang masabi dahil maayos ang pamamalakad, tamang pasahod at benefits, samahan pa ng mabait na may ari kaya maswerte siya na nakapasok sa kompanyang ito. Pero hindi niya maiwasan magduda kung kano ano ito ni austin montero dahil montero ang apyeldo ng may ari. Kung minsan hindi niya maiwasan magduda baka pamilya ito ng lalaki, pero hindi pa niya nakikita ng personal ang anak ng may ari, sabi sa usap usapan nasa abroad ang mga anak at abala sa pag aaral. Dahan dahan siyang kumatok sa pintuan ng ceo. Wala ang sectretary sa mesa nito kaya dumeresto nalang siya. Ilang beses narin siya nakapasok sa office ng ceo at Aliw na aliw sa kanya ang amo minsan na niyang nakakuwentuhan, hindi niya alam pero magaan ang loob niya dito parang katulad ng tatay niya. Nakaramdam siya ng lungkot ng maalala ang yumaong ama,dahil sa nalaman nitong buntis siya kaya inatake ito sa puso hanggang sa hindi na nagising. Napakasakit sa kanya na mawalan ng ama, mahal na mahal niya ang papa nito dahil sa kanilang magkakapatid siya ang medyo malapit sa ama. Ngunit siya din pala ang dahilan ng pagkawala nito. Hi, Ms Arlene,,,,,,? Kita ni Arlene ang gulat sa mukha ng lalaki ng makita siya nito. Maski siya nagulat din, hindi niya inaasahan na makita ang lalaki. Anong ginagawa niya sa office ng may ari,,,,? Napatampal sa kanyang noo si Arlene, ibig sabihin totoo ang nasa isip niya magkamaganak ito dahil parehas ng apyeldo. Pasensya na kung ibang mukha ang naabutan mo sa office ni dad. Nakangiting wika ng lalaki sa kanya na tila walang nangyari sa nakaraan. Pero siya naiilang sa lalaki. Isa isang bumalik sa alala niya ang nakaraan, akala niya mawawala na yon sa isip niya ang mukha ng lalaki dahil isang taon na ang nakakalipas. Ngunit ng makita niya muli ang lalaki pakiramdam niya parang kahapon lang naganap ang lahat. Ito na po yong mga files na kailangan niyo sir. Nilapag ni Arlene ang papel sa harap ng lalaki. Thanks. So how's everything,,how are u by the way,,,? Kalmadong Tanong ng lalaki sa kanya. Siguro nagulat lang ito ng Makita siyang nagtrabaho sa mismong company nila. Mabuti naman po sir,,.pilit pinapatatag ni Arlene ang sarili sa harap ng lalaki. segi po sir babalik na ako sa baba. Hindi makatinging wika niya dahil naiilang siya sa lalaki. Okay salamat. Wika ng lalaki. Walang lingon likod na tumalikod si Arlene palabas ng office. She wasn't informed na ibang amo na pala ang makikitan niya, what a small world, at tatay pala niya si sir samuel montero. Lutang siyang bumalik sa kanyang table dahil hindi iniisip niya ang ngayon lang na muling pagtatagpo ng kanilang landas ng lalaki na minsan ng naging bahagi ng kanyang nakaraan. ___ Samantala akala ni austin hindi na niya muli makikitang si Arlene. Yon pala mismong sa company nila ito nagtatrabaho, walang nagbago dito mahiyain parin bukod sa nagdalaga na ito at nag improve ang pananamit. Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila kung saan isang taon na ang nakakalipas, mabuti naman at tumupad ito sa usapan na huwag ipagkalat ang nangyari. But, anyway never mind hinarap nalang niya ang papel na hinatid ng babae sa kanyang office. Lalabas din saya ng maaga dahil magkikita sila ng kanyang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD