Napasandal si Lena sa dingding at napasapo sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya'y nanlalambot ang kaniyang mga tuhod at kalamnan dahil sa labis na panghihina na tumatagos sa kaniyang mga buto. Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan dahil sa labis pa rin na pagkabigla. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan ng kaniyang mga mata. Parang wala siya sa sarili nang ihakbang ang kaniyang mga paa. Parang hindi sumasayad ang mga iyon sa sahig dahil sa labis pa rin na panghihina. Kailangan niya nang makaalis doon bago pa man siya makita nina Uno at Elvira. Patakbo si Lena na bumalik sa loob ng kaniyang silid. Isinandal niya ang likod matapos ay dahan-dahan na napadausdos at napaupo sa sahig. Bakit kapwa walang saplot sina Uno at Elvira? May itinatago ba ang mga 'to na kailangan niyang ma

